--
He exhaled heavily, na para bang kakabunot lang ng tinik sa lalamunan niya. Gusto kong matawa at magsalita sa sinabi niya pero hindi ko magawa. I looked away when our eyes met.
My emotions right now are mixed. Anger, because he didn't show up! Exhausted, finding a damn gift for him and surprised by what he said earlier.
Katahimikan ang bumalot saming dalawa bago siya lumabas sa kotse habang umiiling. I gasped, somehow parang lumuwag ang hininga ko ng umalis siya.
"Pakidiretso po neto sa walk in closet." Utos ko sa kasambahay nang dumating na kami.
Natigilan ako ng makita si Bench na nakatingin sa palayong bulto ng kasambahay at sa likod niya ay ang mayordoma. Akala ko ba hindi na umuuwi ang isang 'to? Biglang sumilay sa labi niya ang malademonyo niyang ngisi.
"I didn't expect that aside from books, you'll spend a money that big for..." He shrugged. "Primo."
I smirk. "Ang lakas ng gps mo. Fifty thousand is not that big."
Kaagad siyang napabalikwas sa sinabi ko. His eyes widened. I shook my head, I'm just lying. Lalagpasan ko na sana siya ng hinigit niya ako pabalik.
"Don't tell me…"
"Bench, I am drained-"
"Hindi mo alam kung magkano presyo ng binili mo? Dude, you're not just buying an ordinary pencil, you're buying a pencil that is worth millions!"
Napaawang ang bibig ko. Wait, what?
"Your gotta be kidding me."
Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at kaagad hinalukay ang bag ko. The receipt! I don't have the chance to check on that because of Primo. Nang nakita ko ay resibo ay nakisyoso din si Bench at para akong nabuhusan ng tubig ng makitang kalahating milyon nga ang halaga ng mga lapis na 'yon.
Sa pagkakaalam ko ang laman ng savings ko ay 800 thousand and I've been saving it for over a year! At mawawala lang dahil sa lapis! f**k, I'm so careless!
"What now? Isosoli mo? I can see regrets on your face." Si Bench.
It's tempting me pero hindi pwede. Dahil pag isosoli ko 'yon baka magkakaroon pa ng tracing and I don't want to spoil the tea. Nalaglag ang balikat ko.
"Wag na. Aakyat na ako."
Wala akong magagawa, nangyari na. It's my fault anyway, I should have checked it before I left that store or even before I gave the ATM. Hindi ko sana magagastos ang pinag-iponan ko kung hindi lang ako nairita sa ngiti ng babae nang sinabi ko ang pangalan ni Primo.
What Primo confessed kanina, I won't take it seriously. Why should I, right? He is known for being play boy and he's just f*****g bored or maybe naubusan ng babae, kaya ako ang pinagtripan. Obviously, I don't have the type of body… that every man wants.
He's corny for f*****g mention the word love not the word like. What's the difference anyway?
Napatikhim muna ako bago bumangon, inilubog ko muna kasi ang sarili sa kama. When I was about to enter the closet, napahinto ako nang makakita ng isang mannequin na mayroong sout na dress.
The dress is white assymetric bawat lining ay ruffled at sa gilid nito ay exposed though merong itim na jumpsuit, pero kahit na dahil ang ikli nito. May dalawang itim na laso, sa parte kung saan masyadong bulgar.
Akin ba 'to? Syempre nandito eh. Pero para saan 'to? It's a pretty dress but I couldn't imagine myself wearing this.
"Pasok." Sigaw ko dahil may kumatok, not taking my eyes off on the dress.
"It's pretty, right?"
Kaagad 'kong sinalubong si tita. Nakatuon sa mannequin ang paningin niya. I think she's the one who prepared this.
"Uhm, yeah." I agreed.
Lumapit siya sa mannequin at doon sinuri ang dress. She was checking it happily. I wonder, siya rin kaya ang nagpili ng ganyang disenyo?
"I didn't know na ganito pala ito kaganda sa personal. Drawing pa kase ito ng nakita ko, last time." She chuckled.
Minsan nasasabi ko sa sarili na nasa loob ang kulo niya sa twing mabait siya sa 'kin. Syempre sinong babae ang gusto pakisamahan ang bunga nang pagkakamali ng asawa niya?
If heaven gave her a daughter, for sure they will have the same vibes and poise. Kasi kami? Magkasalungat na magkasalungat.
Napayuko ako sa iniisip. Pagkakamali. Isa akong pagkakamali, pag nalaman ng mga tao ang tungkol sa 'kin, 'yan din siguro ang iisipin nila. Unti unti ko nang naiintindihan ang mga sinasabi ni tita sa 'kin noon.
"Winslet, are you with me?"
Kinurot ko ang sarili. I'm spacing out again.
"Uhm, of course, tita. P-pardon?"
She rolled her eyes. "Whatever, I'll just hire somebody to dress you up on Primo's birthday." She tapped my shoulder first before she leaves my room.
I sighed deeply before taking a half bath. Phew, so too much for this day.
Dumating na ang araw na kaarawan ni Primo. As what Tita Noemi said she sent two women to fix me. While they're styling my hair I couldn't help but to glance at my gift for Primo.
Hindi naman ako naniniwala sa mga sinasabi niya pero bakit feeling ko magiging awkward mamaya? Tss. Kung ano man ang trato ko sa 'kanya noon, mananatiling ganun!
"And perfect!" The stylist commented after succesfully clasped the necklace.
Tumayo ako at tinignan ang sarili sa full length mirror. I'm wearing the dress that tita prepared and a pair of open toe heels. They turn my brownish hair into black yesterday, para daw ma-highlight ang features ko. It feels like, it's my debut right now.
"I want the pierced one, not this." Reklamo ko sabay turo sa hikaw na sout ko, masyadong mabigat ang drop sa tenga eh.
"No, hindi pwede. You look good on that." Sagot isa sa 'kanila halatang naiirita.
"Mabigat sa tenga." I complained while looking myself on the mirror.
"Girl, pinagbigyan na kita sa kwintas! Ayaw mo mag-sout ng choker kase para kang nasasakal at ngayon mabigat sa tenga mo ang hikaw. Ang totoo babae ka 'ba talaga? Wala ka man lang ka taste taste sa fashion, kakaloka ka girl."
Napasimangot ako. Maybe next time, I'll buy a book that are fashion related, para wala nang ipadala na kung ano ano si tita sa 'kin sa twing my okasyon. Bawat galaw ko ay maingat dahil sa dress na sout ko, kinakailangan para hindi masyadong showy.
Nang namataan ako ni Kuya J ay kaagad siyang tumayo at kinuha ang briefcase na dala ng nakabuntot na kasambahay sa 'kin.
"Mauuna po tayo, ma'am." Nakangiting wika ni Kuya J habang pinagbubuksan ako ng pintuan.
Matabang akong tumango sa 'kanya. I've expected this pero hindi ko inakala na pupunta akong mag-isa doon, ang akala ko ay sabay kaming pupunta doon at doon na rin maghihiwalay.
Somehow I felt a little pain on my chest, being a secret on someone is not easy. Dahil kahit kailanman ay hindi ka magiging komportable.
"Ma'am ang ganda niyo po ngayon." Untag ni Kuya J.
I smiled a bit. I don't take it as a compliment, he is just trying to make me feel better. I mouthed 'thank you' before returning my eyes back to the window. Kahit papaano ay gumaan din ang dibdib ko hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa ginawa niya.
"Kuya J, papasok ka po ba sa venue?"
"Hindi po kami pwede doon, ma'am." Sagot niya at nagkamot batok.
I guess, I'm gonna be alone tonight.
I look in an awe, when I saw a spanish style house standing proudly infront of me. Hindi ko alam na meron pa palang ganito ngayon sa panahong ito. Maraming kotse na magagarang nakapaligid sa kanilang bahay.
I refused when Kuya J offered to send me there, magiging agaw pansin lang 'yon lalo pa't nakauniporme siya kaya sa halip ay pinauna ko siya at inutusang ibigay kay Primo ang aking regalo.
Nagdalawang isip pa ako bago ko 'yon binitawan. Syempre kung binili ko 'yon ng mga libro, puno na sana ang dalawang book shelves doon sa kwarto ko, aapaw pa!
Pumasok ako doon na nakayuko. Batid 'kong maraming nakatingin sa 'kin ngunit hinayaan ko na 'yon at naupo na lamang sa pinakadulong upuan, 'yong walang masyadong nakakapansin sa 'kin.
Their house is much bigger than ours kaya masyadong marami-rami rin ang mga taong dito ngayon. Sa loob ng mansyon ay walang masyadong kagamitan. I think this is not their house parang ginagamit lang nila ito sa twi g meron silang family occasion.
Bawat taong dumadaan sa lamesa ko ay napapatingin sa 'kin but I'll just lower my head. Nakakaagaw din kasi ng pansin eh, syempre ako lang mag-isa.
I feel out of place as I scanned everyone with their own circles. Sana pala ay tumanggi na lang ako kay Papa at pipilitin siya na huwag na lang ako dumalo rito. Pwede naman siguro pagkatapos nito ay umuwi na ako kaagad? At doon na ako magdadahilan kung tatanungin ako ni Papa kung bakit ako umuwi kaagad.
Napaayos ako pagkakaupo ng namataan ang pamilya ko. Una 'kong nakita si Allen na palinga linga, probably finding me, he looks good on his tux, gaya ng sabi ko hindi nila ako makikita dahil nasa dulo ako. Ganun din si Papa ngunit kaagad nahinto ng merong sumalubong sa 'kanilang waiter at iginaya sila sa kanilang uupuan.
I smiled bitterly as I see how my father introduce my two brothers proudly when someone approaches them. Iniwas ko na lamang ang tingin sa 'kanila at tinuon ang sarili sa cellphone. I receive two messages from Allen.
Allen:
Where are you?
You should have tell me so that I could join you.
I turned my phone off. Para akong nawalan ng gana sa lahat. Sa halip na kaawan ang sarili ko doon ay tumayo ako at lumapit doon sa counter para manghingi ng wine. Napairap ako bago umalis ng makitang lumapit doon sa table nila ang bruhilda. Chesca.
I explored every hallway here, at bawat gamit nadadaanan ko ay makaluma na pero hindi masyadong halata dahil halatang inaalagaan ang mga ito, napangiti ako ng mapadpad sa backyard nila, there's a swimming pool at walang tao.
The water on it are sparkling, it's nice to appreciate it lalo pa't nag reflect ang buwan doon, I make myself comfortable on the lounge.
"Better." I whispered.
Habang nakatitig ako buwan ay bumalik ang sinabi ni Primo sa 'kin, his oh-so-called confession. I chuckled and shook my head. Ganito talaga ako pag mag-isa ka at walang ginagawa. Pfft.
"You are here, instead giving your gift to me personally, really?" Umalingaw lingaw ang boses na iyon sa likod ko.
I rolled my eyes, annoyed. Hindi ko na 'yon nilingon pa dahil alam ko kung sino ang nag mamay-ari ng boses na 'yon dahil 'yon din ang boses na lumitaw sa isipan ko kanina.
I sipped the wine that I bring while I was exploring every hallway, hindi na ako nagtaka nang makitang nasa kaharap na lounge ko na si Primo.
He looks dashing on his color taupe tuxedo, I found him attractive this night dahil sa silver niyang hikaw. With or without earrings, people always find him attractive.
"Please don't be rude to me, even this night only." Then the side of his lips rosed.
"I don't do anything to you." I pointed out while sipping wine. Paubos na, sana pala ay dinalawa ako ang kinuha ko.
"Your gaze are giving me a goosebump."
Napakibit-balikat ako. "That's the way I stare."
"Yeah, and I only want those eyes on me only."
I fake a coughed. Oh hindi na nakuntento gusto pa ang mata ko. Inirapan ko siya ng tinaasan niya ako ng kilay.
"Hindi pa naman malabo ang mata mo-"
"Stop that. You know what I mean." Then he licked his lower lip.
Is he flexing his damn organic red lips?! Hindi ko na siya pinansin at tinuon na lamang ang sarili sa buwan. Aside from books, moon can wash my stress too.
"Your family is there inside, why you didn't join them?"
Susunod ata ito sa yapak ni Allen 'eh. Nagtatanong pa kahit obvious naman.
"You know why."
"Kahit na. Dapat ay nandoon ka sa loob…" I can see him on my peripheral vision. Hinagod niya ng tingin ang sout ko. He sighed deeply.
"I change my mind." He stated coldly.
Napalingon ako sa 'kanya nang bigla siyang tumayo at hinubad ang suit niya. I sneered when he kneeled infront of me before covering my side with his suit. Kaagad akong tumanggi.
"Wag na hindi naman ako tatagal-"
"Hindi talaga tatagal 'yang sout mo pag tatanggihan mo ako." Mayabang niyang hamon. "I rather see you wearing a maid's uniform than this."
Napaawang ang bibig ko. Aba!
"Did you eat dinner? I'll call the waiter we can eat here-"
Hinawi ko ang kamay na nasa akong siko. Nabigla siya sa ginawa ko ngunit kaagad napabuntong hininga nang nakabawi hinila niya palapit sa 'kin ang lounge habang nakaupo siya doon para magkalapit kami.
"Hindi pa ako gutom. At pwede ba may bisita ka kaya sila ang dapat ini-entertain mo-"
"My visitors doesn't matters to me." He shook his head, binabawi ang sinasabi. "Except your family…"
"Tss."
"Your the only visitor that matters to me." Aniya sa naiiritang tono.
I smirk. "Allen's gift is much expensive than mine kaya dapat-"
"Expensive or cheap, with or without, your still the visitor that only matters to me and the visitor I only want in every birthday I celebrate in this life. So just wait here, I'll get you some food." Ang kanyang boses ay nagbabanta na para bang susuwayin ko siya, napaismid ako.
Napatingala ako ng tumayo siya sa harapan ko. His lips pursed, looks like there is something he wants to tell me but he can't. Hindi ako nagsalita, hinintay ang sasabihin niya. He took a deep breath and sighed before putting his two hands in his pocket.
"Y-you look good on a black hair, by the way." Aniya nang hindi ako tinitignan.
This is the first time he complimented me. I was about to open my mouth, ready to give him a compliment about his earring.
"Whatever." He murmured with a frustration on his voice, at tinalikuran ako ngunit hindi pa man siya nakadalawang hakbang ay bumalik siya at walang pasubaling inagaw ang hawak na wine glass bago niya ako tinalikuran na hindi na nililingon pa.
Creepy, but it made me smile. He's acting like he is still in his high school days!
--
Ashiens