Ika-24 ng Disyembre, busy kami naghahanda. Bukod kasi sa kaarawan ko, ilang oras na rin at kaarawan na ni Kristo.
Simple lang ang handaan namin. Hindi rin marami dahil kahit may sapat kami na pera sa pang araw-araw, Nanay Lena is spending and saving it wisely.
"Happy Birthday Ria! Happy Birthday Ria!" Kinakantahan ako ni nanay, nakahanda na ang lamesa at ang pagkain.
Ngumiti ako, kung may camera lang sana, may nakadisplay nanaman siguro ang bagong litrato sa kwarto ko.
"Hipan mo na anak at nang makakain na tayo!"
Ano kaya ang handa ng mga Victoriano? Wala ba silang tagaluto? Mukhang ang kuya na nakasalubong ko kahapon ang tagaluto.
Mukha rin kasing helper kaso naalala ko kamukha niya rin ang nasa painting.
Ipinikit ko ang mga mata ko at ngumiti. Sana manatili kaming masaya ni Nanay. I hope for the best everyday.
HInipan ko na ang aking maliit na cake. Tumunog ang keypad kong cellphone.
Gracel:
Happy Birthday Gaga, shot tayo pag legal na! Ilang taon pa tayo maghihintay.
Napatawa ako sa text niyang iyon. Dalawa lang naman ang contacts ko sa phone. Si Gracel at si Nanay lang.
Abala si Nanay sa pagtanggap ng mga pagkain na binibigay ng mga karatig-bahay. Mukhang mapaparami ang kain namin.
Lumabas kaming dalawa ni Nanay dahil inimbita kami ni Aling Teresa sa bahay nila. Ang mga karaoke at nag-iinuman ay rinig na rinig.
Napangiti ako, iba talaga kapag nasaktong pasko rin ang kaarawan ko. It feels special.
Medyo malamig dahil alas dose na. Lights of parol emphasized the beauty of our street.
Pumasok na kami sa bahay nila Aling Teresa, nakita ko ang kaklase kong si Gregor, abala sa pag-lalaro sa selpon nito.
"Gregor, classmate mo oh!" Sigaw ni Aling Teresa.
Nag-angat ng tingin si Gregor at bahagyang napapitlag nang makita ako.
Hindi naman siguro ako bruha diba? Maayos naman akong lumabas ng bahay!
Ang kaniyang maputing balat ay pumula nang makitang nakatingin ako. Napahawak pa ito sa batok bago lumapit sa akin.
"A-ah, maligayang pasko at kaarawan Ria!" Nahihiyang saad niya sabay upo.
Tumango naman ako sa kanya at naghayag ng salamat.
Ibinigay na ni Alng Teresa ang ibang handa, inaya na ako ni Nanay na umuwi.
Nakauwi na kami at kumakain. Nagsalita si nanay, "Anak, kung sakaling matuloy nga ako sa mansyon ng mga Victoriano, doon muna ako pansamantalang titira."
Tinignan ko siya. Edi ibig sabihin mag-isa ko na dito sa bahay?
Nakita ni nanay ang lito sa aking mga mata.
"Kung gusto mo, sumama ka sa akin, doon muna tayo pansamantala."
Napaisip ako at tumango. Ayaw kong nahihiwalay kay Nanay. 'Tsaka ayokong mag-isa lang dito sa bahay.
Wala na nga akong tatay, mawawala pa si nanay. Matandang dalaga kasi siya.
Kinabukasan,nag-impake na kami ng mga gamit. Dito na yata titira si Heneral.
Sabi ni nanay, bumili kasi ng ekta-ektaryang lupa si Heneral, sayang naman daw kung hindi papakinabangan.
Nakarating muli kami sa mga mansyon ng Victoriano. Bilang lang ang mga maaaring makasama ni Nanay sa trabaho.
Tumingala ako at nakitang may kausap si Kuya Maximus sa telepono. Nakangiti ito at biglang sumeryoso habang nakatingin sa kawalan.
Ibinaling ko sa iba ang tingin, nakita ko si Ajax at ang kasama niyang lalaki palapit sa akin.
"Siya nanaman oh! Bata musta?" Pilyo niyang saad.
Ngumiwi ako sa turan niya. Dalaga ako! Dalaga! Gusto kong isigaw sa mukha niya.
"Anak, maiwan na muna kita sa mga kuya mo," naglakad na rin si nanay palayo.
I looked at them innocently. Pinisil ni Ajax ang aking pisngi.
"Cute mo naman!" Saad niya sa akin. Tumingin ako sa lalaking nasa likuran niya para humingi ng tulong.
He just looked at us with amusement in his eyes.
Kumunot ang noo ko habang binababy yata ni Ajax itong mukha ko. Napanguso ako at sinalubong ang tingin niya.
Binigyan ko na rin siya ng matalim na tingin dahil masakit na ang mga pisngi ko.
Nakita naman ni Ajax na mukhang papaiyak na ako kaya bumitaw na siya. Tumawa siya at marahang hinaplos ang pisngi ko.
"Aww, sorry ha...I've been curious about these fluffy cheeks."
"Ang cute mo talaga, you look like a baby!" Masayang hayag niya.
Umiwas naman ako ng tingin. Kaano-ano ba ng mga Victoriano si Ajax? Parang tanga!
Akala mo close eh hindi naman!
"I'm your Kuya Eryx, Ria?" Hindi ko namamalayan na nakalahad na pala ang kamy niya sa akin.
Siniko ako ni kuya Ajax, "Greet your kuya, baby! Tawagin mo rin akong Kuya Ajax..."
Nanlaki ang mga mata ko sa tawag sa akin ni Ajax, baby? Baby? Kailan pa?
Hindi naman ako mukhang sanggol bakit gan'on ang tawag niya? Hindi pa kami close ah!
Bahagyang natawa si kuya Ajax, parang ngayon lang siya natawa ng todo at nilalabas na lahat.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Gracel kapag nalaman niyang parang bata si kuya Ajax kung umasta?
"Mind joining us ride our horses?" Tanong sa akin ni kuya Eryx.
Hindi ko na naitago ang saya na nakaukit sa mga mata ko. Gusto ko masubukan, pero hindi ba masyado kaming mabilis? Na maging close agad?
Wala naman sigurong iuutos si nanay, kaya tumango ako sa kanila. Nagulat na lang ako ng inakbayan ako ni kuya Ajax.
"Tara na kuya! Naeexcite na 'tong baby natin!"
Pinisil ko ang braso niya dahil naasar na talaga ako, nakakarindi ang baby. Ginagamit lang 'yan sa magkasintahan eh!
"A-aray! Lakas mo kumurot!" Natawa siya at nagpauna na. Nahuhuli ako ng lakad sa kanila dahil sadyang matangkad lang, mahahaba ang biyas.
Nakakagaan sa pakiramdam na kasama sila. Hindi ko inaasahan na magiging masaya pala na kasama sila.
"Oh kuya, sama ka?" Tanong ni kuya Ajax. Pansin ko na hindi masyadong masalita si Kuya Eryx.
Tinignan ko kung sinong kuya ang tinatanong nila at nagulat ako na si kuya Maximus pala siya.
Napasulyap ito sa akin at ngumiti ng marahan bago sinagot si Kuya Ajax.
"Yeah, sure."
Lumapit sa akin si kuya Maximus. Napaatras ako ng bahagya at nang napansin niya iyon, tumigil siya.
"Hello Ria!" Gumaan ang ekspresyon niya sa mga mata habang tinitignan ako. Para bang hindi niya ako nasungitan noong isang araw.
"I'm sorry if I startled you before." Ngumiti siya at bumaling na sa mga kasama niya.
Tumango ako at sumagot, "Okay lang po kuya." Nahihiyang saad ko.
Lumingon ulit siya at tumango, humakbang ang mga paa niya palayo sa amin.
"Kunin ko lang ang sasakyan." Ani niya sa amin.
Lumapit muli si kuya Ajax, at tinanong ako kung anong taon ko na sa highschool at magalang ko naman na sinagot.
Kinalauana, gumaan ang loob ko sa kanila.
Pakiramdam ko napaka-espesyal ko dahil sa tanang-buhay ko, nagkaroon ako ng mga kaibigan na kapatid ang turing sa akin.
Hindi kami nagtagal na mag-usap dahil nakita na namin ang sasakyan nila papunta sa amin.
First time kong pumunta sa rancho. Sabi ni kuya Ajax, pinsan siya nila kuya Maximus.
Ni hindi ko nga alam na may rancho pala sila, sabi naman ni kuya Maximus, iba daw ang namamahala at binabayaran nalang nila ang serbisyo nito sa pagbabantay.
Nakarating kami sa rancho. Umuna agad si kuya Ajax na bumaba at binati ang tao 'roon.
Bumaba na rin ako para sundan si kuya Ajax. Ngunit upang magbigay rin ng galang, binati ko rin ang tao doon.
"Manong kukunin lang po namin ang kabayo." Saad ni kuya Eryx.
Tumango naman ang nagbabantay at nagpatuloy na magpakain ng baka.
Nailabas na ng tatlo ang gagamitin nilang mga kabayo. I gasped in awe, suwabeng sumakay si kuya Eryx doon at humiyaw ang kabayo.
Sumunod din na sumakay si Kuya Maximus na parang sanay na siyang sinasakyan ang kabayo.
Lumapit sa akin si kuya Ajax, "Lika na isakay na kita."
Napatingin naman ako sa kaniya, tinignan ko ang kabayo niya at napangiwi. Tumawa siya nang nakita ang ekspresyon sa mukha ko.
"Hindi 'yan naninipa at gagalaw."
Hindi pa naman nakakaalis sila Kuya Maximus at Kuya Eryx. Bumaba muli si kuya Maximus sa kaniyang kabayo.
"Kuya baka mahirapan akong buhatin siya." Saad ni kuya Ajax
"I'll carry her, sumunod ka agad sa likuran niya." Kinabahan ako nang sinabing bubuhatin ako. Baka biglang gumalaw ang kabayo.
Tinapik ni kuya Maximus ang balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Bubuhatin kita, huwag ka masyadong magalaw kapag nailapag na kita sa kabayo."
Tumango ako kahit natatakot. Naramdaman ko ang kawalan ng mga paa ko sa lupa. Sinunod ko ang sinabi niya. hindi ako gumalaw ng nakasakay na ako sa kabayo.
Sumunod agad na sumakay si kuya Ajax sa likuran ko kaya napasigaw ako nang gumalaw ang kabayo.
Tumawa silang dalawa at tinapik ang ulo ng kabayo na sakay namin.
"Kuya, 'wag masyado mabilis." Sabi ko sa lalaking nasa likuran ko.
"Ajax, huwag pasaway." Banta ni Kuya Maximus. Tumalikod na rin siya at sumakay sa kabayo niya.
Pinatakbo ni kuya Ajax ang kabayo, nakakapit ako sa braso niya habang nakapikit. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at pinakiramdaman ang hangin.
Isinasayaw nito ang buhok ko kaya bumitaw si Kuya Ajax sa isang kamay at isinikop sa isang balikat ang buhok ko.
Wala akong nakapitan kaya humawak ako sa dalawang braso niya. Tumawa siya nang nakitang nagulat ako.
"Kung saan, saan kasi lumilipad iyang buhok mo. Sumasampal pa sa mukha ko." Reklamo niya sa akin.
Ang panghapong sinag ng araw ay tumatama sa amin. Nauuna si kuya Eryx. Nasa likod namin si kuya Maximus, medyo malayo nga lang sa amin.
Pinabilis ni kuya Ajax ang takbo ng kabayo, papasok na kami sa masukal na gubat. Mula rito, rinig na rinig na ang agos ng tubig.
Ang akala kong matatakot ako sa bilis ng takbo, my adrenaline rush kicked in. I enjoyed the moderate speed of the horse.
Hindi ko sinayang ang pagkakataon na pagmasdan ang paligid. Sumigaw ako na akala mo mag-eecho naman kahit na hindi.
Bumagal ang takbo ng kabayo, huminto kami hindi kalayuan sa gazebo na malapit sa talon.
Naunang bumaba si kuya Ajax, nag-aalangan siyang ilahad ang kamay niya. Nag-aalangan din ako na magtiwalang kaya niya akong saluhin.
Kaya sa huli, si kuya Maximus ang lumapit at nag-alis sa akin sa kabayo.
Nakarinig ako ng palo sa talon. Lumalangoy na si Kuya Eryx. Sumunod si Kuya Ajax na lumangoy.
Hindi ko naman inaasahan na lalangoy sila. Napakamot ako ng ulo at lumagay sa gilid. Umupo ako sa may bato.
"Next time ka nalang lumangoy Ria baby!" Sigaw ni Kuya Ajax. Naiirita talaga ako kapag tinatawag niya akong baby.
Pwede naman kasing pangalan ko lang! Hmp!
Tumawa ang nasa gilid ko, "Anong nakakatawa kuya?"
Napailing siya at lumangoy na.
Tumingala ako sa taas, itinaas ko ang mga kamay ko. Ang dalawa kong daliri pinipisil ang mga ibon na dinadaan ng mga mata ko.
"Ginagawa mo?" Tanong sa akin ni Kuya Maximus. Lubog ang katawan nito sa tubig at umahon para magbihis.
Napaiwas naman ako ng tingin at ibinaba ang kamay.
Sa buong break namin, sa mga Victoriano ako naglalagi. Bukod sa naroon si Nanay, nasasanay na ako kasama sila kuya. Naging malapit din kami ni Kuya Maximus.
"That's not how you play it." Saad sa akin ni Kuya.
Tinuturuan niya ako sa piano. Magkatabi kami sa upuan. Hindi ko naman inakala na magaling pala magpatugtog ng piano si kuya.
"Learn the position of the fingers, you're not doing it right." Tumango naman ako sa kaniya at inaral muli.
Natapos ang break namin. Nag-paalam ang magkapatid sa akin dahil babalik na ito sa kani-kanilang trabaho at paaralan.
Simula nang mapansin ng mga kaklase ko ang pagiging malapit namin ni kuya Ajax, kabi-kabilang issue ang naririnig ko.
Minsanan na pumasok si Gracel pero nakakausap ko pa rin ito.
Grade 9, naging mas mainit ang mata ng mga kaschool-mates ko. Gracel distanced herself away from me.
Nang makasabay ko sa pag-uwi si kuya Ajax, hindi ko sinabi sa kaniya ang mga naririnig ko patungkol sa akin.
"Kuya, huwag muna tayo magsasabay. Nagseselos na kasi iyong kaibigan ko."
Tumigil si kuya at nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Kalaunan tumango nalang siya.
Isang araw nilapitan ko si Gracel, "Gracel, sabay tayo. Lunch?"
Umirap ito sa akin at nanlaki ang mga mata ko. Wala yata sa mood?
Tumayo ito at lumabas ng room, hindi ko inaasahan ang ugali niyang iyon. Kahit sanay ako sa pagiging mataray niya, iba itong nakikita ko ngayon.
Bago matapos ang taon sa pagiging grade 9, tinanong ko si Gracel bakit hindi na ito sumasabay sa akin.
"Para kang linta! Dikit ng dikit, hindi naman kita aso bakit ba sunod ka ng sunod?" Saad niya na animo'y naiirita.
May mga tumawang mga kaklase ko na nakarinig.
Napayuko ako, ang halos tatlong taon ba naming pagkakaibigan ay maitatapon na parang wala lang sa kaniya?
"Problema kasi sa'yo, hindi ka marunong makisama sa iba na kaedad mo. Dumidikit ka pa sa Ajax na iyon!"
Umalis siya sa harapan ko, naupo nalang ako sa upuan ko. Hindi makapaniwalang sinabihan niya ako ng mga salita na makapagtatanong sa sarili ko.
Hindi ba ako sapat? Natapos ang mga taon ko sa junior high na walang kinakaibigan, Nakahanap ng mga bagong kasama si Gracel.
Tumigil na ako sa pag-asang may magiging kaibigan pa ako. I guess I should stop aiming for more because it doesn't do me any good.