Nakababa na kami ni Maximus. Kinuha niya ang paper bag at pinauna akong maglakad.
"Anong gagawin mo dito kuya?"
Tinignan niya ako, "Dito muna ako, tutulong kung gusto mo."
Tumango ako at binuksan ang bahay.
Maliit lang naman ang espasyo dito kasi kaming dalawa lang ni Nay Lena ang nakatira.
"Pakilapag nalang sa mesa sa kusina 'yang pinamili. Maliligo lang ako."
Dumiretso siya sa kusina habang kay bilis parang flash akong kumilos para makaligo.
Nadatnan ko siyang nakaupo sa sala. Pinasadahan niya ng tingin ang mga larawan na nakadisplay sa tabi ng telebisyon.
"Uhm, gusto mo tumulong kuya? O dito ka nalang?"
Dumaan ako sa harapan niya patungo sa electric fan. Mainit kasi oras ng siesta.
"Dito ka muna kung gusto mo, lulutuin ko lang ang baka."
Tahimik pa rin siya, pero ramdam ko ang tingin niya sa akin.
"Kuya ba't ka lagi nakatingin? May interesado bang parte ng mukha ko?"
's**t! Asteria lakas ng apog mo!'
Tumikhim siya at sumagot, "Yes, maybe I miss our baby. I just can't believe that you're already an adult."
"Kuya, pwede 'wag niyo na akong tawaging baby? Nakakabata naman pakinggan. Baka hindi na ako magkaboyfriend niyan."
Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko.
Tumayo siya, sinundan ko lang ng tingin ang pagpunta niya sa kusina.
"What are we gonna do with these?" Tanong niya nang inilabas as mga iluluto.
Pumunta ako sa kusina para simulan na.
Kung gusto niya tumulong edi tumulong.
"Kuya, pahiwa ng sibuyas, iyong puti."
Kinuha niya ang sibuyas at hiniwa na. Magaling magluto si Kuya Maximus pero siyempre ang iuutos ko lang sa kanya ay maghiwa ng mga kailangan.
"How's school?"
"Okay lang kuya, completion of requirements na next month. Marami nang free time."
Nakasandal si Captain sa gilid ko. Hindi ko siya sinusulyapan dahil hindi ako mapakali.
"Lovelife?" tanong niya.
Sinulyapan ko siya at ngumisi.
"Kumbento ako didiretso captain,"
In his eyes I saw a glint of confusion.
"Totoo!" Nagsubo ako sa kanya ng bulgogi para matikman niya.
Lumapit siya at isinubo iyon.
"Tastes great. What are we gonna do next?"
Pinatay ko ang gasul at itinabi muna. Naglabas ako ng samgak wrapper para maipakita sa kanya.
Gumawa ako ng isa at ipinatikim sa kanya.
"How do you eat this?"
"Ganito, wait."
Inalis ko ang hand shield at lumapit sa kanya.
Napatong ang isang kamay niya sa mesa at ang isa niyang kamay ay nasa bewang.
He leaned closer to me as I show him how to open it.
Ang kanyang mga hinihinga ay dumadaplis sa batok ko.
Napalunok ako, kinakabahan.
Nang na-alis ang wrapper humarap ako at isinubo sa kanya.
He only looked at me, I can't read any emotion from his face.
From words to letters to numbers, the thing that's knocking my spirit can not be defined or maybe it will be soon.
Just like how numerators with zero denominators, we don't know what is the answer. It's only concluded to be undefined because it's nada.
It has no reason for the numerators to put something on denominator.
For my beating heart, there's no baseline, I don't have my foundation, he's starting to be my zero.
I don't want to get lost, I don't wanna be empty.
"Ubusin mo na, magbabalot pa tayo."
Dumistansya ulit ako at nagpatuloy sa pagbalot.
"Why are you serious?" Hindi pa rin siya bumibitaw ng tingin.
I sighed, "Magulo lang po utak ko simula kagabi."
"Oh I see, dire-diretso pala trabaho mo,"
Tumango ako at muling naalala ang nangyari kanina at kagabi.
"Ikaw kuya, sinungaling ka!"
"Huh? Why? What did I do?" mukhang naeenjoy niya na ang magbalot ng samgak.
"Sabi mo 'la kang lovelife. Kita ko nga kayo ng jowa mo parang 'di kayo nagkita ng ilang buwan," hindi ko alam kung nabobosesan ba ang pagseselos ko pero hmp, wala na akong pake.
I heard him utter a chuckle. Damn, his laugh will always be my peace.
"Sorry, I never meant to do it in front. I should've known," mahinang saad niya sa huling linya.
"Hmm, dibale okay lang yan kuya, matanda ka na rin naman eh, kulang ka siguro sa experience," nakangiti kong saad.
Sumeryoso ang mukha niya nang tinignan ako.
'Damn this woman.'
Tumikhim at sumeryoso na rin ako.
'Hindi talaga mabiro si kuya.'
Tiyempuhan nalang kasi pag mag bibiro.
What do you expect from a captain, haist.
Natapos na namin ang pagbabalot, sinabihan ko siyang magpapalit muna ako bago pumunta ng mansyon.
Naalala ko nanaman ang biro ko, pero wala namang mali diba? Iubo niya nalang iyon.
Nakalabas na ako ng kwarto at inaya na si Cap. para mag-abang ng tricycle.
"I'm sorry if you have to see that," he touched the ends of my hair.
"Wala namang kaso kuya, I know time will come where I'll watch the three of you being wed. Military wedding pa sa inyo! Bonga!"
Ngumiti ako at ipinakitang sincere talaga iyon.
I will always be good at hiding it. My place is just their friend, sister, and supporter, nothing else.
Nakasakay na kami ng tricycle, buong biyahe ay tahimik.
Malayo ang tingin ni Captain. Mukhang miss niya na ang magiging misis ah.
She's lucky, whoever she is.
Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko kasama ang tao na panghabang- buhay.
Nakarating na kami ng mansyon, nanibago ako sa asta ni kuya Maximus.
He held out his hand to assist me, siyempre utak Ria, gamitin para mag-isip huwag pang-ubo.
The gesture do not have any meaning.
Sinalubong kami ng dalawang kuya.
Kuya Ajax lifted me like I am his Dawn and he's my Chard.
A dry cough interrupted us. Kadiri pakinggan kapag may kasama diba?
I laughed mentally, "Ajax, umamin ka, may gusto ka sa'kin no!" dahil nakaangat pa rin ako pinisil ko mga pisngi niyang wala namang laman kasi toned na.
Binaba niya ako, "Meron, pero off kasi lagi mo akong kinukuya, you're of legal age so pwede na siguro ano?" Nakangiti siya nang sabihin iyon.
"Yuck! Edi parang kapatid ko na ang nanligaw sa'kin? No no kuya, ung kabatch mo nalang bet ko 'yon," kumindat ako sa kanya.
"Sino 'yan Ria? May napupusuan ka na pala ha, magpaalam muna sa amin," seryosong saad ni kuya Eryx.
Sumingit naman si Captain dahilan ng pagtitig ko sa kanya, "Mamaya na 'yan. Ria and I made samgak, your request Aj."
"Yon pala eh, dapat kanina mo pa sinabi kuya," habang naglalakad ay akbay-akbay niya ako.
Nahuli kaunti si kuya Eryx dahil may tumawag sa kanya. Heto nanaman.
Tagos yata hanggang harap ko ang titig ni Maximus.
Pinakawalan ako ni kuya Ajax dahil kukuha pa siya ng inumin. Naiwan nanaman kaming dalawa ni Cap.
Tumayo ako, sumulyap sa akin si Maximus.
Hindi na kita ikukuya kapag hindi kita tinawag. I'll call you by your name in my mind.
"Magpakita lang ako kay Nanay," tumango siya.
Naglakad ako pakusina. Wala ang nanay doon. Pumunta ako patungo sa maid quarters, nakasalubong ko si Doris.
"Natutulog si Nanay, pagod kasi."
Tumango ako at dumiretso sa kwarto niya. Mahimbing ang tulog. Naglapag ako ng dala kong samgak sa gilid.
Nagustuhan kasi namin ni nanay ang lasa nito, tinuruan niya rin ako kung paano timplahin ang baka para maging bulgogi.
Hinalikan ko siya sa noo at lumabas na.
"Doris, pupunta lang ako ng rancho pakisabi kay nanay kapag nagising," tumango siya at pinapaalis na ako para maituloy niya ang pinapanood niya.
Pumunta ako sa table sa may bakuran kung nasaan sila.
Tumayo si Captain at sinalubong ako, "I hid 2 samgaks for us," bulong niya sa akin.
Tiningala ko siya, "Galing mo magtago ah, don't worry kuya, gagawa tayo ng maraming samgak. Plano kong magbenta."
He smiled mischieviously, "Sure, whatever you like."
Ibinaling ko na sa iba ang tingin ko.
"Ria baby, kulang pa iyong dala mo," hirit ni kuya Ajax.
"You should make some more Ria, it tastes great," satisfied na sagot ni kuya Eryx.
"Sa susunod mga kuya, bebentahan ko na kayo!"
"Pahinga muna tayo saglit bago tayo pumunta ng rancho," saad ni kuya Eryx.
Matapos ng ilang minuto, nag-ayos na kami.
Ang pagpunta sa rancho ay hindi sa paglalakad. Magmomotor kami.
Ngayon ulit ako makakasakay sa motor! Laging kay kuya Maximus ako dahil pinipilit niyang mas ligtas ako kaysa sa dalawa.
Si kuya Eryx kasi mabilis ang patakbo niya parang naghahabol ng terorista, si kuya Ajax naman kung magpatakbo minsan gumegewang pa.
Hindi kasi ito sanay ang motor, at dahil gusto niyang matuto, ilang beses na gumewang ang motor maibalanse lang niya.
Sumakay ako sa likuran ni kuya Maximus. Kumapit ako sa bewang niya.
Nauna ng magpatakbo ang dalawa habang nandito pa kami ni Captain.
"Wear this hemet properly," ani niya saka bumaba para siya na mismo ang mag-ayos sa akin.
"Kuya, hindi ko maeenjoy hangin," I pouted my lips as I meet his gaze.
"Huwag makulit, may hanger ako dito," seryoso niyang saad.
"Cap, hindi na ako bata!" mukha na akong natatantrums sa harapan niya. Hindi naman ako napapalo ng hanger sa pagkakaalala ko, nung CAT naman, muntik nang ipakompleto ang sampung push-up.
"Lakad-pasulong na!" Sigaw ni kuya Cap.
Pinadiretso ko ang tingin ko, nang magkamali ako sa paa, pinapush up ako.
"Celeste," pacommand niyang saad.
Tae! Hirap naman nito, ayoko na.
Pinipigilan ko nalang maluha dahil nakakahiya, sinamahan ako ni kuya Ajax kaya doble ang nararamdaman ko.
Lumuhod ako at nagpush-up. Hindi nakayanan ng mga braso ko sa pangalawang beses.
Nanginginig akong napaluhod. Sinisikap na maka-abot man lang ako ng lima.
'Hindi ko na lang sana sinuggest na subukan ang CAT piste.'
Wala na hindi ko na talaga kaya magpush-up.
Pinatigil na ako ni kuya Maximus. Lumapit sa akin si kuya Ajax, "Okay ka lang bebe?"
Tumango ako at hingal na hingal. Pinipigilan ko pa rin ang luha ko. Narinig ko ang yapak ng bagong panauhin sa likod ko.
"You'll adjust soon Ria. Don't worry, CAT are mostly like what we practiced," saad ni kuya Maximus na nasa gilid ko na pala.
Tumango nalang ako at hindi na umimik.
Sumakay na si Kuya Maximus sa harap, humawak naman ako sa bewang niya.
Hindi ko na hinigpitan baka may maramdaman si kuya. Ayoko na may malaman kahit sino.
As he drove the motorcycle, I feel so free and refreshed.
Napasulyap si Maximus sa gilid at binagalan ng kaunti ang takbo. Naramdaman ko ang isang kamay niya na humawak sa pulso ko, pinapahigpitan ang kapit sa kanya.
Kaya ang labas, napasubsob ako sa matigas niyang likod. Wala akong magawa kundi higpitan nalang.
"Kumapit ng maigi Asteria."
Sumandal nalang ako sa likuran niya. Nasa aking mga palad ang mahiwagang pandesal ng isang Victoriano.
'Walang hahaplos, walang hahaplos Ria,' bulong ng aking utak.
Kahit hindi ko naman haplusin, dama ng braso at kamay ko ang tikas ng katawan niya dahil sa yakap ko.
"Kuya, saan mo tinago ang samgak natin?" tanong ko nang bumagal ang patakbo niya.
"It's in the back. We'll eat it later."
Inaantok ako sa mabagal niyang patakbo. Matapos ang ilang minuto, nakarating na kami sa kanilang rancho.
Rinig na rinig ko ang sigaw ng ibang kabayo, baka, at baboy. Halo-halo, hindi pa ba tulog ang mga 'to?
Sumunod ako kay kuya Maximus. Naroon na sina kuya Ajax at Eryx, inaamo ang kani-kanilang kabayo.
Nakita ako ni kuya Ajax, "Bakit ang tagal niyo?"
Ako na ang sumagot dahil dumiretso na si Cap sa kabayo niya, "Ang bagal kasi ni kuya magpatakbo, hindi naman kami mamatay dahil alam kong sanay na siya."
Umiling at ngumisi si kuya Ajax. Bumaling na siya sa kabayo niya.
"Kanino ka sasakay?" dagdag pa niya.
"Sa'yo nalang kuya."
Naglakad na kami sa kabayo ni kuya Ajax, hinawakan niya na ang bewang ko upang iangat ako nang may magsalita na hila-hila ang kabayo niya.
"Jax, sumakay ka na, baka mapa'no pa si Ria kapag isinakay mo,"
Cap naman! Huwag mo naman dagdagan ng gasolina ang nagbabagang apoy na nararamdaman ko, baka hindi na ito mamatay ng tuluyan.
"Kuya Cap, kontrolado naman siguro ni kuya Ajax ang kabayo niya. Okay na ako dito," tumingin ako sa kanya.
Napakamot ng ulo si Kuya Ajax, "Oo nga Cap, kontrolado naman kasi."
Binigyan ni Cap si kuya Ajax ng matalim na titig animo'y parang baril na itinututok kay kuya.
"You're safe here with me, sa akin ka lang sasakay," umiwas siya ng tingin at pumula naman ang pisngi ko.
Oh no! Don't tell me this manwhore captain is a... ugh!
Naglakad na ako patungo sa kanya, hinawakan niya ang bewang ko upang iangat sa upuan.
Sumunod siyang umakyat at napunta siya sa likuran ko.
's**t! Magkaka-alaman na.'