Chapter 13

1997 Words
-- I groaned before standing up when I felt a heaven's call. Damn, this house is big or should I call mansion, saang lupalop ko hahanapin ang CR dito? Iniwan ko ang suit ni Primo doon at ang aking clutch para maghanap ng bathroom. Bahagya pa akong nag half-run dahil parang feeling ko ay puputok na ang pantog ko. Liliko na sana ako sa may eskinita nang may humila sakin. I'm about to complain nang nanlilisik na mga mata ni Chesca ang sumalubong sa'kin. Bahagya akong napangiwi ngunit hindi ipinahalata sakanya, ang higpit ng hawak niya sa braso ko na para bang meron akong kasalanan sakanya. It feels like her nails are digging on my skin. "Let me go-" "Ano ang relasyon niyo ni Primo?!" She shouted hardly. The side of my lips rosed. Is she being pathetic again? "Bitawan mo ang braso ko kung gusto mong sagutin ko ang tanong mo." Kalmado 'kong utos. "Hindi ko bibitawan ang braso mo pag hindi ka sasagot! Ano ang relasyon niyo ni Primo?!" "Then I won't answer your stupid question!" Sigaw ko pabalik. Ito na ba ang sinasabi ni Celine? As I stare at her eyes, kulang nalang talaga at para na siyang papatay ng tao. Kahit ang hapdi na ng braso ko, pilit ko pa ring nilalabanan ang masama niyang titig. Slowly, she chuckled like a crazy. "I'm not threatened at you, I'm going to marry Primo anyway, so the victory is mine." Hindi ko alam pero nangilabot ako sakanyang paraan ng pagtawa. Walang nakakatawa sa atmosphere namin ngayon. Mas lalo akong kinalibutan ng huminto siya sa pagtawa at muling naging seryoso, parang lahat ata ng balahibo ko ay tumindig. "Should I dispatch her? Like what I did with Celine and that other crazy woman who are over heels into Primo?" Pangungusap niya sakanyang sarili. I've never been in this situation. Clearly, she's so obsessed on Primo. Kaya ba siya nagkakaganito dahil sa napag-usapan namin ni Primo? Nandoon siya? Kung ganun sinusundan niya si Primo? At anong dinispatsya niya si Celine? It's her sister for pete's sake! My eyes widened, nang binasag niya ang bote ng isang wine. I'm shaking as I saw her pointing me using the bottle she broke earlier. f**k! She's going to kill me?! At bakit kasi dito pa ako dumaan sa kung saan walang masyadong napapadaan na tao. Dahan dahan akong napaatras. "At first I thought you were just a worthless nerd, but I'm wrong! Very wrong, dahil isa ka pa lang malandi! Malandi ka! Inagaw mo si Primo!" "Hindi ko inagaw sa'yo si Primo at para narin sa ikakatahimik ng kaluluwa mong nababagay sa impyerno, walang namamagitan samin!" Pilit kong pinapatibay ang boses ko, habol ko na ang hininga ko ngayon. Sana pala ay hindi nalang ako umalis doon! "Edi manhid ka pala! Akala ko ba matalino ko?! Kung matalino ka nga, you should have found out Primo's feelings for you, first!" Aniya sa hindi makapaniwalang tono. "Alam mo matagal talaga kita gustong patayin eh, napakatanga ko dahil hindi ko alam na ikaw pala ang Winslet na tinutukoy niya! If I only knew, hindi ka na sana makauuwi dito sa pilipinas ng buhay!" Hindi ko magawang sagutin ang sinasabi niya dahil sa takot at gulat. God, I need help please! "No! He's just playing! Hindi niya ako gusto-" She took a step forward, aatras na sana ako ng apakan niya ang damit ko. Napalunok ako ng ilang dipa nalang ang layo ng bote sa mukha ko. Hindi ba talaga siya aatras sa binabalak niyang ito? Hindi ba siya makokonsensya? "So explain me why he kept your photo when you're young on his wallet? Explain me why his whole family knows about you, kahit pa hindi nila alam ang tungkol sa pagiging De Villa mo?!" Kaagad 'kong hinarang ang braso ko sa mukha nang aakma siyang susugatan ako padaplis sa mukha, I groaned in pain. Ang hapdi! "Mamatay ka na! Akin lang si Primo, akin!" Hinintay ko ang panibagong sugat pero hindi nangyari, isang sugat lang ang natamo ko. I open my eyes, slowly, nang makarinig akong ng muling pagkabasag ng bote. May pumigil kay Chesca! Nakatalikod sila sakin, kaya hindi ko siya makilala, hawak niya ang magkabilang balikat ni Chesca, basag na ang boteng hawak ni Chesca kanina. "Dale…" My eyes widened! Dale n-na kapatid ko? Niyakap ko ang aking tuhod dahil sa panginginig. Anong ginagawa ni Dale dito? "Anong ginagawa mo sa kapatid ko?!" Nangangalating sigaw ni Dale. "Dale... siya ang nauna. Sinaktan niya ako." That b***h! Ako pa talaga ang pinapalabas niyang masama rito?! "Shut the f**k up, Chesca! You can't fool me anymore, I already know who you truly are-" Chesca's sob echoed on the hallway. "Hindi ka naman ganyan ah! Noon pinagtatanggol mo ako-" "Noon 'yon and I will never do that f*****g mistake again! Leave, baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo!" Kaagad kumaripas ng takbo si Chesca nang binitawan ni Dale ang balikat niya. I-I'm speechless towards on her behavior. Tumatawa siyang mag-isa kanina at ngayon ay umiiyak, binabaliktad ang nangyari. Ni isang kurot nga man lang ay hindi ko nagawa sakanya! "Are you okay?" Dale asked in a worried tone. He claimed me as her sister. T-tanggap niya ako? My heart flutters. Sa unang pagkikita namin ay hindi maganda, ni tapunan man lang ako ng tingin ay hindi niya magawa. "I'm asking you, Winslet. Are you okay?" "Uh, y-yes." Nag-aalinlangan kong sagot nang nakabawi. Dahan dahang akong tumayo habang nakaalalay siya sakin. He sighed heavily when he saw my dress, half of it, was now covered by the blood. "Tatawag lang ako-" "Wag, ayoko na dito. I-Iuwi mo na lang ako." Ayokong gumawa ng eksena dito, kaya ko pa namang tiisin ng hapdi. Nakita ko kung paano nag-iwas ng tingin ang kapatid ko, am I asking him too much? "Uh, t-tawagan-" "I don't want to go in that house anymore, I'll just bring you to my place to heal that wound and after that pwede kang magpasundo." Sa likod kami dumaan kung saan walang taong makakita samin. Nakatulala ako habang nakakatitig sa daan na nadadaan namin. So Primo wasn't lying when he said he likes me? And Chesca wasn't lying when she said how much she wants to kill me! Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin doon kung hindi lang dumating si Dale. "Stay away from Primo, If you don't want to happen again what happened earlier." Napalingon ako sakanya. Nasa daan ang kanyang tingin. Anong ibig niyang sabihin? Alam niya rin kaya na ganun si Chesca? Kung babalikan ko ang nangyari kanina ramdam kung hindi lang ako ang tinangkang patayin ni Chesca. But I want to know who? Mahal din kaya niya si Primo para gawin din sakanya ang ginawa ni Chesca sakin? Chesca is so f*****g obsessed to Primo! Na kahit ang pagpatay ng tao ay kaya niyang gawin! We stopped right in front of the modern mansion. Hindi man iyon ganun kalaki gaya ng bahay namin ngunit masasabi mo paring mayaman ang nakatira doon. The wound in my hand is still bleeding. Nang nakababa si Dale ay kaagad niyang binuksan ang pinto ko. "I can't let you go in, dito ka lang kukuha lang ako ng first aid kit-" "You gago! Where did you go…" Nakita ko kung paano pumikit ng mariin si Dale nang marinig ang umaalingawngaw na boses ng babae. Kaagad itong napahinto ng makita ako, sa likod niya ay lalaking may bitbit na leash ngunit sa halip na aso ang dapat nandoon, pusa ang nakatali. "Patay kang bata ka." The guy on the back commented, almost laughing. Sinamaan ako nang tingin ng babae bago bumaling kay Dale. I think this girl is a way younger than me. The way she rolled her eyes on Primo, it's screaming that she is a spoiled brat. Tinalikuran niya kami at padabog na inagaw ang tali na hawak ng lalaki. Natatawang lumapit samin ang lalaki. "Oh diba sabi ko sa'yo? Nasa inyong dalawa ay ikaw ang mayroong curfew tapos siya ay wala." He laughed holding his stomach. Dale sighed heavily, na para bang malaking problema ang haharapin niya mamaya. "Pakibantayan ang kapatid ko." I scanned the whole area. Sinong bahay kaya ito? "Ollah, miss beautiful!" I smiled at him a bit. "Pasensiyahan mo na ang amo namin! Galit lang 'yon dahil ikaw ay sinakay ni Dale sa kotse habang siya ay hanggang scooter lang!" He laughed again while slamming the car. Ang dami pa nitong tanong sakin at sinasagot ko lang siya ng pakonti konti. Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya nararamdaman ang pagdigusto ko sa mga tanong niya. "Pagpasensiyahan mo na kung 'yan lang ang damit na maipapahiram ko sa'yo." Untag ng kaibigan ni Dale habang ginagamot ang sugat ko. "Ayos lang." Mahinang sagot ko nang makaramdam ng hapdi. "The heck, Winslet! Where have you been…" Bench voice echoed, pero kaagad napahinto ng makita ang kalagayan ko. Pinandilatan ko siya nang makita ang pag-ngiwi niya dahil sa dugo. "Anong nangyari sakanya?" Mahinahon ngunit mariing tanong ni Allen. Right! Hindi ko man lang nasabi kung saan ako ngayon. They must be worried, naiwan kase ang aking telepono sa lounge, kaya hindi ko na sila nasabihan ngayon! "Allen, I'm fine…" "I hate the way you ask me…" Dale trailed off before smirking. "Kuya..." "Tss, si Winslet ang sadya natin dito, Len, kaya doon ka mag-focus." Pag-aapila ni Bench. Our atmosphere was covered with a heavy tension! Pagkatapos magamot ng sugat ko ay kaagad akong tumayo at naglakad dahan dahan sa gawi nila Allen at Bench. Laglag ang panga ni Bench ng makita ang dugo sa damit ko. "Ayos na ako. Thanks to Dale, he's the one who saved and helped me." I turned my gaze on Dale. "Salamat, at salamat din sa kaibigan mo." Wika ko bago sila tinalikuran. "Wag kang lalapit sakin." Bulong ni Bench, halatang takot sa dugo. "Who did this to her?" Muling tanong ni Allen. I hate how he asked a question towards Dale. Parang tunog sisi 'yon. I can't blame him though, he is just worried. "Who else? Your crazy cousin. Stay her away from Primo kung ayaw niyong maulit ito muli." Banta niya na para bang hindi ko gagawin kaya sa mga kapatid namin niya sinabi. Walang pasubali niya kaming tinalikuran at pumasok sa kotse upang maipasok ito sa garahe. How rude. Napailing si Allen bago ako hinarap. "Pumasok ka na sa kotse, tatawagan ko lang si dad." Tumango ako at sinunod ang utos niya. Umiling ako ng nakapasok sa kotse, ayoko sa iniisip ko. Chesca is not illed, right? I mean she's too young for that… Baka ganun lang talaga siya magmahal. But f**k! I can't even afford seeing myself stabbing someone just because he was loved by the man I love! "Ano 'to?" Tanong ko nang makakita ng paper bag sa backseat. "Gamit mo na iniwan mo kay Primo." There, I saw my clutch and Primo's upper tux. Bakit nandito 'to? Sakanya 'to. I wonder… galit kaya siya sa ginawa ko? Hindi ko naman talaga siya tatakasan doon eh. "At bakit nga pala kayo magkasama?" Taas kilay na tanong ni Bench habang nasa mukha ko nakatingin iniiwasang bumaba ang paningin sa damit ko. "It's just accidentally." "I saw how Primo's eyes covered by fear when he saw a broken glass and blood on the hallway when we were crazily finding you. Siya mismo ang nangungunang naghahanap sa'yo, ginagatungan ang pag-aalala namin. I'm a man too, Winslet, so I can tell his feelings-" "Don't talk ill infront of me, Bench. His just guilty dahil siya ang taong huling nakasama ko." Ayokong merong pang kumumpirma na totoo nga ang mga sinasabi ni Primo. Bench smirk. "Of course, you prioritized your studies right than other non-sense things?" Nag-iwas ako ng tingin. Yes, Primo's feeling is just a non-sense. -- Ashiens
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD