Sa mga sumunod na araw, wala kami masyadong ginawa dahil hindi naman kami marami sa block namin. Malimit ko na ring makita si Perses at Cedrick sa kadahilanang nag-iiba ang prayoridad kapag nasa kolehiyo na.
"Hi!" Masayang wika ng babaeng nagngangalang Phraine. Nakaupo ako sa isang gilid ng canteen at pinapanood ang paligid nang lumapit siya.
Tumingala ako sa kaniya. Her skin was painted white as snow, dark brown orbs are consuming his lazy eyes. Para siyang laging inaantok pero ang mga mata niya ay ganon talaga. She's slender and her hair is naturally curled. Thin lips and thick lashes. Nainggit naman ako sa kabuuang mukha niya dahil siya ay natural na maganda.
Well, my eyebrows are thin and my face is round. Her facial and body structure would surely pass as a model.
Ngumiti rin ako at umusog sa inuupuan ko. Tumabi naman siya sa akin at nagpakilala. "Phraine in short pero Euphraine talaga pangalan ko." Nakangiti niyang saad.
Naramdaman ko namang may lumapit pa na isang tao sa table. Tinignan naming dalawa ito at nakitang kaibigan ni Phraine. Sinalubong niya naman ang babae at humila ng upuan katapat ng sa akin.
Tumingin siya sa akin ng malamig bago balingan si Phraine. "Are we seriously gonna sit here with her?" Tanong niya kay Phraine. Yumuko naman ako dahil binalingan niya ulit ako ng tingin. I'm getting uncomfortable with her stares.
"Come on Hade! Ang kj mo! I'm making friends here para hindi lang ako ang kasama mo 'no!" Biro naman ni Phraine sa kaibigan niya. I saw Hade rolled her eyes before settling herself down infront of me.
"You are enough for me Phraine." I heard her mumbling. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Her face was void of any emotions. Her skin was also flawless and pale. I think I saw her somewhere but I cannot pinpoint.
Her face and aura screams that she's an elite. A fragile one and cold as ice. She moves with poise and grace. I admire her for what defines her. Kahit ilang araw palang ako dito sa university, pansin ko na ang paghanga ng mga tao sa kaniya.
Kumain kaming dalawa ni Hade ng tahimik. Si Phraine ay maingay sa table namin. She asked me where I came from and how did I get into the university. Sinabi ko naman sa kaniya ang tungkol sa akin at pagpasok ko sa university.
"Bakit accountancy ang kinuha niyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa kahit medyo naiilang pa rin ako kay Hade.
"Girl, 'di ko nga rin alam bakit accountancy eh! Magulang ko kasi kung ano nalang sinabi nila 'yon nalang ang kinukuha ko. Wala naman akong pangarap bukod sa maikasal sa isang Victoriano! Char!" Biro niya na medyo natatawa.
Kilala ang mga Victoriano dito? "Ay girl! They are known here, akala mo ba academy sila? I heard from Hadassah's brother na kabatch nung youngest son ng General is ano, they did some schooling. ROTC something..." Kumindat ito sa akin.
"My brother never told me any of that, how come he tells you some stories Phraine?" Kuryosong tanong ni Hade sa kaibigan niya habang ako ay napakunot ang noo dahil sa sinabi niya.
So Perses and Eryx did not go to PMA? Hindi ko naman malalaman iyong kay Perses kasi siya ang pinakamatanda sa lahat. Hearing from Phraine, mukhang interesado talaga siya sa isa sa mga Victoriano.
"You know Kuya Stav, minsan dumdaldal kapag kinukulit ko." Phraine said casually.
Most of my days are spent with them, gumagaan naman na ang pakiramdam ko kay Hade at nasasanay na sa malamig niyang presensya. Not that I don't care about having friends but to survive the semester is to make some friends as well. Reward yourself with fun. Dapat balance lahat.
Perses:
Love.
Nakita ko ang message ni Perses nang matapos ako sa pagsagot ng mga assignments na binigay sa amin sa subject na Law on Obligations and Contracts.
I felt a relief after finishing the assignment. Saktong tumunog rin ang cellphone hudyat na tumatawag si Perses.
He is freshly bathed and drying his hair with a towel. I feel giddy as I saw him once again. Napahikab ako nang tumayo ako sa mesa. Tapos na akong kumain at natapos ko ang assignments ng bandang alas nueve.
"How's school?" Tanong niya sa kabilang linya. Una at pangalawang linggo palang ng semester sabog na yata ang utak ko.
"Hmm...Stressing pero kaya pa naman." Ngumiti ako nang bahagya sa kaniya. Tumango naman siya at sumandal sa headboard ng kama.
Seeing him still makes my heart flutter. Damn, kahit nasa malayo siya namimiss ko pa rin. Sana man lang may semestral break na kahit kakasimula palang ng semester. I miss our moments, I also miss nanay, kahit hindi siya laging umuuwi.
"How about you? I heard kuya Eryx didn't attend in PMA. Nagschooling lang daw kayo?" Tanong ko nang pumasok sa utak ang sinabi ni Phraine noong nakaraang linggo.
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Yeah, both of us. Why?" Paos niyang saad. Pagod rin yata ito pero hindi halata kapag kausap ako. I realized that even the smallest details are already unraveling itself from me. Maybe this is how it feels to love someone, the connection is just strong that you can also feel your partners' pain, feelings, their inside voices.
"Wala lang, sikat pala kayo sa university na inaattendan ko ha." I winked at him while he smirked at me, amused by my acts.
"Who told you that?" Tanong niya habang nakangiti pa rin. Parehas na kaming nakahiga sa kama. My tired eyes keep battling with my mouth as it wants to rest.
"A friend of mine, she wished to marry a Victoriano as well." I chuckled as I told him what Phraine said to me.
Ngumisi lang siya sa akin. Malapit nang bumagsak ang mga mata ko at pinipigilan ko lang dahil baka hindi kami magkakausap muli.
Nabigla yata kasi ako sa kinuha kong course. Though the subjects in senior high are not credited in college since you have to take it again, stress is consuming me as the university's expectation is high to the point that some subjects are planning to gatecrash. Hindi naman ako ABM strand graduate. I'm just a STEM student who lost their way in college.
"Love, go get some rest. I know you're tired. I'll see you soon." His baritone husky voice could send me to sleep. Cold yet soothing my system as it caresses my soul to rest.
Tumango ako sa kaniya at umayos ng higa.
"I miss you." Bulong ko, hindi ko alam kung narinig ba niya bago tinapos ang tawag.
The next days and months were fine and stressful. Hindi na yata mawawala ang salitang stress sa college. Natapos ang prelims at nandito ako sa bahay nag-aayos dahil inimbitahan ako ni Phraine mag-saya. Hindi naman ako palalabas pero sasamahan ko nalang para wala ng masabi.
I wore black skinny jeans with tucked-in long sleeve polo wearing the snickers I bought on my birthday, I put my hair into a bun. Siguro kapag nakita ako ni Cedrick, aasarin ako na tomboy. Paano naman daw kasi sa fashion sense ko, parang hindi daw dalaga. Wala naman akong magagawa dahil wala pa akong pera na pambili ng damit. Sabi pa niya na mukha daw akong mag-aapply ng trabaho.
Napailing naman ako nang maalala iyon. Lumabas ako ng apartment at nag-iwan ng mensahe kay Perses at kay Nanay.
"Girl, bilis! Malapit na peak hours sa bar!" Sigaw ni Phraine nang makita ako sa labas ng kanto naglalakad palapit sa kanila.
Nakita ko naman ang kaibigan niyang si Hadassah or Hade na nasa passenger's seat. Abala ito sa pagtipa sa cellphone niya.
"Ano girl? Ba't hindi ka man lang nagskirt? Hay nako! Sa susunod na punta natin, wear some girly clothes!" Wika ni Phraine nang makapasok kami sa entrada ng bar.
Ipinagkibit-balikat ko nalang ang sinabi niya, bahala na.
Hindi pa marami ang tao sa ngayon, alas ocho na ng gabi. Ayon kay Phraine, marami na raw tao kapag pumatak ang alas nueve hanggang alas dose.
Hindi ko na masyado pinuna ang kalooban ng bar dahil nakaupo lang kami dito sa may gilid. Nakita ko ang kasamahan nila Phraine, may mga lalaki at babae mula sa kabilang table. Pinuntahan niya ito at naiwan kaming dalawa ni Hade sa table.
Hindi tumagal, tumayo si Hade at naglakad papuntang second floor. Kinabahan naman ako dahil mag-isa lang ako. There are drinks in front of me pero mag-isa ko naman dito. Iniwan ng mga makakainuman ko sana.
Dumadami na ang tao at hindi ko na mahagilap ang dalawa kong kasama. Napapitlag ako nang may tumabi sa akin na hindi ko kilala.
"Hey." Bulong niya sa aking tenga. Hindi naman ako lumingon sa kaniya dahil hindi ko kilala. My mind is already cursing this man. Mas lalong kumabog ang dibdib ko.
Maybe going here is a bad idea. Nagulat nalang ako nang mawala ang lalaki sa tabi ko. Rinig ko ang mga mura niya na animo'y natakot sa akin.
"Babe!" Sigaw ni Phraine at nakitang papalapit sa akin. Tumaas ang kilay nito nang makita ang papaalis na lalaki at tila balisa.
Hinatak niya ako patayo. "Let's go!"
Nagulat nalang ako nang makitang nandito kami sa dancefloor. Halos mataranta ako dahil siksikan dito. Hindi namalayang lumalim pa ang gabi. Hindi ko alam ang gagawin at hindi ako makaalis dahil sa dami ng tao.
Naghalo-halo ang mga amoy, mapa-alak, sigarilyo, at pawis. Napangiwi naman ako dahil hindi ako makahinga.
"Girl come on! Sway that curvy hips babe!" Hiyaw ni Phraine. Sinubukan ko ang sinasabi niya at nagpadala sa agos ng musika.
Feeling ko mukha akong tanga dahil hindi naman ako marunong sumayaw. Hindi ko na muli nakita ang lalaki at tumingala ako animo'y dinaramdam ang sayaw.
's**t talaga mukha siguro akong pusit na lumalangoy, fak!'
Tumingala ako sa second floor at nagulat ako nang makasalubong ko ang mga mata ni Perses. Kinakabahan habang nakatitig sa madilim niyang mata. I feel like I am holding my breath as his brooding dark eyes are dangerously looking at me. Umigting ang mga panga niya habang tinututukan ako ng tingin.
Nag-iwas ako nang tingin at sinubukang umalis sa dancefloor.
'Baka ano na ang isipin niya, na pariwara akong babae at kung ano pa.' Hindi ko na muli nakita si Phraine kaya dumiretso ako sa table namin. Wala pa rin si Hade kaya hinanap ko siya.
Napunta ako sa may sulok ng bar, tingin ko C.R. na at nakarinig ng sigawan.
"No! What the f**k is wrong with you! Kanina ka pa! Hindi mo man lang ba ako inisip! You're so bullshit Damien, puno na ako sa'yo! Magsama kayo ng kerida mo!" Sigaw ng pamilyar na boses mula sa loob.
Akmang lalapit ako nang may matipunong braso ang humapit sa bewang ko. Sisigaw na sana dahil narinig ko si Hadassah na nakikipagsagutan kay Damien.
"Don't mind them love." Bulong sa akin ng pamilyar na boses. Tumango nalang ako at nagpaubaya sa hila niya.
Bakit kaya siya nandito? Dito kaya siya naglalagi palagi? My thoughts were interrupted when I saw Phraine sitting in our table, mukhang aburido na ang mukha nito.
Mahigpit ang hawak sa akin ni Perses kaya tinagilid ko ang ulo ko.
"Okay na ako rito. Huwag mo na ako ihatid sa table." Nako-conscious rin kasi ako sa mga tumitingin sa amin.
Imbes na dumiretso sa table namin, hinawakan niya ako ng maiigi sa bewang at giniya sa second floor ng bar.
Jusko! Mabuti naman mas maayos ang mga tao rito, kaysa naman kasi sa baba, halos sulok ng bar ay merong naglalaplapan at nagsasaluhan ng laway. Napailing ako sa isipan ko.
"Text your friend, I'll bring you home." Malamig niyang saad. Kumabog naman ang puso ko. Siguro nagtataka siya kung paano ako napunta dito sa bar e hindi niya ako nakikitang gumigimik.
Nakita ko ang kasama niya sa table, he's also gorgeous but his eyes are cold as grey and void of any emotions. Parang si Perses noong unang kita ko sa kaniya pero mas madali kong naapproach si Perses noong mga padalaga na ako.
Banayad akong ngumiti simbolo ng aking pagbati at malamig na tumango lang ito sa akin. Hindi pa rin ako pinapakawalan ni Perses.
"New?" Ngumisi ang lalaki sa akin at ibinlik ang tingin kay Perses. Umiling ito habang tinungga ang isang baso ng alak.
I leaned my back to the sofa, I guess I'll never come back here. Pumikit ang aking mga mata.
Camera, laughing voices, and belt. I feel the shivers in my spine. Seleno grabbed the hair of the little girl while her father collects the money from the members and acquaintances of Seleno.
"Remove it oh Maria! This young lady will grow up beautiful. Seleno, I want the scene where she's put up in cell 140A." Rinig kong pahayag ng isang matanda.
I saw him in the newspaper, he is known as the notorious pedophile with a lot of crime charged against him, especially human trafficking.
"Come here El Avin, and look how all of us can benefit from this child!"
The little girl was not able to scream for help. All she feels is fear, there's no room for hope. Kumaga sa isang higad, isang tapak, wala nang tsansang mabuhay. She is surrounded by feet that can kill her anytime. No escape, she is dirty as to how everyone in the place looked at her. Malagkit na tingin at nakakadiring pagnanasa.
Nagising ako nang tapikin ako ni Perses. Basa ang aking pisngi at nang makita ko ang malamlam niyang mata, hindi ko mapigilang mapaiyak muli. Hindi niya ako niyakap dahil sa aking panginginig. He only went closer.
Kailan kaya matatapos ito? I feel like there are more sufferings to come. Kakaunti palang ang aking naaalala, paano pa kaya kapag tuluyan nang tinanggap ng aking utak ang lahat? The more I get to know everything, the more I feel the chains caging me from being free. As what they say ignorance is bliss.