Kabanata 4

2072 Words
Pinatakbo niya ang kabayo, hindi naman ako na-aawkwardan dati, iba na kasi ngayon. "Handa na?" saad ni kuya Eryx. Tumango naman ako at nakita ko ulit ang ngisi ni kuya Ajax, ano problema nito? Baliw na yata eh. Lumingon ako kay Captain, "Saan ako hahawak kuya?" Sa braso niya kasi ako nakahawak habang pinapatakbo niya ang kabayo. "You can hold on me, no need to feel awkward Ria," ani niya habang diretso ang tingin. Pumula nanaman ang pisngi ko nang sinabi niya iyon. Masyado ba akong pahalata? "O-okay," saka umayos na ng upo. Tahimik ulit kaming dalawa. ramdam ko ang kanyang katawan sa aking likod. Kapag, tuluyan nang nasira ang isip ko, hindi ako magdadalawang-isip na sumandal sa kanya. Luckily I'm still sane. "Kuya, nasaan na pala iyong babae mo?" I asked with curiousness, hindi ko naman sinasadya na maging mapait ang boses ko. "Hmm?" He leaned closer and breathed in my ear, I can feel my cheeks burning. Putspa naman kasing boses 'yan, para akong binabaliw. "Whose girl? I don't remember anyone," he chuckled, tuluyan nang naisarado ang distansya sa aming dalawa. "Iyong a-ano kuya!, Hu- huwag ka ngang malandi 'diyan!" saad ko na kinakabahan. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Nahihya akong makita ang mukha niya, I know he seems amused by my question. 'Baka makalimutan ko na kuya lang kita, huwag mo naman akong binabaliw oh.' He laughed totally, damn his laugh. Damn everything, he does not have a clue right? "She's no one, anak siya ng kasosyo ni papa," saad niya, hindi naman siya tuluyang nakasandal sa akin. He just leaned closer but there's still gap between us. "Bakit mo kinalong? Pinulupot mo pa braso mo sa kanya," mahinang saad ko, halos pabulong. Takot na baka tuluyan niya nang malaman. I felt him wrapping his arms totally on my waist. Wala na talaga siyang itinirang distansya sa aming dalawa. He breathed on my neck, niyuko niya para maabot ako. "She was about to fall, I had no idea she sat on my lap," he said it gently as if I am being coaxed by his words. Hindi na ako makagalaw sa posisyon ko, nakahinto kami sa paanan ng burol. I want to cherish this moment, both of us in peace. With no one interrupting, just minding the world I'd like to create with him. Pero that thought is impossible, alam ko naman na malandi lang si Captain eh. My place is nowhere to be found beside him. "Kuya, let's go, baka nasa tuktok na sila kuya Ajax." "Kuya me once more, I'll cage you completely," bulong niya sa akin. Hindi ko na marinig ang tinig ng puso ko, it was then concluded. My undefined overflowing emotions are known. Hindi na kailangang hulaan, I don't want to confirm it but I know, my mind and my heart are clashing with each other. For now, I wanna follow my heart's desire, just this once. If it fails, no one's to blame but me. Let my heart be deceived just this time. "Then how should I call you? You're older than me, sanay ka naman na kinukuya kita diba," his body supported my back. Sinimulan niya nang palakarin ang kabayo niya, "Anything you like but not kuya. You're of legal age so, my wait was worth it." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, anong wait? ang pagka-alala ko hindi ko siya pinaghintay. "I'd wait for more, for us to grow together," dagdag pa niya. Tumango ako, I'd always like to call him Perses, his second name. I'll take the risk, I'll unlock the cage that's keeping my heart from running to him. Sa buong oras na pagtakbo ng kabayo, his grip against mine tightened. I feel his heart, beating synchronously as mine. Nakarating kami sa burol kung nasaan sila kuya. Dumistansya ako kay Perses at umayos ng upo. Pinabayaan niya naman akong gawin iyon. "Ang tagal niyo, ah. Kanina pa kami ni kuya dito," bungad sa amin ng nakangising Kuya Ajax. Kumunot naman ang noo ni kuya Eryx, tila hindi maintindihan kung ano ang nangyayari o ganap. Bumaba si Perses at inilahad ang kamay. Takot akong bumaba, dumulas ang aking katawan pagilid at hinawakan ni Perses ang bewang ko. Nang maibaba ako, dumistansya ako sa kanya at tinignan ang paligid. Hindi naman kami nakakapunta dito noon. hanggang sa maisan lang ang napuntahan namin bago sila umalis. Hindi kalayuan dito ay ang dayami katabi ng isang bahay, maliit lang ito. Kaso mukhang hindi nabubuksan. "Ang presko naman dito!" saad ko na nakatingin sa palayan hindi kalayuan sa amin. Alas quatro na kaya hindi na masyado mainit, ang panghapong hangin ay humalik sa aking buong katawan at nagsiliparan ang buhok ko. "Yeah, matagal na rin kaming hindi nakakabisita simula nang mawala si Ariadne at si Tita," si kuya Ajax. Hindi ko napansin na nasa gilid ko na pala ito. Nawala sa paningin ko si kuya Eryx and Perses. Nakita ko nalang na binuksan ang bahay na nakita ko kanina. Lumingon si Perses at itinuro ang bahay. Tumango ako sa kanya. Narinig ko ang tawa ni kuya Ajax, "Halata si Captain ano ba naman." Tinignan ko siya, nagtataka, paanong halata? Hindi naman siguro nila alam na may nararamdaman kami sa isa't isa diba? Nasa paanan naman kami ng burol, hindi kita doon dahil masukal ang gubat bago maging malinis ang daan papunta sa burol. Hindi na nagsalita si kuya Ajax at sumunod na rin sa mag-kuya. Sumama na rin ako dahil wala naman akong gagawin dito. Overlooking rin naman ang katayuan ng bahay. Sana pala dinala ko ang mga gamit ko sa pagpipinta. Nakita ko na may inumin sila doon. Alam kong sinabi ni Nay Lena na dapat hindi ako sumasama sa mga inuman lalo na kapag may lalaki kahit gaano pa ako nagtitiwala sa tao. Sinulyapan ako ni Perses at nang nakita niya akong nakatingin sa inumin niya, sinalubong niya ako. "Hindi ako iinom ng marami," saad niya nang makalapit. Tumango ako sa kanya, "O-okay lang," mahina kong saad. Umiling siya at sabay na kaming naglakad patungo sa kanila. Nasa likod ko ang isang kamay niya animo'y ginagabayan o inaalalayan sa paglalakad. Nakatingin na sa amin si kuya Eryx, napahinto ako pero sinabi naman ni Perses na maglakad lang. Kita ko ang kunot ng kanyang noo sabay ngisi. Pumula naman ang magkabilang pisngi ko at iniwas ang tingin. "Maaga pa kuya," sabi niya nang makaupo na kaming dalawa ni Perses. Sinulyapan ko si Cap at nakita kong umiling siya. Nakangisi na ang dalawang kuya nang naramdaman ko ang pag-akbay ni Perses sa upuan ko, it's not touching my skin, pero kanina kung makayakap akala mo koala. Even with his actions, there are still reservations. Bumalik si Perses sa loob at may kinuha. Nag-usap sila kuya Ajax at Kuya Eryx, hindi na ako sumali at pinagmasdan nalang ang paligid. Nais ko sanang sundan si Perses dahil nahihiya ako sa kanila nang makita nila ang pagiging malapit ni Perses sa akin. Tumayo ako at umalis sa bahay, pumunta ako sa likuran nito. Sa kabilang dako nito, kita ang dagat na kalmado, hindi malakas ang alon ngayon. I heard footsteps from behind, hindi na ako lumingon dahil parang kabisado ko na ang presensya niya. "I pre-heated our samgak," ibinigay niya sa akin ang isa. We sat on grass, and ate silently. Kahit walang nagsasalita, we feel comfortable with each other. Nang matapos kami, nakihalubilo na si Perses. Wala naman akong gagawin kaya naisipan kong maglibot. I went inside to check the interior of the house. It needs cleaning though, ang kusina lang ang malinis. Dalawa ang kwarto dito, the Victoriano's are really fond of painting, kahit dito. Nakapinta ang mukha ng Heneral. It's a self portrait. Perses looks so much him, I even thought it was him. Pumasok si Perses sa loob ng bahay at sinabing aalis na kami. It's so peaceful here. Kahit saan namang sulok ng probinsya, basta sa Valladolid tahimik. Bumaba na kami ng burol at hinatid ako ni Perses pauwi. Dumating ang araw ng Lunes, maaga nanaman ako, hindi na nauwi si Nanay Lena. Kadalasan kasi ay doon na siya naglalagi. Palabas na ako ng bahay nang makita ko ang isang pamilyar na pigura sa labas. With his rugged jeans and fitted blouse and well his watch is not rolex but Richard Mille. Hindi sana manakaw. His overall casual style is very simple yet dignified. No one will survive when he's in a situation na gusto siyang kidnapin. Captain ko yata kasi 'yan! Nakalapit na ako sa kanya, "ang aga mo ah, saan ang punta?" "I'll drop you to your school," his voice was husky and hell be damned, my heart did flutter. Hindi niya dala ang sasakyan niya, naglakad na kami paalis ng bahay. Sa labas ng kalye ay sakayan ng tricycle. "Perses, kailan ulit ang misyon niyo?" saad ko habang kami ay naglalakad. Pumungay ang mata niya nang tinawag ko siya sa pangalan niya, "I filed a leave for six months. Papa needs assistance to his newly acquired business." Tumango ako at hindi na nagsalita. Wala naman kasi akong maisip na itatopic. It's not my thing. "How about you? When's the graduation?" he asked, nakapamulsa na siya. "March 18 ang nakita ko sa announcement 'non eh," Malapit na kami sa sakayan ng tricycle nang tinapik niya ang balikat ko. "It's this way," saka nauna nang naglakad. Hindi kalayuan sa sakayan ng tricycle ay nakaparada ang kanyang sasakyan. I think it's what he usually use, a Range Rover. Binuksan niya ang pinto. Tumingin at ngumiti muna ako sa kanya bago pumasok. "Salamat sa libreng pamasahe!" He smirked at me and complimented me. "Ang ganda mo," he then closed the door. Pumula ang pisngi ko at napatulala. Bakit ba nangbibigla siya? I can't handle the numerous curses in my head, the beating of my essence is at its fastest but in control when I sighed. Bago niya pinaandar ang sasakyan, sumulyap siya sa akin, "You okay?" Tumango ako at pinadiretso ang tingin. Pinanood ko nalang ang kung ano ang meron sa labas. Umandar na ang sasakyan at hindi pa rin ako makapagsalita. I wanna know him completely, especially in his work. "Tungkol sa trabaho mo, if it's not confidential, how's your mission?" tanong ko sa kanya. Dalawang oras pa bago ang klase, iyong may guro talaga. My first two subjects are free time. Completion of requirements ng mga humahabol para sa graduation ang oras na iyon. He glanced at me and focused his eyes on the road once again. "It's risky and scary. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako," huminto siya nang nasulyapan niya akong nakatingin sa kanya. "Sa mukhang 'yan? You're scared? I can't believe it Perses," hindi makapaniwalang saad ko. He looks tough and rough. Napansin kong malapit na kami sa kabilang probinsya. Akala ko ba ihahatid ako nito? Baka tinatanan na ako na hindi ko nalalaman. Hindi pa ako handa. Ginalaw niya ang gear shift para huminto. Humarap siya sa akin. He looked directly to my eyes. Iniwas ko ang tingin ko dahil hindi ko kaya ang intensidad ng kanyang titig. "I'm scared dying on a battlefield without telling the person that I waited for years just to let her grow, I want to prolong the time given to me to spend with the person I..." hindi niya itinuloy. Hindi niya na tinipid ang mga salita niya. I've known him for short phrases and words. Dahil nakabaling sa kabilang direksyon ang ulo ko, I heard him sigh. He lifted my chin to avert my gaze to him. Only him. "Sweetheart," with raspy voice he stated. Ibinalik ko rin ang tingin ko sa kanya. Same intensity with him. His hazel eyes that caught my attention from his painting is now real in front of me. "I can never imagine myself not spending at least a moment with you," Nilapit niya ang mukha ko, pumulupot ang isang kamay niya sa bewang ko. I sense his mint breathe as he pull me closer. "I'd die in peace knowing that I spent my time wisely...building, guiding, caring, and most of all...Loving you. Only and just you." As he ended the last line, I felt his lips landing mine, claiming it as if he will miss the opportunity to be with me again. With that, I let my heart beat, only for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD