--
"I can't believe this, Alfred!"
"Then might as well check the cctv's on that hallway, Noemi, para makita ng dalawang mata mo ang ginawa ng pamangkin mo sa aking anak." My father stated, irritated.
Sapo ni tita ngayon ang kanyang noo. I can't blame her if she doesn't believe cause that b***h is really good at manipulating people.
I can see my reflection on tv. Ibang iba na ang ayos ko ngayon at ang ayos kanina. Half of my dress is covered with blood and I smell red wine. Sabog na rin ang buhok ko ngayon, para akong basang sisiw.
Napaigtad ako ng biglang hawakan ng moyordoma ang kamay ko. She sighed before smiled a bit at me, her smile is assuring that she's not a bad person that I don't need to be afraid of her.
"Napakabilis po ng pulso niya, Sir, na trauma siguro sa aksidenteng nangyari kanina." Untag niya.
My lips pursed a bit. Napailing ang aking ama. Todo ang dasal ko kanina na sana ay hindi ako maabutan ni papa o kahit na si tita, ayokong malaman nila ang rason kung bakit galit sa 'kin si Chesca.
Lumipad ang paningin ko kay Allen na nasa kabilang sofa, mukhang malalim ang iniisip. Kanina sa kotse ay walang imik ang dalawa, and I take it as a yes. Yes, they are doubting me.
"Hindi ka naman siguro lasing kanina-"
"Noemi! If you really don't believe, can you please shut up?!"
"Hindi ko sinabing hindi ako naniniwala ang akin lang ay hindi ako makapaniwala! Chesca is not capable doing this things! She's a good person we both know that, dahil minsan na rin siyang tumira dito!"
"People change, Noemi, and your niece is not an exemption for that."
"Mom! Dad! It is not the right time for you to argue…" Si Bench sa iisang nakikiusap na tono.
I sighed deeply. It's just getting worst. Ayokong mag-away na naman silang dalawa kaya kahit labag sa loob ko ay sasaluhin ko ang kasalanan ng ipokritang iyon para lamang maayos ko sila.
"P-pa, ayos na ako. No need to worry. Tama si tita, Chesca isn't capable to do this things…"
Tinaasan niya ako ng kilay. "What do you mean, Winslet?"
"…baka siguro sa galit nagawa lang 'yon sa 'kin ni Chesca. Nagkasagutan muna kase kami bago nangyari ito."
Napatikhim si Allen sa aking sinabi, hindi makapaniwala. Ito lang ang tanging rason na naiisip ko ngayon. I'm drained at ang tanging gusto ko lamang ay wag silang mag-away, and move on, on what happened right now. I can deal with this.
"What's the reason all of this? I know there's one."
I looked away, immediately. Nasa akin lahat ang mga mata nila, naghihintay sa sagot ko. Napatingin ako kay Allen sa isang nangungusap na mga mata, hoping he would help me here.
"Winslet…" Si tita sa nagbabantang boses.
"Let her rest, first, dad."
"Uh, Oo nga sir, baka masyado pang sariwa sakanya ang nangyari kanina. Dadalhin ko na lang po siya sa kanyang kwarto at papaliguan."
Ani ng mayordoma at binalotan ako ng isang puting tuwalya sa balikat.
I glance at Allen, I smiled a bit, thanking him for saving me. He just looked away.
"Mabuti pa nga." Sang-ayon ng aking ama at lumapit sa 'kin. "Rest first, I'll talk to you tomorrow." And he kissed my template before turning his back on us.
Dinig ko ang buntong hininga ni tita bago tumayo at sinundan ang aking ama. Mag-aaway na naman kaya sila? I bit my lower lip at nagpatianod nalang sa hawak ng mayordoma sa 'kin.
When we I arrived in my room. Puno na ang aking bathtub ng tubig at meron pang kuting mga bula. Nilingon ko ang mayordoma, tinatanong siya gamit ang aking mga mata.
"Para mahismasan ka po, ma'am." Aniya at hinubad ang aking damit upang maibabad ko ang aking katawan doon.
Gaya ng sabi niya, nakakagaan talaga ng. loob, It's so relaxing. I close my eyes when an image flashed through my mind, it's an image of what happened earlier. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito.
Hindi ko mapigilang maalala ang mga sinabi at aksyon ni Primo sa 'kin. He wasn't lying when he confessed, I wonder… kailan kaya nagsimula ang naramdaman niya sa 'kin? Ito ang ipinangangamba ko dahil kahit balikan ko pa ang nakaraan, wala akong mahanap na rason para magustuhan niya ako.
Sa huli ay hinila ako ng antok, kung hindi lang ako ginising ng mayordoma baka doon na ako natulog magdamag.
For the past three days, nasa kwarto lang
ako. Lumalabas lang kung kompleto kami sa hapagkainan kung hindi naman ay nagpapadala lang ako ng pagkain sa kwarto. Minsan na rin akong dinalaw ni Papa sa kwarto nagtatanong kung ayos lang ba ako at pilit akong pinapaniwala na ayos na sila ni Tita Noemi at hindi na nasundan ang away nila.
I spent my three days finding Henry. Lahat ata ng social media ay ginamit ko at nag sign up doon, nagbabakasakaling active si Henry doon. Pero wala 'eh, walang bakas na Henry. Sa halip ay account ni Primo ang nakita ko. I clicked it, it was his i********: account. Hoping I could trace Henry's account by stalking his account.
@WVegoKai_
43 posts - 8k followers - 0 following
Primo Kaixious Vego
Patiently waiting for my epilogue.
Napaka-pride naman ata niya. Ni isa wala siyang finallow back sa mga followers niya? I clicked his icon, my eyes widened. Half of his face was covered by a book at tanging left side lang ang mukha niya ang nakikita. At ang librong gamit niya ay ang librong pinag-aagawan namin three years ago!
Napahilot ako sa sintido. Wala naman siguro itong malisya diba? I force myself to ignore his icon at ni-scroll pa ang timeline niya.
I clicked a photo that has black and white filter. It's a minimalist tatoo on his wrist, ni zoom ko iyon dahil sa liit. Gaya ng bio niya ganun din ang nakasulat doon and it was written in a typewriter font. Bakit hindi ko ito napansin sa twing nagkikita kami?
Patiently waiting for my epilogue.
I check the comments but, it was just a random people whose following him.
@Maryanyanyan_
So sweet, I want to be that epilogueee.
Halos lahat ganyang ang comment. I sneered? Gusto niyo maging epilogue niya? Edi dumaan muna kayo sa bangis ni Chesca! Tss. I scrolled for more. Tumuon ang pansin ko sa isang account, ito lang nireplyan ni Primo.
@Agualarrr_
Hey, she's my epilogue already.
@WVegoKai_
Stfu, Henrio.
Henrio? Henry's real name! Finally, I found you jerk! Kaagad 'kong clinick ang icon niya at siya nga! After long years nahanap ko na rin ang kumag 'kong bestfriend!
Kaagad akong nagtipa ng mensahe para sakanya. I didn't stalk his account like what I did to Primo's account.
Me: After a thousand years I already found you, jerkkkkk!
Then I hit the sent button. He's not online. So what I did is showered him a message.
Me: Let's meet.
Me: Nandito na ako sa pilipinas.
Me: Marami akong gustong itanong sa 'yo! Please reply, asap.
Me; Henry, I really need your help. Please. :Ashiens