"Anak, may pagsasalo-salo kila Heneral. Tapos ka naman na sa exam mo diba?" naabutan ko si nanay na nagiimpake ng ilang damit. Mukhang doon na siya matutulog dahil late nga naman lagi nagtatapos ang party.
"Wala na po nay, kaunti nalang po kasi subjects ngayon. Next week na rin po pala ung exam sa isang unibersidad na naghahanap ng scholars."
"Oh siya sige. Tulungan mo ako sa paghahanda sakanila. Baka doon na rin tayo matulog dahil marami rami ang bisita ng heneral."
Tumango ako at pumanhik papunta sa kwarto para magpalit.
Dahil sa mga Victoriano naman kami, nagsuot ako ng t-shirt at pantalon na hindi hapit para makagalaw ako ng maayos.
Sumakay kami ni Nanay Lena ng tricycle papunta sa lugar nila.
Sumaludo ang guard na nagbabantay sa gate nila. Malayo layo pa mula sa gate ang talagang tanggapan nila.
Natanaw ko ang puno na dinadaanan namin. Ang mga naglalakihang puno na parang dinisenyo para magmukhang tunnel. Matalahib na gubat, at ang bawat dulo nito ay ekta-ektaryang lupa na maraming pananim.
Alas cinco nang makarating kami sa mansyon ng mga Victoriano. Abala ang mga nagseset-up na part siguro ng cater. Pero siyempre, tutulong pa rin kahit meron sila.
Nagpunta ako ng maid quarters para ilapag ang bag na dala namin ni Nanay.
"Ang gwapo talaga ni Captain. Kita mo ung mga braso niya?"
"Shet, parang kaya non gumiba ng kama. Ala tarzan kapag mahaba pa buhok!", ani ng isa pang kasama nila dito sa mansyon.
"Si Sir Eryx? gwapo rin dba? Talagang mga makikisig at iba din ang datingan ng mga Victoriano!" kinikilig pa nilang sambit.
Napatawa nalang ako sa mga sinasabi nila.
"Pati iyong pinsan nilang si Ajax? Shet rin yon kung makatingin, parang pipigtasin strap ng bra ko 'don."
Lumabas ako ng kwarto at napatigil sila.
"Oh, andito ka pala Ria, tumulong ka na 'don kanina pa kami gumagalaw. Malapit nang dumating ang mga bisita."
Pinagtutulak ako habang sila'y naghahagikgikan. Mga pisti talaga!
Pinag-suot nila ako ng hairnet para daw for hygienic purposes. Tinulungan ko ang isa na maglagay ng tela bawat mesa.
Nakakaaliw kapag nakikita kong maganda ang kinalabasan ng pag-aayos ko. Mukhang mag-aapply rin ako sa kanila ah.
Ngumiti sa akin ang nag-aassist at nginitian ko rin pabalik.
Muntik na akong mapasigaw nang may nanusok sa tagiliran ko.
"Kuya Eryx!" napatawa siya nang makita ako.
Pabiro ko namang hinampas ang braso niya at inirapan. Tanda-tanda na eh parang engot naman.
Hindi ko muna siya pinansin at nawala na rin naman siya sa aking tabi.
Rinig ko na ang mga ugong ng sasakyan. Nilapitan ako ni Nay Lena at sinabing mag-ayos na raw dahil marami-rami kami dito na magseserve.
Pansin kong mga kompadre ito ni Heneral, mga katrabaho na rin siguro ng magkapatid na Victoriano.
Nakaupo sa malayong mesa ang magkapatid at pinsang Victoriano. Pansin ko rin na mabibigating tao ang narito, kasama ang mga anak na babae na hindi ko alam kung irereto ba sa anak at pamangkin ni Heneral.
"Miss! Pakilagay itong mga 1st course dinner sa table nila Sir Maximus. Mamaya pa iseserve ang drinks at beers."
Tumango ako at kinuha na ang mga dadalhin ko sa mesa nila. Tinulungan rin ako ng isang server dahil marami na akong bitbit.
Dire-diretso ako sa mesa nila at nilapag ang kanilang pagkain. Ngumiti ako sa kanilang tatlo.
Kuya Maximus looks bored pero para pa rin siyang nakaduty dahil sa way ng pag-upo niya. Si Kuya Eryx naman ay nakikipag-tawanan sa mga kakilala niya while Kuya Ajax, is no where to be found.
Baka nag-kwarto na ng babae. Napailing nalang ako at palihim na sumilay ang aking ngiti. Ramdam ko ang tingin ng kung sino sa akin.
Inangat ko ang tingin ko at nakitang si Captain ay mariing nakatingin ng diretso sa akin. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko, nginitian ko nalang siya pabalik saka tumalikod.
Shet! Ano iyon? Buang ka talaga Ria!
Nagpatuloy ako sa pagseserve hanggang sa napunan na lahat ng mesa ng pagkain.
Medyo nangalay ang mga paa at braso ko dahil sa pabalik balik na pagseserve. Pinagpahinga muna ako ni Nay Lena. Alam niya ang pagod ko dahil puyat rin ako kagabi kakareview para sa exam kanina.
Sinalinan ako ng pagkain ni Nanay saka binigay sa akin.
"Nak, dyan ka muna sa may upuan sa likod. Pasensya na ha, nagkulang kasi tayo ng tao. Kain ka muna."
Umupo ako sa bench ng tagong bakuran ng mansyon na ito. Habang sumusubo ako, iniimagin ko kung sakali kayang sa Manila ako magkolehiyo, paano na kaya si Nay Lena dito?
I can't help to also condition my heart kasi may sepanx talaga ako. I need to work on that.
Kinuha ko ang aking cellphone at ipinagpatuloy ang naudlot na panonood ko ng k-drama.
Salamat talaga kay Cedrick at pinahiram niya ang SD card niya. Andaming downloads ng k-drama 'don eh.
Kinilig ako nang halikan ni Seo Yoon sa noo si Kim Choi. Tili ako ng tili. Simple lang naman kasi ang kasiyahan ko. Basta Seo Yoon my labs lang sapat na.
Ramdam kong may naupo sa tabi ko at nakinood kaya naudlot ang pagtili ko muli sa pangalawang pagkakataon. Tumingala ako at naamoy ko ang pamilyar niyang amoy at presensya.
"Kuya Cap!" mahinang tinig ko pero ramdam ang galak sa paraan ng pagkasabi ko.
Nagkatinginan kami ng ilang segundo bago ko ibinalik sa pinapanood ang atensyon.
"How are you?" he softly stated.
Tang'na ulit. Ilang taon lang hindi nagkita, namiss ko talaga siya.
Ibinaba ko ang phone at tuluyan nang naibaling ang atensyon ko sa kanya.
"Hmmm, okay lang naman Kuya Cap! Heto, dating junior high ngayon magkokolehiyo na sa mga susunod na buwan. Graduation nalang kulang!" pumungay ang mga mata ko nang tignan ko siya.
Parang may mainit na kamay na humawak sa puso ko nang makita ko siya ulit, walang galos o ano. Lagi kasi akong natatakot para sa kanilang dalawa ni Kuya Eryx.
Being in the field is not easy and it makes me uneasy. Always
"How about you kuya? Matanda ka na ah! Wala pa rin ba?" pertaining to his lovelife.
Walong taon ang tanda niya sa akin. Sa katunayan pwede ko na siyang tawaging tito eh, pero laging pikon sakin.
His stoic and prominent look will always be my favorite among the three.
"I still don't have one. Alam mo namang mahirap magkaroon ng karelasyon na ganito ang trabaho," saad niya.
Umiling ako sa harapan niya. Tinaasan ko rin siya ng kilay.
"Weh? Sa mukha mong 'yan? Wala talagang magkakamali," sabay takbo.
"Ikaw na bata ka ha! Aba't may napupusuan ka na ba dito?" hinahabol niya na ako.
Dumiretso ako sa masukal na gubat. Likas na mabilis talaga ang galaw ni Kuya Maximus.
Huminto ang aking paa sa may gazebo, napakakalma ng agos sa batis. Kitang-kita ko ang maliwanag na sinag ng buwan.
"Huli kang bata ka!" niyakap niya ako at parang sakong binuhat.
Tang'na nahihilo ako, totoo talaga si tarzan at siya yun!
"Cap! Cap! Masusuka na'ko. Baba na please?"
Ibinaba niya ako. Just like the old times, the three of them including me would sit here and just wonder the beauty of the night.
But the difference is just the two of us whose silently gazing above.
"Cap, mahirap ba...sa field niyo?" tanong ko na hindi siya sinusulyapan.
He heaved a sigh, "Yeah, but it's all worth it. To serve and die with our last breaths for the country."
Tumango ako at hindi na siya pinansin. Pa'no naman ako na maghihintay sa kanilang dalawa? Hindi pa rin talaga ako makampante na maaaring hindi na sila umuwi rito.
"You, what course will you take in college?" lumingon siya sa akin.
"Hindi ko rin po alam. I want to be like you Cap."
I feel him breathing heavily beside me. Ramdam ko na ayaw niyang pati ako sasabak sa ganon.
Wala namang masama pero hindi ko naman talaga gusto iyon. Ni hindi nga ako nag-exam ng PMA eh, bukod sa nakakathrill pag natanggap ka sa Academy, baka umiyak lang ako at di na matuloy pag nasigawan sa mismong loob.
Nang trinain nga ako ni Cap, maluha-luha na ako sa sigaw niya eh, ibang commander o platoon leader pa kaya?
"Let's go back, you'll catch colds."
Tumango ako at inilahad niya ang kamay niya. Itinayo niya ako, 'ang bango mo talaga Cap!'
I heard him chuckle, "I know baby, come, baka hinahanap ka na ni Aling Lena."
Wala namang malisya kapag tinatawag nila akong ganon, sinasabihan ko lang na huwag hayaang may makarinig at baka iba ang isipin.
Alam naman ng mga tao sa ngayon, kaunting malisya, tsismis agad.
We walked na hindi magkahawak-kamay. Pinauna niya ako. Naghiwalay nalang kami ng landas nang makapasok na kami mismo sa likuran ng mansyon.
"Nak? Saan ka ba nagpupupunta? Hinahanap ka ni Heneral kanina, nais ka daw kausapin."
Naipinta sa mukha ko ang pagtataka. 'Bakit naman kaya?'
"Naroon siya sa labas, hindi pa rin nahinto sa pag-inom. Jusko namang Armando oo," namomroblemang saad ni Nanay.
Nagtungo ako sa sinabi ni Nanay, it's thirty minutes before 8. Woah, ganon pala katagal kami tumambay ni kuya?
Record-breaking!
Nakita ako ni Heneral at umaliwalas ang mukha niya. Tumayo siya upang magbigay espasyo sa uupuan ko.
Mabilis na nakakilos si Kuya Eryx at pinaupo agad ako.
"Hija! Kanina pa kita hinahanap, nais sana kitang makausap," seryosong saad ni Heneral.
Puta, para akong maiihi kapag ganyan ang tono ng boses niya. Parang anytime ipapasalvage ako ni heneral.
I kept my composure as I leaned closer to him.
"Come back here tomorrow, and I'll tell some of the details I may never say tonight because I'm already drunk Hija."
Tumango ako at itinuon sa harap ang aking mata.
From my peripheral vision, palapit na dito si Kuya Maximus at Kuya Ajax. Seryoso ang mukha nang naupo sa table.
"I'd like you to be my little apprentice in exchange for your study here. Your years in college will be paid whole."
Kumunot ang aking noo. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
Anong apprentice? I'm way too young at nakakatakot si Heneral.
Shit, paano ako hihindi dito? Tang'na naman oh. Magaan naman ang pakiramdam ko kay heneral pero natatakot ako tapos lagi ko pang kasama?
Hingang malalim. Hinga ulit.
"Uhm, heneral, m-mawalang g-galang na po..."
Nanlalamig ang aking kamay dahil sa nerbyos na baka magalit ko siya.
"Hindi ko po kasi plano dito magkolehiyo, isang malaking responsibilidad po ang nais niyo. Baka po hindi ko matugunan," nakayukong saad ko.
Hindi ko na tinignan ang ekspresyon nilang apat. Pinipisil-pisil ko ang mga kamay ko para makalma ako at hindi halatang mamatay sa kaba.
Narinig kong humalak-hak si Heneral. Hindi pa rin ako nagtataas ng ulo dahil baka ilabas niya ang baril niya at ipaputok para magising mula sa kalasingan ang lahat.
'Ano ba iyang iniisip mo Ria, napakaimposible.'
Naramdaman kong tinapik at hinaplos ni heneral ang ulo ko.
"Oh hija, you remind me of my late daughter, Ariadne, she might be the same age as yours. Don't worry, I just want to feel the presence of another in my house. Baka mapaaga ang alis ng dalawa kong anak at mukha ni Ajax nanaman ang mabubungaran ko."
"Tito naman eh! Why so harsh?" parang batang saad ni kuya Ajax.
Nag-angat na ako ng tingin at nangilabot sa paraan ng pagsasalita ni kuya Ajax.
Bata pa rin talaga.
Hindi lingid sa kaalaman na may kapatid pang isa sina kuya Eryx at Maximus.
Naaawa naman ako sa matanda pero mas matimbang pa rin talaga ang mga nais ko sa buhay.
"Don't worry hija, you can visit the house anytime just like the old times. Kahit wala ang mga kuya mo. You're always welcome here."
Dahil hindi pa tapos ang party nagpaalam na ako sa kanila. Marami pa ang iseserve ngayong gabi. Sunod na serve ay mga alak at dessert.
Hindi ko alam kung pang-ilang course na ito. Wala naman akong alam dito.
Pansin ko ang mga babaeng nakatunghay sa magpipinsan. Parang gustong lumapit pero hindi makahanap ng tiyempo.
Hay...Kawawang mga nilalang, hindi na lang sila lumapit.
Matapos kong magserve ng drinks sa isang table, pansin ko ang bulungan sa paligid ko.
Natuon ang mata ko sa babae na balingkinitan ang katawan at naglalakad pautngo sa mesa nila Cap.
Sumunod rin ang ilang kababaihan. Napailing at napatawa nalang ako dahil mukhang sila talaga ang target.
Lumapit ang babaeng umagaw ng pansin ko kay Cap, binigyan niya ito ng halik sa pisngi at naupo sa kandungan nito.
Pansin ko rin ang pagpulupot ng mga kamay nito sa babae pero iniwas ko na ang tingin ko dahil ang laswa pala makakita ng ganon kumpara sa k-drama.