Bago kami dinismiss, nagbilin sa amin ang adviser patungkol sa 2nd quarter exam pagkatapos ng break. Lumapit sa akin si Gracel.
"Gaga! Hulaan mo." Tumingin ako sa kanya habang nakalingkis ang kanyang braso sa akin.
"Ano?"
"Break na kami!" Saad niya. Ilang buwan lang yata sila nagtagal eh.
"Ebarg, akala mo guwapo, marami pala siyang pinagsabay na ligawan eh. Bwisit." Dagdag niya.
Nakakunot ang noo niya, lumabas na kami ng room at nang nakasalubong namin ang lalaki, hinila ako ni Gracel. Nagtago kami sa tree of life, may nakalingkis na bagong babae sa braso nito.
Umirap si Gracel. "Supot, hindi marunong sumuyo, dire-diretso agad sa babae!" mahina at naiiiritang saad niya.
"Parang hindi ka rin naman bumigay sa kanya ah! Rupok mo rin kasi!" Natatawang saad ko lalo na nang makita na napanguso siya at tumawa rin.
"Siyempre, palay na ang lumapit, tukain mo na. Ganon dapat o kung hindi, pilitin mong magpatuka. Make yourself available." Sabay kindat sa akin, ngumiti ako at hinila na siya palayo, panigurado naman na may makakausap ulit ito ng christmas break lalo na at may peryahan sa sentro.
"Tara na nga! Magraramyun pa tayo sa may Hong Lao, ambagan. Wala naman nang pasok bukas!"
Sumunod naman ako sa kanya. Nag-text ako kay Nanay na baka late na ako makauwi, saka ibinulsa ang keypad.
"Gags, kilala mo iyong Ajax?" singit niya nang nagtitinidor ako ng noodles. Mainit dito sa Hong Lao, open space kasi, tolda lang. 'Tsaka hindi pa ako sanay magchopstick kaya inaasar lagi ako ni Gracel pag nakikita niyang tinidor gamit ko.
Sinulyapan ko siya at umiling. "Sino ba 'yon, bago mo?"
"Hindi gaga, iyong taga senior-high, 'di mo pa nakikita?" Ngumiti siya at inilabas ang phone. Ipinakita niya sa akin ang isang larawan.
Matangkad ito, clean cut rin ang buhok. Mukhang friendly naman kasi nakangiti siya sa picture. His eyes are dark brown, mahahabang pili-mata. Hindi kaputian at hindi rin naman maitim. He looks familiar. Hindi ko lang maalala kung sino ang maihahalintulad ko sa kanya. Nahubog rin ang panga niya. His shoulders were broad, hindi siya halatang senior high.
"Gwapo noh!" Wika niya, sumang-ayon naman ako sa kanya.
"Bibisita nga ako ng senior high building kapag grade 9 na tayo, magbabagong-buhay na talaga ako!" Madrama niyang saad.
"Baka magbabagong-lalaki, hindi ako naniniwala sa'yo," niloko ko siya.
Umirap siya sa akin, "Tse! Believe in me, kasi papatunayan ko 'yon sa'yo. I'll change for the better, kaimbyerna na rin ang marinig na malandi daw ako. Anong magagawa nila eh ganon naman talaga ako ah-"
Sumingit agad ako, "Anong malandi? Atleast hindi ka kumakabit, mas malala pa iyon. Tsaka baka friendly ka lang siguro? Hindi kasi nakitang malandi eh. Tigilan mo na."
Ngumiti siya sa akin, at pumungay ang mata niya, "I love you na talaga gaga! Akala naman nila p****k ako...siguro in the future pero hindi ngayon."
Hinampas ko siya sa braso atsaka sabay kaming natawa. Matapos kumain, nagpunta kami sa peryahan para maglaro, libre niya naman kaya sumama ako.
"Mabuti nalang nagpadala ang tatay ko, naku, ilang buwan nang hindi nagsusustento sa akin!" reklamo niya sa akin.
At some point in life, I can somehow relate to her. Hindi ko naman kilala ang mga magulang ko. Si nanay Lena ang kinikilala ko. I just hope they're still alive. Sumagi kaya sa isip nila na may anak sila? Or it's the other way around, they're gone yet I still don't know if my name is really existing or not.
Just like Gracel, we're both finding ourselves here on Earth. Ang tatay niya ay sumakabilang bahay, she's under the care of her relatives, ang kapatid ng pumanaw niyang ina.
Pumatak ang alas sais, naisipan nalang namin umuwi. Maraming tao nang nakita namin ang bungad ng peryahan.
"See you next year gags!" Saad niya, bago bumaba ng tricycle.
"Bye," at kumaway pabalik sa kanya.
"Manong Sta. Rita po." Habang nasa tricycle iniisip ko kung ano ang maaari kong gawin ngayong Christmas break.
Nadatnan ko si nanay na nagluluto. Hindi niya na ako nilingon, dumiretso ako saka nagmano.
"Oh 'nak, kumain ka na?"
Umiling ako at ngumiti. Kahit busog pa ako kailangan kong saluhan si nanay dahil ayoko siyang mag-isa.
"Anak, kailangan ko ulit ng tulong mo sa mansyon ng mga Victoriano, may mga hindi pa ako natapos na gawain doon."
Tumango ako at nagpasyang kumain. Maaga kami natulog para bukas. Nalalapit na rin kasi ang uwi ng pamilyang Victoriano.
Kinabukasan, alas siete ng umaga, pumanhik na kami sa mansyon. Nagdala na rin ako ng extrang damit dahil paniguradong marumi ako mamaya.
Nilapag ko ang gamit namin ni nanay sa maid's quarters. Bumalik ako sa loob ng mansyon.
"Ria, narito ako sa ikalawang palapag." Sigaw niya.
Pumanhik ako sa taas. The grand staircase reflects the morning rays. Parang sa mga napapanood, nakikita ko ang asawa ng heneral na bumababa dito. I can imagine a girl wearing an elegant yet sophisticated clothes waiting for her prince at the end of the stairs waiting for her to hold his hand.
Nakikita ko ang mga binata ni heneral na naghihintay para sa mga babae nila. I wonder what do they look like now?
Pinasadahan ko ng tingin ang bawat pasilyo na dinadaanan ko. Nakarinig ako ng kalabog malapit sa kinakatayuan ko.
Nakabukas ang isang kwarto, tanaw mula rito ang burol mula sa kinatatayuan ko at ang bakanteng mga lupa na wala pang tanim.
Wide windows and a balcony, seems private.
"Ria!" Tawag muli sa akin ni Nanay. Inalis ko ang atensyon ko sa kwarto. Kahit kami ang nagbabanta sa mansyon, may mga bagay pa rin dapat na hindi pinapakealaman.
Isang pasilyo muli ang nadaanan ko at nakarating na ako kung nasaan si nanay. Maraming mga karton na wala ng laman. Kinuha niya ang pamunas at pinunasan ang mga gamit na nalabas mula sa karton.
"Sunugin mo ito sa bakuran nila, walisan mo na rin ang matitirang abo ng mga ito."
Sumunod ako sa utos niya. Binitbit ko ang mga iyon at nagtungo sa bakuran. Nagsindi ako ng posporo para masunugan ang isa sa mga karton.
Nang umapoy, nakatulala lang ako. Pinapanood kung anong karton ang susunod na masunog.
Nakarinig ako ng yapak papalapit sa akin, "Nay, may ipapagawa pa ba kayo?"
"Who are you, kid?" ani ng baritonong boses sa likuran ko.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makaharap, akala ko kasi si nanay!
Kahit nanenerbyos, tuluyan na akong humarap sa kanya ngunit nakayuko. "Ah, e-ehm, sir. Anak po ako ni Aling Lena."
Bumuntong-hininga siya at naglakad palayo, paloob ng mansyon. Inangat ko na ang ulo ko upang pagmasdan siya.
Ang kaniyang pigura at likod lang ang nakita ko. Gaya nang inaasahan ko sa isang sundalo, his voice was stiff and firm. His actions were reserved.
Nakita kong papalabas na sana ng mansyon ang nanay nang nakita niya ang pigura ng tao sa may sala.
Nag-usap sila saglit at sabay na pumunta sa akin. Ang lalaki ay nasa likod ni nanay, nakasunod. Hindi ko siya kayang tignan dahil nakakatakot ang hitsura niya.
"Anak, si Kuya Maximus mo nga pala, ang panganay ni Heneral." Saad niya, inaasahang makipag-kamay ako sa kanya. Pinanlakihan din ako ng mata ni nanay.
Inilahad ko ang kamay ko, "Asteria po kuya," nanginginig kong saad.
Baka nakatago lang kung saan ang baril nito! Nakakatakot, lalo na sa hitsura nitong nakakaintimida at strikto.
He held my hands and we shook hands. I felt his calloused hands against mine. Kung hindi ko lang siya kilala bilang anak ni Heneral, baka pinagkamalan ko siya na bodyguard sa labas ng gate nila, tagabantay.
"Mauuna na po ako," tumango si nanay at naglakad na ito palayo sa amin.
"Nay, may gagawin pa po ba?" saad ko saka winalisan ang mga abo ng karton na nasunog.
Nakaalis naman na si Kuya Maximus, naiwan kami ni nanay.
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Sumunod ang mga anak niya sa yapak niya." Hindi ako makarelate sa sinasabi ni nanay dahil kilala ko lang naman sila sa pangalan.
Ang araw namin ay natapos na hindi na muli nasilayan si kuya Maximus. Sabi ni Nanay babalik daw ulit kami bukas.
Natapos ang linggo, pumunta kami ni nanay sa mansyon para salubungin ang Heneral. Maingay ang pangalan nila ngayong mga araw dahil sa pag-uwi nila sa probinsya.
Inayos na namin lahat ng kailangang ayusin. Maaliwalas nanaman ang mansyon.
Nakarinig kami ng ugong ng sasakyan. Inaya na ako ni nanay para salubungin sila.
Lumabas ang lalaki na hula ko ay mas matanda sa akin ng anim na taon. Inalalayan nito ang isa pang lalaki na higit na matanda kay nanay.
Ang mga yapak ng kabayo na palapit sa banda namin ang kumuha ng atensyon ko.
Right there, a mighty prince is riding it. Espada nalang ang kulang. He looks dashing in his outfit. Maihahalintulad ko siya sa mga nababasa kong fictional characters.
Bumaba siya at sinulyapan ang banda namin. Napayuko naman ako dahil natatakot talaga ako sa kanya.
"Maraming salamat Leonora, napanatili ang ayos ng mansyon." Rinig kong saad ng Heneral, nagkwentuhan sila at binuhat ng kasama nito ang mga bagahe nila.
Nakalapit na si Maximus kaya bigla akong napatago sa likod ni nanay. Napahinto naman si nanay at sumulyap sa akin ang Heneral.
Mas lalo akong nagyuko ng ulo. Nahihiya ako sa kanila. "Anak, tinitignan ka ng Heneral, huwag kang yumuko 'jan." Bulong sa akin ni nanay.
"Iyan na ba ang anak mo Leonora? Dalaga na ah!" Maligayang saad ng Heneral.
Inangat ko ang aking tingin at tinignan siya, lumambot ang mga mata niya sa akin. His carbon-copy son is right behind him. Hindi ko na binigyan ng pansin baka pagalitan ako.
Pinakilala ako ni nanay sa kanya. The General has a very light aura compared to his son. Siguro dahil bata ako sa paningin niya?
"Pa, get some rest. I'll handle them and call to get some househelps." Saad ni Maximus.
"Maiwan ko na kayo Leonora, ikaw ang inaasahan kong mayordoma kung sakaling permanente na kami rito."
Tumango si nanay, "Walang problema Heneral. Aalis na rin po kami ng anak ko. Tumawag nalang po muli kayo kung may kailangan pong gawin dito sa mansyon."
"Maximus, send them home. We did not hire drivers."
Umiling si Nanay at hindi na nag-abalang magpaalam. May naghihintay na kasing tricycle sa labas kaya hindi na kami nagpahatid.
Pumunta na kami sa sentro kinabukasan pagkatapos niya daanan ang mansyon, para bumili ng mga kakailanganin sa pasko. Naghiwalay kami ng landas ni nanay.
Nakita ko si Gracel, may kasama ulit na lalaki. Lalapitan ko sana pero napailing nalang ako at umiwas ng landas.
Pumasok ako sa grocery dito sa amin. Nakasalubong ko ang crush niyang si Ajax. May bitbit itong basket, namimili rin ng mga pagkain.
"Kuya, ano pa daw kulang? Bakit ang dami yata?" Saad nito at lumipat sa kabilang stall.
"Mozzarella pa yata." Saad ng isang mababang boses.
Dahil kuryoso akong bata, sinundan ko sila. Nadatnan ko ang isang Ajax na nakakapit sa bewang nito ang kamay habang bitbit ang basket.
Kasama nito ang pamilyar na pigura na nakita ko lang kahapon.
"Saan daw ba kasi pumunta si Kuya?"
"I don't know, maybe girls? Alam mo naman si Kuya Max."
Siguro dahil may mata sila sa likod, humarap si Ajax at sumulyap sa akin. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ako.
Ang kanyang kasama ay napatingin din sa akin. Kumunot ang noo niya tila inaalala ako. Ako naman ang nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkuha ng mga nakikita ko na bote ng mga nata de coco.
Shems! Naparami yata ang kuha ko!
"You're the kid from yesterday right?" Tanong sa akin ng kasama ni Ajax. Mas matangkad siya kumpara kay Ajax.
Hindi ko namalayan na malapit na pala sa akin. Napapitlag ako nang kinlabit ako ni Ajax.
"Bata, tinatanong ka daw," pilyong saad ni Ajax.
"H-ha?" Tumingin ako sa kanila.
"Hatdog." Asar pa sa akin ni Ajax.
Ramdam kong nag-init ang dalawang pisngi ko. Napatawa si Ajax, habang ang isa ay ngumiting umiiling.
Tumango ako at ibinaling ko na ang atensyon ko sa mga bote ng nata de coco na kinuha ko. Ibinalik ko isa-isa at nagtira ng dalawang bote.
"May bibilhin ka pa ba?" Tanong sa akin ni Ajax.
Umiling naman ako at nagsimulang maglakad sa kanila palayo.
Little did I know, that encounter gave colors to my life when my days became worst.