I woke up being hugged by someone. Nakaramdam ako ng bigat dahil sa pagkadantay ng binti nito sa akin. My right hand was intertwined with someone who is asleep beside me.
The rays of the sun woke me up but not fully. Tinignan ko ang katabi ako at bahagyang napapitlag nang makitang si Perses ito. He looks gentle and unbothered as he renewed his grip on me. He buried his face on my neck. Bahagya akong nakiliti sa pagbuga ng hininga niya sa aking leeg.
His stubbles are sending shivers down to my spine as he buried himself in my neck. My heart thumped as my mind was becoming aware of our position. Nasa kama na mismo kami. Well, minus the naked part because both of us were fully clothed. Ramdam ko ang pagngisi ng aking damdamin but I can't project it in my lips.
"Mornin' love..." His raspy voice whispered in my ears. I closed my eyes as I feel the peace that I never thought would come at this moment. Sana lagi nalang ganito.
"You okay?" Tanong niya sa akin nang marinig ang aking buntong hininga. Naalala ko nanaman ang nangyari. Slow but sure, the fragments of missing pieces are connecting as it shows itself. I am curious as to how nanay Lena took me from my misery.
Wala na bang pahinga ang utak at damdamin? The surge of unending sorrows reminded me but the person behind me managed to distract me from the darkness.
"Let's eat breakfast. You haven't eaten anything since yesterday." Tumango ako at bumangon na. Inayos ko rin ang pinaghigaan namin ni Perses at lumabas ng kwarto niya. Sinabi niyang maliligo muna siya kaya nauna akong lumabas.
Mula sa kabilang kwarto ay lumabas rin ang isang lalaki na pamilyar ang bulto. He was the one who shouted at me in the university and the one who nearly bumped his car to me. Nagyuko naman ako ng ulo dahil sa takot.
On the other side of my brain, I can't help but also adore the beauty of his face despite of the dark aura that he has. He looks familiar but my brain hurts when I try recalling from where I saw him. His familiar eyes were distracting me to the point that he resembles someone in my past.
"Morning Asteria." He smirked at me. Ibinaling ko naman ang aking mga mata sa buong kabahayan ni Perses dahil nakaramdam ako ng hindi maganda kapag ang lalaking nakangisi sa akin ay tinitignan ako.
Tumango ako bilang pagbati na rin sa kaniya. Dumiretso ako sa kusina. Umalis si Damien nang makita si Perses.
"Slerian needs urgent assistance Perses. Kailangan na mabilis rin tayong kumilos. You know we can't delay it. Some of them are already here in Manila." Saad nito bago umalis ng condo.
Bahagyang dumilim ang awra ni Perses dahil sa sinabi ng lalaki which I heard that its name is Damien. I heard him muttering curses as he shook his head. Pumunta siya sa kusina para magluto habang nakaupo ako sa mataas na upuan.
Hindi pa rin ako makagalaw ng maayos. My head somehow aches and I don't feel like moving. Para akong tinatamad. Pumunta ako sa kwarto para tignan ang cellphone. Nakita kong baha ito ng messages ni Cedrick.
Cedrick:
Hoy tangina ka ghorl, ano 'yong nakita ko? Gwapong papi ika'y binuhat!
Shuta! Nasaan ka? Okay ka lang ba?
Lagot ako sa Nanay mo!
Oh nvm nakausap na ako ni Maximus babe! Sayang nga lang di man lang ako nakapisil sa braso niya hihi >_
Napatawa naman ako nang bahagya sa mga texts niya. Lumabas ako at sinaluhan si Perses na kumain.
"We're going home today." Saad niya nang matapos kami. Tumango naman ako sa kaniya.
I wonder why that guy named Damien seems familiar to me. Kapag inaalala ko kasi, sumasakit lang ang ulo ko. Narinig ko lang ang pangalan na tinatawag siyang Damien ng isang lalaki bago ako mawalan ng malay.
Nakaimpake na ako at lahat. He drove our way to the airport. Hanggang ngayon hindi pa rin naaalis ang madilim niyang aura.
Walang mabakas na emosyon sa mga mata niyang paborito ko. May kinalaman ba ito sa sinabi ni Damien kanina?
Tumunog ang cellphone niya nang makababa kami sa airport. His jaw clenched as he answered the call. He signaled me to take the call and moved away from me.
Hindi ko marinig ang usapan nila kaya iginala ko nalang ang aking paningin sa airport habang nakatayo sa gilid. This is the place where people come and go. Kita ang iyakan ng isang pamilya sa gilid.
Natuon doon ang aking atensyon, buti pa sila, kahit iiwan na ng magulang, ramdam pa rin ang pagmamahal at hirap ng isang magulang. I wonder why my parents are never like that.
It hurts my heart as I remember that they were only giving me the affection for public reasons. A glimpse of my memory is hurting my mind but I don't want to stumble here.
'Please, mamaya na kayo magpakita, hindi pa ako handa.' Pakiusap ko sa sarili.
Pinunasan ng tatay ang luha niya bago kumalas sa asawa at anak. Binigyan niya ng halik ang mga anak niya bago ang asawa niya. They watched the man walking away from them. Parang nahihirapan pa itong umusad dahil sa ekspresyon ng pamilya niya.
I wonder how does it feel to have a complete family? Iyong tipo na walang sagabal. Papagalitan ka but that will serve as your lesson and guide in life. Iyong family picnics, family bonding? Kahit simpleng pamumuhay lang basta kompleto ang pamilya. I grew up only having a mother figure. Hindi naman sa hindi kuntento pero ano kaya ang pakiramdam?
How does it feel to be loved by a mother and a father completely and unconditional?
Nakarating na kami ng Valladolid. Hinatid ako ni Perses sa bahay, nag-aalanganin pa siyang iwan ako dahil baka mamaya ay magwala nanaman ako.
"Okay lang ako ano ba!" Nakangiti kong saad para mapanatag ang loob niya.
He looked at me gently before he sighed.
"I can't leave you, love..."
"Pauwi na rin naman si Nanay so okay lang! Salamat pala sa pag-aalaga." Masinsero kong wika habang nakatingin sa mga mata niya.
"Tatawag nalang ako kapag may nangyari sa akin, pramis!"
Sa huli ay pumayag naman ito at binigay sa akin ang aking bag.
Nakatulog naman ako nang mahimbing na ipinagpasalamat ko. Kinabukasan ay nabungaran ko si nanay na nagluluto.
She turned her head to look at me, and there I saw worry in her eyes. Mukhang sinabi ni Perses kay Nanay yang nangyari sa akin.
"Tutuloy ka pa ba sa Maynila anak?" Tanong niya nang makalapit sa akin.
Naupo ako sa mesa habang hinahanda niya ang pang-umagahan. Tumango ako sa kaniya nang tumagal ang tingin niya sa akin.
Bumuntong-hininga siya na para bang nahihirapan din siya sa sitwasyon ko. Ngumiti ako para mapagaan ang atmospera.
"Nay, syempre oo naman! Pangarap ko iyon eh!" Wika ko nang mapansing nakatitig lang sa akin si Nanay.
Nagkwentuhan kami ni nanay pagkatapos kumain. Sinabi niya na hindi daw muna siya babalik sa mansyon ng mga Victoriano dahil nag-alala raw siya sa akin.
Lumipas ang mga araw, hindi na muli ako nanaginip ng masama. Dahil kailangan kong bawiin ang mga nagastos ko sa Manila, naisipan kong magbenta ng samgak.
Pumunta muli ako sa Korean store sa may sentro para bumili ng mga seaweed wrapper. Maaliwalas ang mukha ng koreano na nagbebenta nang makita muli ako.
Nginitian ko ito at tinuro ang mga paninda na sausage. Tumawa naman ito at tumango.
Matapos kong bumili ng ingredients ay nagpahinga naman ako. Nag-vibrate ang aking cellphone nang makapasok sa bahay.
Perses:
Are you home?
Nagtipa naman ako ng mensahe sa kaniya dahil wala naman akong ginagawa. Hindi pa man ako nakakareply ay may kasunod na siyang reply.
Perses:
I'm outside.
Kumunot ang noo ko at bumangon sa kama para tignan ang labas. Nakita ko siya at tinitignan na siya ng mga tao. Napamura ako sa isip ko dahil baka may tsismis nanaman na lumabas dahil dito.
Nagtipa ako ng text sa kaniya.
Ako:
Hintayin mo nalang ako sa sasakyan mo! Baka laman na tayo ng tsismis niyan bukas!
Nag-ayos ako bago umalis ng bahay. Mukha namang sumunod siya sa sinabi ko dahil hindi ko na siya nakita sa labas ng bahay.
Iba kasi ang mga tao sa amin. Yes, most of them are good but they are still humans. Lahat naman tayo hindi maiiwasang bigyan ng malisya ang isang bagay. It happens and it's normal, but gossiping about a certain issue won't do us any good.
Sino nga bang nasa matinong mag-iisip kapag nakita na nila ang isang dalaga at isang lalaking makisig na magkasama? They would not think twice to give us malice because I'm of legal age. Hindi rin naman kasi nakikita ng mga tao ang pagiging malapit ko kay Perses kundi si Kuya Ajax lang.
I remember Gregor's confused eyes when he told me that his mother saw me and Perses alone.
Not that I am not proud of our relationship pero kasi ayoko na inaalam pa ng ibang tao kung ano siya sa buhay ko. It is peaceful when no one knows and just let the trusted ones to witness the relationship that we have.
Having a private life will always win in life.
Sa mga nakaraang araw, kasama ko si Perses na magbenta ng samgak umaga hanggang hapon sa kabilang bayan. Talagang sinusulit niya ang bakasyon niya kasama ako. Masaya naman dahil kaming dalawa ulit ang magkasama.
Lagi ko ring binibilhan ng pasalubong si Nanay bago ako ihatid ni Perses sa bahay. Natutuwa naman siya at masaya rin naman sa pakiramdam.
Nabawi ko na rin ang mga ginastos ko sa Manila. Next week ay magsisimula na ang klase at baka malimit na muli ang pagkikita naming ni Perses.
Sa kasalukuyan, nasa kwarto si Nanay at pinagmamasdan akong mag-impake ng mga damit ko. Kanina ko pa siya naririnig na sumisinghot.
Natatawa naman ako sa aking utak pero nahaluan iyon ng kalungkutan nang maisip na hindi ko na kasama si Nanay sa Manila. I will learn how to live independently. Nakakakaba pero kakayanin.
Wala nang maglalambing sa akin kapag naroon ako.
"Anak." Paos na wika ni Nanay.
Lumingon ako at nakitang namumula ang mata at ilong niya. Lumapit naman ako sa kaniya at yumakap.
"Nay, bakit ka umiiyak?" Wika ko ngunit pumiyok rin ang aking boses. Tumawa nalang ako para mapalis ang emosyong nararamdaman ko. I will miss nanay.
Even though I feel unlucky with my first family, I am glad to know that someone is there, the family I never knew I deserve after all the sorrow as a kid.
"Wala anak...Masaya lang ako dahil nagabayan kita at lumaki ka nang hindi nagtatanim ng galit kahit kanino." Malumanay niyang saad.
"Bilang nanay mo, hindi ako nagkamaling akuin ang pagiging magulang mo. Mahal na mahal kita anak." Dagdag niya at humalik sa aking noo.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
I may feel the hollow in my heart, nanay never fails to give me the love I think I deserve. May mga pagkakataon lang talaga na mapapaisip ka kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng tatay na strikto pagdating sa manliligaw ng anak. Si nanay Lena kasi masyadong malambot ang puso kaya madali kay Perses ang pagsuyo sa akin.
Well, nauna naman ang paglalandi niya sa akin bago iyon. He's not fair. Madaya siya.
"Proud na proud ako sa'yo anak. Mamimiss kita ng sobra. Wala nang kukulit sa akin kung paano magluto ng iba pang putahe." Wika niya na nagpahalakhak sa amin dalawa.
In a glimpse, I never felt that time was quickly running. Parang kahapon lang ay nasa Valladolid ako tapos ngayon nandito na ako sa unibersidad. It is the first day at nakakakaba dahil hindi ko na mahagilap si Cedrick. Magkaiba kasi ang building namin.
Pakiramdam ko mawawala ako kung hindi ko lang narinig ang babae na nasa harap ko na kapareha ko ng kurso.
"Ahm, miss..." Kalabit ko sa babae na nasa harap ko.
Humarap siya sa akin at tumaas ang kilay niya. Kinabahan naman ako sa kaniya dahil baka mukhang maldita ang babae.
"Accountancy rin ba ang course mo?" Tanong ko, napanguso ako nang tahimik pa rin siya.
Tumango lang ito at tinanguan ko rin ito.
'Goodness! Bakit ba ang socially awkward ko?'
"Sabay na tayo!" Wika ng babae na kasama niya. Mas magaan ang aura ng nagsabi 'non kesa sa pinagtanungan ko.
Tahimik naman ako na sumunod sa kanila. Hindi ko na iginala ang aking paningin dahil baka mawala nanaman ako at hindi sila masundan.
"Girl, excited na ako! Lovelife is waving na talaga!" Saad ng babae na sinusundan ko.
"You'll only be stuck with the freshmen Phraine, hindi pumapasok ang mga seniors every first day or week. According to my kuya." Wika ng babae na pinagtanungan ko.
Nagkibit balikat ako. I guess my first day isn't bad at all. I hope to make some friends in the upcoming days. I just hope so. Sa laki ng unibersidad, hindi imposibleng magkaroon ng kaibigan dito.