Kabanata 2

2077 Words
Hindi ko na tinapos ang party kagabi, nagpaalam nalang ako kay Nay Lena na matutulog. Maaga ang gising ko kinabukasan. Wala na rin si Nay Lena sa aking tabi. Dumiretso ako sa kusina at tumulong magprepare ng umagahan. "Hija! Gising ka na pala, sumalo ka nalang sa mga Victoriano, kumakain na sila." Nahihiya pa akong pumumta kayahindi muna ako nakisalo. "Tutulong po muna ako dito nay," paos na saad ko. Napagod talaga ako kagabi. Pinaghugas pa kasi ako ng mga natirang hugasin bago ako matulog. Dinala ko ang ulam na pinautos ni nanay sa mesa ng mga Victoriano. Napakatahimik sa hapag, laging ganito dito, saka lang may kwentuhan kapag tapos na lahat kumain. I don't know if it has something to do with ettiquettes o ganon talaga sa academy. Natrain na sila. Nakita ako ng Heneral, akmang babalik na muli ako sa kusina nang nagsalita siya. "Hija, maupo ka, kain tayo. Sabayan mo na kami." Nahihiya naman ako pero kapag nagsalita na talaga ang heneral, wala na, hindi na ako makasalita dahil nakakaintimida ang presensya niya. Hinila ko ang upuan at tumabi kay kuya Eryx, napatingin sa akin si Cap, at ngumisi namang nakakaloko si Kuya Ajax. Pansin ko na malapit na silang matapos sa pagkain pero binagalan nila nang nakita na kakain palang ako. "How's the mission?" tanong ng Heneral kay kuya Maximus. "There are still remaining troops in the area. Nagpahinga lang po ulit kami, we're still waiting for the shipment of ordered SA80 from Russia," saad ni Cap kay Heneral. Tumango nalang si Heneral sa report ni Cap. Lumapit sa akin si kuya Eryx, "Kain ka pa nang marami, mangangabayo tayo ngayon." Nanlaki ang mga mata ko, matagal na akong hindi nakaksakay sa kabayo. Simula kasi nang nagsenior high ako, minsanan nalang ako makabisita dito. Nataon pa na nandito sila, sulitin ko nalang ulit baka hindi na maulit. Siyempre matatanda na sila at nalalapit na rin matapos si kuya Ajax ng kolehiyo. Matapos kumain, naghayag ako ng pasasalamat sa kanila. Inayos ko na rin ang pinag-kainan at dineretso sa kusina. Nagpaalam ako kay Nay Lena na uuwi muna, idadaan ko pa ang flashdrive ni Gregor at kukunin na rin ang notebook ko. Nadatnan ko ang magpipinsang Victoriano sa labas, they're having their exercise. Nagulat ako nang naroon din si kuya Ajax. Mas gusto kasi ni kuya Ajax na sa silid nila mag exercise. Hindi niya daw gusto ang pang militar na ensayo dahil hindi siya sanay. Napansin ko ang babae na kasama nila ngayon, kung makalambitin kay Cap akala mo tarsier. Nakita ko na siya kagabi, siya pala iyong nagpakalong kay Cap. Sinungaling pala si kuya, wala raw lovelife! Hmp! Liar. Hindi ko siya nakita sa hapag, lumapit ako sa kanila para mag-paalam. "Mga kuya, alis na muna ako, kita nalang ng mga alas dos, after lunch," sabay ngiti at lakad paalis. Tumango si Cap at Kuya Ajax sa akin, habang umirap naman ang baabeng kasama nila. Rinig ko ang yapak ng isa sa kanila, "Anong sasakyan mo? malayo pa rito ang sakayan Ria." Lumingon ako kay kuya Eryx, "Hatid mo ako kuya," nagpacute ako ng kaunti para makalibre rin ako. "Tara, kunin ko lang saglit ang sasakyan." Kuya Ajax went to me, napaatras naman ako dahil pawisan siya. "Iyong pinakain mo sa akin ha? Dala ka maya," nakangiti niyang sabi. Tumaas ang kilay ko, kuripot talaga ako pagdating sa kanya dahil akala mo hindi pinapakain dito sa mansyon nila. "Isa lang kuya, sa susunod magbebenta na ako," ngumisi rin ako sa kanya. Napasulyap ako kay Cap, he is looking at her intently, just like what I've always imagine. Darating ang mga araw na hindi na ako ang sentro ng atensyon nila. Simula nang magsenior high ako, I feel like I also need to settle myself as a lady dahil iyon nga. Not everything will stay the same. Dumating ang kotse ni kuya Eryx, sumakay ako at kumaway sa kanila. Bumusina si kuya Eryx nang malagpasan namin sila. "Saan ka didiretso?" tanong sa akin ni kuya. "Sa sentro nalang kuya, may bibilhin pa ako," saad ko. "Samahan na kita." Tinignan ko siya, "Huwag na kuya, may kikitain pa ako eh," Napataas ang kilay niya, at kumunot. "Sino naman ang kikitain ng baby namin?" ani niya sabay ngiti. Umirap ako, lagi talagang may ubo mga utak nila, pagdating sa akin. "Wala kuya, kasamahan ko lang sa pag-aapply ng scholarship, may aasikasuhin kaming dalawa." "Ah, akala ko iba na. Mag-ingat ka ha, Ilalakad ka pa namin sa altar," Kumunott ang noo ko, "Anong altar? 'di ako magpapakasal no. Didiretso nalang ako sa kumbento," lumitaw ang nakakalokong ngisi niya, parang Ajax. "Seryoso ka ba diyan?" hindi makapaniwalang saad ni kuya. "Siyempre oo, mag-aaral muna ako ng kolehiyo saka ako didiretso," Napailing nalang siya sabay ngiti. Nagpababa ako sa sentro at kumaway na sa kanya. Pinanood ko na umalis ang sasakyan niya. Nagsimula na akong maglakad para sa pakay ko. Umuwi muna ako para magpalit at maligo. Dumiretso ulit ako sa sentro para sa trabaho ko. Binuksan ko ang Cafe, 7:30 dapat maayos na lahat pero dahil nalate na ako. Alas otso na nagbukas ang cafe. Paktay! Bawas nanaman 'to sa sahod ko. Nagsuot ako ng apron, at nagsimula nang magtrabaho. Limang oras ako nakaduty ngayong Sabado. Nagpaalam na rin ako kay Ma'am Celine na hindi ako magwhowhole day. "Aga natin ah," bati ko kay Gregor. Wala pang masyado na tao sa Cafe, kaming dalawa pa lang. "Andito na ako ng 7:30, tapos hindi pa pala bukas ang Cafe. Ikaw ah, maaga daw." Tumawa at napailing nalang ako. Kadalasang customer namin ay mga college students. Lalo na ang mga may pasok ngayon. Tumunog ang chimes ng cafe, nasa cashier area ako habang si Gregor ang nagpeprepare sa kape or mga inumin. Ngumiti ako sa huling customer at tinanong ang order. Bago ako umalis, nag-serve muli ako ng mga kape sa customers. Mamayang after lunch pa kasi makakarating si Ate Lea. Narinig ko nanaman ang pagbukas ng pintuan ng cafe, bumalik ulit ako sa counter para sa orders. Naihanda ko na ang ngiti ko nang makita si Kuya Maximus sa harap ng counter. 's**t! Ano ginagawa niya dito?' Imbes na ientertain ang katanugan sa utak ko, tinanong ko siya. "What's your order, Cap?" Ang mapang-asar na ngiti ko ay lumitaw. He is looking at the menu with no emotions on his face. Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin. Naging malamlam ang mata niya pagdating sa akin. Pansin ko na tinitignan si Cap, kilala kasi ang mga Victoriano dito sa probinsya. Siyempre gwapo pa. "I'd order black coffee right at my table," saad niya na hindi nagbibitaw ng tingin sa akin. Kinabahan ako sa mga tingin niyang ganyan. For the first time, the pump to produce the beating of my heart became unusual. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. I can't stand his stare. Maybe my heart was unusual because his presence was absent for two years. I should know my place, guard my heart, This is not allowed. 'Naalala kong dinala ako ni nanay Lena sa mansyon. It was big, pero napakalamig ng atmospera sa bahay na iyon. Iniwan muna ako ni nay Lena sa maid quarters. Dahil napakakulit na bata ako, pumasok ako sa loob ng mansyon, naaaliw ako sa mga muwebles. Naiimagin ko na masarap humiga sa mga 'yan. I roamed my eyes around. Wala pa raw ang may-ari ng mansyon. Sabi ni nanay hindi pa daw umuuwi, susunduin pa ang asawa nito na kapapanganak lang. Tumigil ang aking mata sa napakalaking painting. It was painted in classic. Mukhang antigo pero mga binata ang naririto. Pamilyar sa akin ang tanyag na Heneral. Sabi ni nanay siya daw ang nakabili ng mansyon. Nakapokus ang aking mata sa isang binata. He is standing with so much authority and dominance. Sa tindig at ayos, alam kong masungit ito at mahirap lapitan. Ang nakababatang kapatid ay nasa gano'ng ayos rin. Napakaelegante ng nanay nila. The foreign features of their mother are different, unang tingin palang alam mo na may sinasabi sila sa buhay. Sa baba ng painting ay nakasulat ang mga salitang nasa ibang lenggwahe. fide, honoris, ducere. It was also painted by famous Italian painter, Giorgio Modigliani. Tinawag na ako ni Nanay Lena kaya umalis na ako sa loob ng mansyon. Isinerve ko ang coffee ni kuya Maximus, at bumalik muli sa counter. Sinulyapan ko ang orasan, may isang oras pa bago ang out ko. Sa bahay na ako kakain tutal gagawa pa naman ako ng samgak. Lumipas ang ilang minuto na pagseserve namin ni Gregor, pansin ko na hindi pa umaalis si kuya Maximus. "Ria, nasa locker ko pala iyong notebook," ani ni Gregor nang makalapit sa akin. Si ate Lea na ang nakatoka sa counter. Dahil malapit na ako mag-out, sumama ako kay Gregor sa locker room. Inabot niya sa akin ang notebook at inabot ko rin sa kanya ang flashdrive. "Naproof-read ko na iyong research natin. Inayos ko na rin iyong references. Palibhasa pabuhat iyong iba nating kagrupo," biro ko sa kanya na may halong reklamo. Tumawa siya at tinapik na ang balkat ko. "Balik na ako 'don, salamat. Heto pala, nag-dala ako ng extra dahil alam kong hindi ka talaga naglalunch. Lagpas na ang pagfafasting mo." Binigyan niya ako ng sandwich, oo pala nasira ngayon ang fasting ko. Kumain kasi ako sa mansyon. Piste. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. I'm still grateful kahit hindi ko kilala ang mga totoo kong magulang, may mga tao pa rin na kumupkop sa akin at itinuri na parang kanila. Nakapagbihis na ako sabay labas. Chineck ko ang phone ko at may laman na ulit ang gcash ko. Naroon pa rin sa puwesto niya si Cap. Mukhang may hinihintay, huwag naman sana ako. Kumaway ako sa mga katrabaho ko at dire-diretsong lumabas ng cafe. Ala una na, pumunta ako sa korean store hindi kalayuan sa cafe. Lumingon ako at napansin na sinusundan nga ako ni Maximus. 'Ayan hindi na kita na-kuya, parang hindi kasi bagay' Nagkibit-balikat ako at pumasok ng store. Bumili ako ng samgak wrapper at chili paste. Naramdaman ko na ang presensya niya sa likod ko. "Bakit, hindi mo na ako hinintay," malalim niyang saad. Humarap ako sa kanya at tumingala. Palibhasa matangkad. "Cap, nagmamadali ako, hahabulin ko pa oras para makasama sa pangangabayo." Lumapit siya sa akin at kinuha ang hawak ko. "Let me carry these things. Ano pa ba ang bibilhin mo?" Naglakad na ako palayo sa kanya at pumunta sa meat section. Kumuha ako ng sangkapat na kilo ng baka. Hindi naman ako sinasamahan ng kahit sino sa mga Victoriano kapag may pupuntahan ako. Himala na may sumama sa akin. Pagkaharap ko sa kanya, may hawak na siyang basket. Nakalagay na doon ang mga pinamili ko. Iyon lang naman ang mga bibilhin ko dahil mahal talaga pag-korean. I'll let them taste my samgak. "Iyan lang kuya, magbabayad na ako." Matapos mag-punch nang ibigay na agad ni Cap ang pera sa kahera. Nagkakalkal palang ako eh, pero atleast nakalibre. Ngumiti ako sa kanya at pinisil ang braso niya, "Yie! Salamat sa libre!" I saw amusement in his eyes as he stares at me. Kinuha ko na ang paperbag at lumabas na ng store. "Kuya, mauna ka na iluluto ko pa ito sa bahay." "Ihahatid na kita." "Huwag na kuya, isang sakay lang naman ng tricycle. Masikip din dadaanan ng sasakyan mo papunta sa amin." 'Sige ka magagasgas 'yang sasakyan mo.' "Then tricycle it is," at nauna nang naglakad sa akin. Pumara siya nang tricycle. Hinila niya na ang mga kamay ko para pumasok. When he touched me I know heavens decided for me not to be with him. The assurance of having him is a risk. My mind and heart are fighting, the signs are not good. Naglabas siya ng panyo at ipinunas niya sa mukha ko. "You're sweating, mamayang alas quatro nalang tayo mangabayo. Manong, sa mga Lucena po tayo," saad niya sa driver. Napakurap pa ang driver at nakilala na isang Victoriano ang nakasakay sa tricycle. Hindi ako makapagsalita nang maayos dahil natatakot akong iba ang lumabas sa bibig ko. Mapasma ang bibig kapag kinakabahan. Naglagay ako ng distansya, takot na maramdaman o marinig ang t***k ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD