Summer of 10th grade. Hindi ko na muli nakita si Gracel. Pagkatapos ng commencement exercises tuluyan na ngang naputol ang aming koneksyon.
Sa buong taon, kabi-kabilang issue ang naririnig ko. Ma-papokpok, malandi, feelingera. Every words that would stain my name and will ink itself eventually through my mind.
Was I just a cover up, a puppet for a show?
Tinapik ni kuya Maximus ang balikat ko, "You okay Ria baby?" Mahinahong tanong niya.
Nandito ulit kami sa talon. May mga kasamang babae na hindi ko kaedad, higit na matanda sa akin at ang isa nama'y hindi rin nalalayo ang edad.
As usual, hindi na ako sa bato umupo. Nakasuot lang ako ng bestidang kulay krema. Pinagmamasdan ko sila kuya Ajax at Kuya Eryx, akay ang mga babae nila.
Napatingin ako kay Kuya Maximus. Hindi niya ako tinitignan at ang atensyon niya ay nasa kawalan.
Bumuntong-hininga ako at tumango. Hindi na nagtanong si Kuya kahit alam kong nahalata naman niya na hindi magaan ang pakiramdam ko.
Hindi umalis sa aking tabi si Kuya. Both of us watched the scenario in front. Somehow I felt peace and at rest. Sana ganito nalang palagi.
"Hindi ba kayo maliligo diyan?" Saad ni kuya Ajax habang nakakapit sa leeg nito ang babae.
Umiling ako at ngumiti. Napalingon sa akin si Kuya Maximus kaya tinignan ko rin siya.
"Wanna play the piano?" Wika niya with eyes and voice so gentle as if wooing a kid. Dumaan sa isip ko, music are therapeutical.
Tumango ako tumayo na. Nakasunod siya sa akin. Sumigaw si kuya Eryx, "Where are you guys going?"
Ramdam kong huminto si kuya Maximus sa paglalakad. "We'll go home first, gotta teach the kid to learn piano."
Anong kid ka diyan! Kailan ba kasi ako magiging dalaga! Nakakarindi na sila pakinggan.
Kuya Maximus lifted me up to ride the horse. Inayos ko ang aking bestida. Mabuti nalang at hindi ako madaling nasilipan kahit nakabestida.
Inasar pa nga ako ni Kuya Ajax, first time niya kasing makita ako ng nakabestida.
Ngumisi lang naman si Kuya Eryx at nagthumbs-up sa akin.
Bakit pa ba ako maghahangad ng higit pa sa kanila? The kuya's are supporting me in all ways, kahit hindi madalas umuuwi ang dalawa dito.
I started appreciating and keep our bonding and moments. Pabayaan ko na kung sino ang gustong sumira sa akin.
It may repeatedly hurt me pero meron naman akong mga kuya eh.
Nandito kami sa music room ng mga Victoriano. Mayroong maliit na teatro hindi kalayuan dito.
Hindi pa naman ako nakakapunta dahil nakakahiya naman kung magtatanong ako kung pwede kami manood doon.
"You're improving, good job Ria." Mababang boses na saad sa akin ni kuya Maximus. Nakasandal siya sa may gilid ng piano habang pinapanuod ako.
Hindi niya ako palaging tinatawag na baby, sinabi ko kasi sa kaniya na nakakairita. Hinayaan ko nalang sila kung ano ang gusto nila itawag sa akin. Tutal sanay naman na.
Si Kuya Maximus pang-asar o kapag nasa mood lang siya na tawagin akong gan'on.
Hinayaan ko ang aking mga daliri na gumalaw. With passion and graceful moves, I let my soul dance to the rhythm of Satie's Gymnopedie, No. 1.
Ipinikit ko ang mga mata ko, kahit may mga kaunting mali, nakikita ko ang paunti-unting improvement ko sa pagtutugtog ng piyano.
Nang matapos ko ang buong kanta, dumapo ang mga mata ko kay kuya Maximus. Kita ko sa kaniya ang mangha at hanga sa mga mata niya.
Maliban kay nanay, may isang tao na nakakapagpahalaga sa mga ginagawa ko.
Ngumiti ako sa kaniya. Hindi siya ngumiti pabalik, diretso lang ang tingin niya. Sinubukan ko naman muli tumugtog ng isang piyesa.
Sinumulan kong tugtugin ng solo ang heart and soul. Kaming dalawa ang tumutugtog ng piyesang iyon.
Umupo siya sa tabi ko, hindi pa man din ako abot kahit sa balikat niya. I feel so small beside him.
Ang kamay ko sa kanan ang gumagalaw, habang ang mahahaba niyang daliri ay sa kabila.
His veins in his arms are protruded. Inobserbaahan ko ang paggalaw ng mga daliri niya sa piyano, he's already an expert.
Nadistract ako kaya nagkamali ako ng pindot. Hindi ako huminto bagkus napatawa ako.
Tumawa rin siya ng bahagya at napailing. "Pay attention to the notes, we'll speed up."
Nakapokus na ang buong atensyon ko sa pagtutugtog, hanggang sa nag-iba ang tempo ng piyesa. Natural na rin para sa akin na bumilis ang t***k ng puso ko kapag bumilis na ang tempo.
Nang natapos namin ang piyesa, huminto kami. We sat there in peace, satisfied, and accomplished.
Nakarinig kami ng palakpak hindi kalayuan sa likod namin. Pagkalingon ko, nakita ko si Heneral na nakatayo sa hamba ng pinto.
His eyes were screaming joy, and pride as he looks at both of us. Tumayo ako at yumuko para magbigay ng bati.
"Magandang hapon po Heneral," mahinhing saad ko.
Naramdaman ko rin naman na tumayo si Kuya Maximus. Binati niya ang papa niya, "Pa, what brings you here?"
Umiling at ngumiti ang heneral, "I just can't help but imagine, imagine the two of you."
Anong imagine ang sinasabi ng heneral, hindi niya naman siguro kami naiimagine na mag-jowa hindi ba? Kuya ko lang si Kuya Maximus. Alam ko kung saan ako lulugar.
"If your sister, Ariadne was only alive, she'd be there right beside you to play one of the pieces that I and your mother played." Nakita ko ang kaunting luha na namumuo sa kaniyang mata.
Oh, so hindi niya pala tinitignan ng malisya kaming dalawa. Nasanay na kasi akong may malisya lagi ang tingin ng tao lalo na kung hindi nalalayo sa edad mo ang laging kasama. Matanda si kuya Maximus so baka hindi siguro.
Pero iba ito, no one can ever judge us kasi si kuya Maximus naman kasama ko. Hindi ko alam sa dalawang babae ng mga kuya ko. I hope they think otherwise.
"I'm sorry hija, I just miss my wife and my daughter. Kanina ko pa kayo pinapanood." Ngumiti sa akin ang heneral.
Si kuya Maximus naman ay busy sa pagtitig muli sa painting sa harap niya. It was the painting of their mother and a beautiful daughter, their sister.
Sabi ni Kuya Maximus maaga daw kinuha ang dalwang babae na importante sa buhay ng mga Victoriano. Hindi niya naman sinabi ang rason kung paano sila pumanaw o nawala.
It's not my business to ask. Kahit close na kami, there should still be limits.
Umalis na ang heneral at inaya kaming magmeryenda. Sumunod naman kaming dalawa ni kuya Maximus. Sinarado niya ang pintuan at bumaba na kami.
Nakita ko si nanay na nagluluto ng turon. Lumapit naman ako sa kaniya para tulungan siya habang si kuya Maximus ay dumiretso kung saan ang kapatid at pinsan niya.
"Anak kunin mo iyong brazo de mercedes. Request ni Maximus iyan."
Hindi ko alam ang hitsura ng sinasabi niyang pagkain. "Nay, ano iyon?"
Napasulyap sa akin si nanay at binitawan ng sandok. Pumunta siya sa counter kung nasaan ang sinasabi niyang pagkain. "Ito oh, nahiwa na 'yan. Ilagay mo nalang ang bawat hiwa niyan sa mga platito."
Sinunod ko ang utos niya at ipinagpatuloy niya ang pagluluto ng turon. Pakiramdam ko masarap itong request ni kuya. Si nanay kaya ang gumawa nito?
Napatingin ako sa labas, ang kulay kahel na langit ay napakaganda. Sana lagi nalang hapon. Paano pa kaya kapag nasa mismong ulap ka?
Napangiti ako habang hinahayaan ko ang aking utak na gumawa ng kung anong imahinasyon.
Nagsabay kami ni nanay patungo sa bakuran nila, nakaupo ang magpipinsan at umiinom ng kung anong alak. Napabaling ang tingin ng tatlo sa amin ni nanay.
Kumislap naman ang mga mata ni kuya Maximus at Ajax sa hawak ko. Inilapag ko sa harapan nila ang dala ko.
"Upo ka muna dito Ria!" Saad sa akin ni kuya Ajax.
Napatingin ako kay nanay at tinignan niya rin ako pabalik na walang emosyon sa kaniyang mga mukha. Tumango si nanay at umalis sa harapan namin. Binalingan ko naman si kuya Ajax, "Kuya, uuwi muna ako, may trabaho pa ako bukas eh."
Hindi naman na nagsalita ang magkapatid. Bumungtong-hininga si kuya Ajax habang si kuya Maximus ay sumusubo ng dala kong panghimagas.
"It's our last day, Ria." Seryosong wika ni kuya Eryx.
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Anong panghuling araw? Ilang linggo palang yata sila dito ah? Bakit ang bilis?
Ramdam ko ang tensyon sa amin. Nakakalungkot na kay bilis ng break nila. Hindi ba pwede na dito nalang sila sa Valladolid?
Narinig ko ang baritonong boses ni Kuya Maximus na nagsalita, "Ria, may misyon na ulit kami."
Sa sinabi niyang iyon, nakaramdam ako ng kaba. Hindi naman siguro malalang misyon diba? Wala pa naman silang naeengkwentro na malala na misyon.
Alam ko naman ang trabaho nila eh. Nakakakaba lang dahil sa larangan ng trabaho nila, hindi sigurado kung may babalik sa kanilang buhay.
Yes, they are skilled professionals pero hindi ko lang talaga mahanap ang kapayapaan kung isa sa kanila ang mawala.
Nitong mga nakaraang linggo, naririnig ko na sa news ang hamon ng kabilang parte na hindi sang-ayon sa pamumuno ng pamahalaan.
Hindi ko lang itinatatak sa isip ko dahil alam kong mawawala muli ang mga kuya. Will they survive once more, especially there are rumors na may Heneral sa mga rebelde.
The brain of everything and the appointed of the President. He is still unknown, but one thing's sure, hindi na mahigpit ang seguridad ng academy sa pagpapasok ng mga rebelde sa kampo nila.
The current President, Mr. Mariano, being the chief in command, claimed them as terrorists. The rumored general is still to be known and investigated. Kapag napatunayan na meron ngang heneral na nasa kampo ng mga rebelde, it would be a big scandal and shame to the academy.
Hindi ako umimik sa sinabi ni kuya Maximus. I will never at peace. My heart and soul will always worry for the both of them. Losing one of them is like losing half of my life.
Ipinatong ni kuya Eryx ang palad niya sa ibabaw ng kamay ko habang si kuya Maximus naman ay nakatingin lang sa amin.
"We'll always be safe, Ria. You know our field of work. It could be demanding but we love what we are doing."
Pinipigilan kong hindi maluha kahit ang mga mata ko ay medyo basa na. Huwag sana sila tumulo.
"A-alam k-ko naman kuya pero...paano ako makakasigurado na ligtas nga kayo?"
Ngumiti si kuya Maximus sa akin, hinaplos niya ang buhok ko.
"Don't you trust us? Don't you trust your captain? We'll get back to you safe and clean." his gentle voice soothed my overflowing emotions.
Tumulo ang luha ko. Takot na takot talaga ako, s-shall I start praying to someone from above? NIyakap ako ni Kuya Maximus.
Just like a kid whose parents are not seen in a mall and the kid feeling left out, someone will always be there to give you the warmth of their embrace soothing you until you calm down.
HIndi ako inasar ni kuya Ajax, it's my first time crying in front of them. Pinapatahan ako ni kuya Maximus. I am really attached to him, to them in particular.
Separating from one of them is always the hardest.
"J-just p-please b-be safe mga k-kuya." Sinisinok na pahayag ko.
"A-attend pa a-ako ng mga kasal niyo!" paiyak kong saad.
Tumawa naman ang dalawa pati si kuya Ajax. Pinakawalan na ako ni kuya Maximus sa yakap niya.
"Yeah, baby you'll be our dearest best girl!" panloloko ni kuya Eryx.
Simula nang magsenior high ako, lagi kong hinihiling na sana matapos na sila kuya Eryx sa misyon nila.
Si Kuya Ajax ay laging nakadikit sa akin, hindi niya naman ako obligasyon pero hinayaan ko na. We grew closer together na para na talaga kaming magkapatid.
My 11th grade was the year when news made me more anxious. Akala ko mabilis lang sila kuya Eryx pero hindi. There were some soldiers that were shot and that was when I hope na wala sa kanila ang isa sa mga iyon.
Still, hindi nga sila namatay pero malala ang tama ni kuya Maximus. That time, I really cried every night lalo na't kapag mag-isa ako sa bahay.
Nang marinig kay kuya Ajax ang balitang iyon, I always pray for his better recovery. They can't die yet! Sasagutin pa nila ang pang-debut ko.
Sa Lastona ang kampo ng mga rebelde na inatake ng mga ibang sundalo. They are willing to sacrifice their lives for the peace of the country.
Minsanan ko lang nakakausap ang dalawa, minsan wala pa ang isa. Labis ang pagtatampo ko na naidala ko hanggang grade 12. They weren't present in my 18th birthday.
Masaya naman ako dahil nasorpresa ako sa simpleng selebrasyon sa mansyon ng mga Victoriano. Sabi ni kuya Ajax, Kuya Maximus planned it all.
I received a necklace with a pendant from Kuya Maximus while bracelet from Kuya Eryx. Kadalasang galing sa mga Victoriano ang natanggap kong regalo kaya nagpapasalamat ako.
I was thankful but I still feel something is incomplete within me, I always dream to dance with the three of them kahit pauli-ulit sila na 18 roses ko.
It will never happen, so it never did. Ang heneral, kuya Ajax, at ibang trabahante ang naisayaw ako.
Despite of feeling incomplete on the day I became of legal age, I was still able to put up a smile. Enjoy my day without the presence of two important persons in my life.