bc

Rest, My Love (Hunters Series 1)

book_age16+
11
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dominant
twisted
sweet
bxg
serious
soldier
small town
first love
wild
like
intro-logo
Blurb

Sa pag-aakala mo na maayos ang lahat. Pipilitin pa ring patunayan ng nararamdaman mo na ayos lang. Would you rather talk about it or not? How can you grow and find rest when you're still struggling to find yourself?

She grew up feeling incomplete. The gaps between her can not be filled or so she thought. Asteria Irah Celeste was completely fine with her life. When tragedy strucks in, is she ready to accept it all? How would she handle it? Sapat ba ang sarili at ang pagmamahal niya para sa taong maaari niyang pagbigyan? Hanggang saan ka mapapagod? When will you let the strings untie you from seeing the light.

Would you rather be the soldier fighting for peace or the enemy waiting for the bullet from warriors to hit you with darkness completely?

Hunters Series #1

===================================

Cover is not mine, credits to the owner.

chap-preview
Free preview
Simula
'Bata, bata, lika rito, laro tayo!' Umirap ako at lumapit sa banda nila Dong. Nag-lalaro sila ng pogs. Siyempre paramihan ng makuhang pogs. Magaling rin yata ako dito. "Talo ka nanaman Dong, akin na 'yang lima." Inilahad ko ang aking kamay, pinalo lang ni Dong ang aking palad sabay takbo. "Madaya ka!" sabay habol sa kanya. Nakatawid na sa kabila si Dong, bumelat siya sa akin sabay wagayway ng pogs na hawak niya. 'Ang bata!' 'Jusmeyo! Habulin niyo!' Hindi ko pinakinggan ang mga sigaw. Patuloy lang ako sa aking pagtakbo. Kung pinabayaan ko nalang si Dong sa pagiging imot niya hindi na sana ako nasagasaan. Wala akong marinig at mistulang nagdilim ang aking paningin. Bigla akong bumangon ng dahil sa panaginip na iyon. Pataas palang ang araw. Lumabas ako ng kwarto upang mag-ayos para sa almusal. "Oh, gising ka na pala ate. Halika't ihanda mo na ang mga kutsara't plato," utos sa akin ni Aling Lena. Matapos ang kanyang utos, naghanda na rin ako para pumasok sa eskwela. "Kain ka muna ate, mukhang mapapasabak ka sa exam mo! Galingan mo!" sabay halik sa aking sentido bago umalis. Ngumiti ako at niyakap siya. "Siyempre nay! Kailangan para makakuha ako ng scholarship!" Hindi ko naman kamag-anak si Aling Lena. Hindi ko alam kung sino talaga ang mga totoo kong kamag-anak. Pumasok na ako sa eskwela. Lumapit sa akin si Gregor, "May notes ka ba ng Basic Cal? Hindi ko na kasi nakopya sa may derivatives na banda kaya nahirapan akong mag-review." Tumango ako sa kanya at ibinigay ang notebook ko. "Balik mo after exam boss!" Maliit na probinsya ang Valladolid. Mga bukirin ang nakikita rito. Kung saan ako pumapasok ay isa naman na kilalang state university sa buong probinsya. 'Balita ko matagumpay raw ang misyon ng magkapatid na Victoriano!' 'Nakakatakot naman kasi trabaho ng sundalo, sabak agad!' Rinig na rinig ko ang tsismis ukol sa pamilyang iyon. Kilala sila dahil may kaya sila sa buhay. Sa katunayan, nang magretiro si Heneral Victoriano, bumili ito ng ilang ektarya ng lupa para taniman ng kung ano-ano. Hinayaan ko nalang sila sa mga sinasabi nila. Dumiretso ako sa canteen para bumili ng inumin. Napasulyap ako sa labas ng canteen. Kitang-kita rito ang mga papasok na sasakyan at mga estudyante. Tumambay muna ako 'roon. Habang sumisipsip sa inumin kong chuckie at pilit na inaalala ang mga nirebyu ko kagabi. Biglang may humila ng inumin ko. Ang pamangkin ng Heneral, si Kuya Ajax. mas matanda sa akin ng tatlong taon. "Kuya naman eh! Epal neto," saad ko habang nakakunot ang noo. Ngumisi siya sa akin at umupo sa harapan ko. Ininuman niya rin ang chuckie ko at ibinalik sa akin. "Kadiri naman oo," binaliktad ko ang straw. Inangat ko ang tingin ko sakanya. Tumaas ang kilay ko nang makita ang mukha niyang mapang-asar. Wala ba 'tong klase? "Hulaan mo kung sino ang uuwi," parang batang excited na saad niya. Sa edad niyang 21, parang bata pa rin kung umasta. Impaktong 'to. "Sino at pake ko kung sinong uuwi na pinsan mo?" pabalang ko na saad. "Aba aba sumasagot na ang Ria namin, baka gusto mong mahanger?" sabay pisil sa magkabilang pisngi ko. Hinawi ko ang mga kamay niya at tinignan siya ng masama. Pakialam ko ba kasi. "Uwi na si Captain at kuya Eryx, baka gusto mong bisitahin pag-uwi nila." Hindi ako nakaimik. Bakit parang ang bilis naman ng misyon nila. Parang dati lang sinisigaw-sigawan ako ni kuya Captain sa pagiging makulit ko. Trinain din nila ako ng CAT na hindi ko naman magagamit bago ako magsenior high at bago sila sumabak sa panibagong misyon. Nag-ring ang bell hudyat na limang minuto nalang at magsisimula na ang klase. Pinag-iisipan ko pa rin kung bibisita ako. Tumayo na ako at tumayo na rin si kuya Ajax. Mukhang may pagpipiyestahan nanaman mga kaklase ko dahil masisilayan muli nila si kuya. "Pag-iisipan ko Kuya. Nakakahiya pumunta sa inyo eh anak-anakan lang naman ako ng mayordoma niyo." "Sus! Parang hindi ka iba sa amin. Geh, see you later baby!" sabay tapik ng ulo ko na parang aso. "Kuya di ako aso, tigil. Alis na!" tinulak ko na siya. Pagpasok ko ng room ay kita ko ang pigil tili at pagsinghap ng mga kababaihan. Pati si Cedrick na pabirong hinampas ang braso ko. "Ria girl, ang hot talaga niyang mga Victoriano! Baka jowa mo na 'yang si Ajax!" sabay hagikgik niya. Nakaramdam ako ng disgusto nang sinabi niya iyon. Kahit 18 na ako hindi ko makita ang sarili na nalilingkis sa pangalan ng mga Victoriano. Kinikilabutan ako habang iniisip iyon. "Sa'yo nalang, parang kapatid ko na iyon eh." Nagsimula na ang exam, hindi naman ako nahirapan dahil talagang pinaghandaan ko rin ito. Gusto ko talaga makakuha ng scholarship para sa kolehiyo. Pagpatak ng alas-dose, nilabas ko ang ginawa ni Nanay Lena na samgak. Nakita ko kasi sa k-drama na pinapanuod ko at nacurious ako sa lasa. Madalas akong kumain sa ilalim ng puno sa field. May mga upuan naman pero mas gusto ko sa ilalim ng puno. Medyo may kalayuan sa building ng senior high ang College of Engineering and Architecture pero nakita ko ulit si kuya Ajax na papunta sa pwesto ko. Nanlaki ang nga mata ko at muntikan ko nang kainin ng buo ang samgak na dala ko dahil ayaw ko siya bigyan ng isa pang samgak. Ang mahal kaya ng seaweed wrapper. "Bata, bakit ang bilis mo kumain? Di naman ako hihingi eh." hingal na hingal na saad niya. "Upo ka kuya, may isa pa. Nood tayo k-drama." sabay bigay ng isang samgak na dala ko. Para rin siyang kuryoso sa binigay ko sakanya. Nagkamot ako ng ulo at ako na ang nagbukas. Naupo siya sa tabi ko at sabay kaming nanood. "Sarap nito! Gawa ka ulit, dalhin mo sa amin!" "Pahingi muna pera. Pambili ko panggawa ko ng ganyan." Napailing siya at tuluyang tumawa. Kiniliti niya ang tagiliran ko at niyakap patagilid na akala mo ay kapatid ako na babae. "Kurips mo naman Ria. Sige na nga! Next time! Kapag sumahod ulit ako sa pinagtratrabahuan kong hacienda sa kabilang probinsya." Ngumiti nalang ako at inubos ang oras sa panonood. Alas quatro natapos ang exam. Sabi naman sa akin ni Kuya Ajax na nasa Victoriano si Nay Lena. Naglakad na ako malapit sa gate nang may makilala ang aking mata. Sa tindig at aura nitong nakakaintimida, hindi nga ako nagkakamali! "Captain!" sigaw ko. I got an adrenaline rush patakbo sa kanya. From his well known parang galit eyes to his chiseled jaw, makapal na kilay na hindi na kailangang ayusin, those lips that distracted me whenever he gives commands. His overall prominent look would make you think that he's a business man s***h model waiting for his kid in our school. Tang'na napaenglish na'ko sa isipan ko. Nakakahiya naman! Nakita niya ako na patakbong pumunta sa kanya kaya binagalan ko ang aking hakbang. "Kuya." "Asteria," his husky voice sent shivers down to my spine. Lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa pagkahingal ko. Napagod ako 'ron ah.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
209.4K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
90.4K
bc

A Night With My Professor

read
535.6K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
445.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook