He dropped me at school, I bid my goodbye as I open the door.
Habang naglalakad papasok ng school, tulala pa rin ako. Aftershock siguro ang tawag dito.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari, he kissed me. His lips! His f*****g lips! The lips that distracted me everytime he talks!
It's the same lips that got my first kiss.
Hinawakan ko ang labi ko, I'm still in cloud-9. Nakapasok na ako ng room hindi pa rin ako nagsasalita.
Nakaupo na't lahat, ang halik lang ang lumunod sa utak ko.
Kinalabit ako ni Gregor at tinuro ang guro namin. Walang ginagawa sa subject namin ngayon. Puro final requirements dahil unang linggo ng Marso. Kailangan pang ifinalize kung sino ang mga nakaline-up na graduates and honor students. Lalo na't marami kaming STEM.
"Miss Celeste, your presence is needed in OSA," tumango ako at tumayo. Kinuha ko ang ballpen at wallet ko bago nagpasyang lumabas, pinabantayan ko kay Gregor ang bag ko.
Naglakad na ako papuntang office. Sinalubong ako ng tao roon at inabot ang envelope na naglalaman ng aking test permit para sa entrance exam.
Sa sabado ang exam at hindi sa Valladolid ang test center. Kailangan kong bumiyahe ng halos isang oras papuntang Bacolod.
Bumalik ako sa room at pumunta sa upuan ko. Magsisimula akong magreview ulit mamaya.
Binuksan ko ang phone ko para manood ng k-drama, hindi ko pa tapos ang episode 5 ng 'lean closer to me'.
Tig-iisang oras kasi kada episode at hindi pa kumpleto ang narito sa SD card. Ayon sa nakita kong information, 16 episodes ang kukumpleto sa serye na ito.
Napahagikgik ulit ako sa napapanood kong malanding ugnayan ng dalawang bida.
"Ano 'yan?" Tanong sa akin ni Gregor at tinignan kung ano rin ang pinapanood ko.
Ibinigay ko sa kaniya ang kabilamg banda ng earphones ko para marinig din niya.
Lumapit siya sa akin at nakinood. Tahimik kaming dalawa, nakapokus sa pinapanood namin.
Dumating ang lunch at pinause ko muna.
"Kain muna tayo, maya na natin ituloy," nakangiting saad ko. Tumango sa akin si Gregor.
"Pupunta akong canteen, sabay ka?" Tanong niya sa akin nang makalabas kaming dalawa ng room. Naglakad na kami papuntang canteen. Hindi pa naman nagriring ang bell, maaga lang kaming dinismiss ng teacher namin.
Kami ang dehado kapag saktong lunch kami pinalabas, mahaba ang pila.
"Gregor! Pakilala mo naman kami oh!" Rinig kong saad ng isa, hindi senior high, baka mga freshmen sa college.
Napakamot sa batok si Gregor at umiling. "Mga baliw talaga." Mahinang saad niya.
Hinila ko nalang siya para makapili na kami ng pagkain.
"Ate fried kangkong, with rice, isa po."
Kinalabit niya ako at sinabing ganon din ang order niya. Nagpadagdag na ako ng isa.
"Hanap ka ng upuan natin, baka maubusan tayo, dumadami na ang pumupunta ng canteen," tumango at naglakad palayo si Gregor para sa pwesto namin.
Buhat ko ang tray nang napansin ko sa gilid si kuya Ajax at ang mga barkada niyang archi.
Sinalubong ako ni Gregor para kuhanin ang buhat ko. "Bili ka drinks maya."
Kumain kaming dalawa, tinatanong niya rin ako tungkol sa pinanood.
"Ria, nakita daw kayo ni mama kanina. Kasama mo iyong panganay ni Heneral Victoriano."
Nagulat ako, hindi naman siguro iaassume ng mama niya na may kung ano sa amin diba? I can't risk being caught. I kept my composure. I must be calm.
"Hindi naman na bago iyong hinahatid ako ng isa sa kanila diba?"
Nagkibit-balikat siya at tumango nalang sa huli dahil siguro may punto naman ako.
"Library nalang pala tayo, mas tahimik doon."
Nahagip ng aking paningin si kuya Ajax, kung kanina ay seryoso ito, ngayon naman ay parang may binabalak na kung ano dahil sa ngisi niya mapanloko.
Umirap ako sa kanya at nilagpasan.
Pinagpatuloy namin sa library ang panood, nakatapos kaming dalawa ng isang episode bago bumalik ng room.
Sa katunayan pa nga, nasa loob na ng room ang teacher namin ng physics kaya nagmadali kaming bumati at pumunta sa upuan.
"Uy! Sabay sila!"
"Swerte ni Gregor, si Celeste pa," saad pa ng isa.
"Halata naman na eh, bagay bagay kayo!" Kantyaw pa ni Pablo.
Tumawa at nakisali na rin ang teacher namin sa physics.
Namumulang naupo si Gregor, hindi ko nalang pinansin dahil wala namang issue sa akin kapag inaasar.
Bandang alas cinco nakalabas na ako ng school, pumara ako ng tricycle, sisimulan ko na rin ang magreview.
Nakauwi ako at nagluto ng kakainin ko para sa gabi.
Tumunog ang aking cellphone na nagchacharge hudyat na may tumatawag. Hindi ko muna sinagot dahil hindi naman siguro importante.
Busy pa ako sa pag-alis ng hasang ng bangus.
Tumunog muli at nairita na ako. Tinignan ko at unknown number ang tumatawag. Nag-aalanganin pa akong sagutan ngunit sa bandang huli, sinagot ko na.
"Hello, kung sino ka man, wala akong ipambabayad sa Wowoloose niyong show para maclaim ko ang reward. Sa iba ka nalang tumawag adios!" Saad ko at pinatay na ang tawag, hindi ko na hinintay na magsalita ang kabilang linya.
Bumalik ulit ako sa kusina para isalang ang isda at pakuluan.
Narinig ko na may kumatok sa pintuan, nakakunot akong pumunta doon at binuksan.
"Nay! Nauwi kayo?" Bungad ko kay nanay saka nagmano.
Pinaupo ko siya at kinuha ang bag niya. Napansin ko ang pagod ni nanay, minasahe ko siya sa kanyang likod.
Nakaramdam ng ginhawa si Nanay kada masahe ko sa parteng masakit sa kanya.
"Ang galing mo talaga magmasahe anak,"
"Siyempre nay! Ako pa! Minamasahe niyo rin naman po ako dati, ngayon ako na."
Nanay Lena has always been a good mother to me. Kahit hindi niya ako kadugo, hindi ko naramdaman na iba ako.
Yes, there are still questions about my identity that's why I don't feel complete. Nevertheless, I set the thought aside. May mga bagay na pipiliin mong makuntento nalang.
I just hope and pray that someday, the truth will fill the gaps of my incompleteness.
"Nay! Exam ko na sa sabado, doon din ibabase kung makakakuha ako ng scholarship sa resulta ng exam."
Pinatigil ako ni Nanay sa pagmamasahe, umupo ako sa tabi niya at niyakap patagilid. Hinaplos niya ang ulo ko.
"Dalaga ka na nak! Parang kailan lang hindi ka pa makapagsalita ng maayos noon."
I rest as I hug her. Sampung taong gulang ako nang napunta ako kay nanay. Wala akong naalala ni isa sa mga alaala ko noong bata pa ako.
Hindi naman ako kumpleto magsalita, naitanong ko kay nanay kung bakit ganon ako. She just gave me a positive smile that would comfort me to be okay and set the thought aside. Hindi niya rin kasi alam kung bakit nga ganon.
Tinanong ko siya tungkol sa mga magulang ko pero miski siya hindi niya masagot.
"Asteria anak, kakain na!" sigaw ng aling Lena sa loob ng bahay. Nasa labas lang ako ng bahay, pinapanood ang mga kababata kong nglalaro ng luksong baka.
Tahimik akong sumunod sa kusina, tinulungan ko siyang ihanda ang lamesa.
Ang batang Ria ay nagpatuloy pa rin sa pag-aaral.
"Pipi ba siya?" Saad ng isa kong kaklase.
Nakayuko akong pumapasok sa eskwela, kung nakakapagsalita lang ang utak.
"Bagong kaklase?"
"Hindi talaga nagsasalita eh."
"Pabayaan mo na baka hindi naturuan ng magulang, paano ba natin iyan naging kaklase eh hindi naman marunong magsalita."
Pinipigilan ko nalang hindi maluha, sa una masakit ang mga sinasabi nila pero kalaunan, namanhid na ako.
Nasanay na ako sa mga sinasabi nila. Nag-aral nalang ako nang mabuti, muntik na akong huminto sa pag-aaral dahil naaapektuhan na ako sa mga sinasabi nila.
"Anak siya ni Aling Lena? Hindi ba wala naman siyang anak?"
Napalingon ako sa nagsalita, umiwas ito ng tingin. Simua noong araw na iyon, kinuwestiyon ko na ang aking sarili.
Bata man ako, at kahit anong pamamanhid na ang aking ihinarang para hindi na makaapekto, masyadong malakas ang impluwensya ng salita.
"Nay, hindi mo ba ako anak?" Tanong ko kay Nanay Lena isang araw.
Napahinto siya sa paghahalo ng biko at saka pinatay ang lutuan. Lumapit siya sa akin, nabasa ko sa mga mata niya na siya'y nagulat at mukhang nasasaktan nang dahil sa tanong kong iyon.
Tiningala ko siya, hinapit niya ako palapit sa kanya at kinalong. Yumakap siya sa akin habang hinahaplos ang aking mahabang buhok.
"Anak, bakit naman ganyan ang tanong mo? Kahit hindi ka galing sa akin, itinuring kitang parang akin."
"May mga nananakit ba sa'yo?" Mahinahon niyang tanong sa akin.
Hindi ko alam ang aking gagawin, para sa isang batang katulad ko, normal naman siguro na magtanong diba?
Parang may kulang kasi sa akin.
NIyakap ko siya ng mahigpit at kusang tumulo ang aking mga luha. Gusto kong magsumbong kaso iniisip ko sino ang mas dehado sa aming dalawa? Hindi ba't ako rin.
Sa murang edad, natuto akong hindi dumipende sa mga tao.
Grade 7 ako nang mapunta sa mga mansyon ng Victoriano, tumutulong ako sa kung ano ang pwede kong gawin habang naroon.
Iyong taon ko rin unang nasilayan ang painting ng pamilyang Victoriano.
Kada sabado at linggo ako naririto. Sabi naman ni Nanay Lena, pwede ako tumulong dahil kaunti lang ang linilinisan.
Sa laki ng bahay nila, nakakamangha, nakakalula. Ang mansyon ng mga Victoriano ay matanda na. Naalala ko pang sabi ni Nanay, sa ama pa raw ito ng Heneral, ang tanyag na businessman na pumanaw, si Senyor Emiliano Victoriano.
"Naku! Anak, dalaga pa ako noon, hindi ko nga alam na magsusundalo pala si Armando, marami rin ang nagkakagusto diyan noong kabataan niya."
Nasa maid quarters kami nang ikwento niya iyon.
"Inaasahan nga na siya ang magmamana ng mga negosyo nila, metikuloso at tuso kasi iyon magnegosyo ayon sa mga naririnig ko."
"Sa katunayan nga, may napupusuan siya na taga rito noon kaso huli nang nalaman na kasapi pala ang babae sa mga rebelde."
"Hindi na sana siya tutuloy sa pagsusundalo dahil balak niya na itanan. Hindi rin suportado ng Senyora ang ginagawa ni Armando."
Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas ng mga antigong gamit rito. Habang si nanay ay ginaganahan magkwento.
Si nanay ang tagapangalaga ng mansyon, hindi pa kasi sigurado kung may uuwi pa bang Victoriano.
Kuryoso talaga ako sa bahay ng mga Victoriano, binilinan ako ni Nanay na ang unang palapag lang ang linilinisan dahil nakasarado lahat ng pintuan sa ikalawang palapag.
Bakasyon, tapos na ako ng Grade 7, umaayos na ang aking pananalita, nagawa ko nang makipag-usap ng maayos at masaya si Nanay dahil sa kalagayan ko.
Tinulungan ko ang sarili ko, nagkaroon ako ng kaibigan, si Gracel. Naging masaya ang unang taon ko ng highschool dahil iba pala ang elementary.
Sa mga nakalipas na taon, wala ni isang Victoriano ang umuwi. Kami pa rin naman ni nanay ang nag-aayos ng mga gamit doon kung may aayusin.
Papasok ako ng school, nadatnan ko si Gracel sa room, maaga ito ngayon.
"Ria! Halika dito may boyfriend na ako, pakita ko sa'yo." Ani niya at hinila ako sa tabi ng upuan niya.
Nakita ko naman at galing ito sa kabilang building, mukhang basagulero, nakailang repeat na yata ito ng Grade 9 ayon sa narinig ko. "Sigurado ka ba sa taong iyan?" Nanghahamon na tanong ko.
Tinawanan niya ako, umirap siya sa akin. "Siyempre hindi, laro laro lang. Iyon naman ang uso hindi ba?"
Nanlaki ang mga mata ko at umiling, magkaiba talaga kami ng pananaw pagdating sa pagkakaroon ng kasintahan.
"Magkikita kami mamayang lunch, sabay ka? May ipapakilala din ako para pares tayong dalawa."
Umiling ako sa kanya habang nakangiti, masaya ako sa kaibigan ko. Kahit na marami na siyang kinakausap na mga lalaki, hindi ko pa rin siya hinusgahan.
Sino ba naman ako hindi ba? Hindi naman ako diyos at hindi rin perpekto, hindi ko rin inaabalahan ang mga ginagawa niya, magkaiba man kami ng pananaw, nirerespeto ko ang sa kanya.
Sumapit ang lunch at nagsilabasan ang mga estudyante. Hinila na ako ni Gracel, nasa labas na rin ng aming room ang lalaki.
Hinalikan niya sa pisngi ang kaibigan ko at hinapit sa bewang. Nag-iwas naman ako ng tingin nang tumitig sa akin ang lalaki.
"Tara na Ria." Magkahawak-kamay silang naglalakad.
Natapos ang klase, humiwalay na sa akin si Gracel dahil kasama niya ang nobyo nito.
Nakasakay na ako sa tricycle at umuwi. Wala pang tao sa bahay. Nakita ko ang note ni nanay sa may ref.
'Nak una ka ng kumain, baka hindi ako makauwi. Tumawag kasi ang tauhan ng mga Victoriano, sa susunod na linggo ang uwi nilang pamilya.'
Ipinainit ko ang pagkain, wala namang kaso sa akin. Mukhang busy si Nanay, dibale patapos na ang pasok, unang linggo na kasi ng Disyembre.