Kabanata 14

2219 Words
Graduation practice namin, sinabi sa akin ni Perses na may aasikasuhin ito sa Manila. "I'll be out for 3 days max. I called your number before but you shouted at me." Wika niya noong isang araw na magkasama kami bago pumunta sa school para sa graduation practice. Nagsalubong ang kilay ko, nandito kami sa may burol kung nasaan kami unang pumunta nila Perses at ibang mga kuya. "Anong number ba 'yon?" Tanong ko sa kaniya habang sumusubo ng brazo de mercedes. Nakaupo kami sa terasa ng maliit na bahay. Inilabas niya ang gamit niyang phone. Tinawagan niya ang numero at tumunog naman ang keypad kong cellphone. Nang tignan ko ang numero ay pamilyar sa akin ang tumawag noong nakaraang gabi. Nanlaki ang mga mata ko at napayuko ang ulo. "I-ikaw ba iyong nasigawan ko na a-akala ko s-scam?" Tanong ko habang hindi nag-aangat ng tingin. Kahit naman kasi kaunti lang ang mga numero sa keypad kong selpon, nakakalusot pa rin ang mga scammers na nagtetext, nako hilig ko pa man din magcall back kapag may load ang selpon ko. Tumango ito at marahan na tumawa. Napailing naman ako at sumubo pa ulit ng pagkain para takpan ang kahihiyang ginawa ko sa kaniya n'on. "Don't worry I'm not a scammer." Natatawang saad niya. Sa mga sumunod na araw na wala siya, nagpakabusy naman ako sa graduation practice. Ala una at nasa room pa kami. Hinihintay pa ang iba bago kami pumunta sa gymnasium. "Putang-ina! Sino nagtago ng selpon ko!" Saad ng isa kong kaklase. "Par di ako!" Wika ng isa. "Di ko rin alam, burara ka kasi!" Wika ng kaibigan niya. Napakamot ng ulo ang kaklase namin. "Hoy gago, mahuli ko lang sino nagtago non, sasampelan ko kung sino 'yon!" Pagbabanta niya sa amin. Napailing ako at tinignan ang selpon ko. Dalawa ang gamit ko, ang isa na binigay sa akin ni Kuya Eryx nang mag 18 ako ay pang-internet at ang keypad ay pangtext. Buhay pa rin ang keypad na gamit ko ngayon. "Asteria!" Hindi pa nakakapasok si Cedrick, rinig ko na mula sa kinauupuan ko ang matinis niyang tili. Pumasok siya ng room at pinasadahan ng tingin hanggang sa masalo ko ang tingin niya. Dumiretso siya agad sa akin nang naakapaskil ang excited niyang mga ngiti at ekspresyon sa mukha. Hinila niya ako palabas ng room hanggang sa makalampas kami sa mga ibang rooms at pasilyo. Malapit na kami sa principals' office. Mula rito, kita ang kumpulan ng mga estudyante na hula ko ay mga nakasabayan namin na nag-exam. "Excuse me dadaan ang mga dyosa!" Saad niya sa malambot na boses. "Nu ba 'yan Ced!" "Hoy bakit niyo pinapasingit 'yan!" Wika ng isang maldita na nakasagutan ni Ced noong grade 11 na taga HUMSS. "Oh bakit nakapasa ka?" Saad naman ni Cedrick sa nagsalita. Nagsalubong ang kilay ng babae at umirap. Hinayaan naman ito ni Cedrick at humarap sa akin. "Lumabas na kasi results ng exam! Shet sana pasado tayo!" Kinakabahan ako habang tinitignan ang results na nakapaskil sa bulletin board na tabi ng principals' office. Even though I really want it, if I didn't see my name then it's not for me. "Camacho...Carazzo...Cejia...Celeste...Celeste..." Basa ko sa mga pangalan. "Celeste, Jaime...Celeste, Asteria." Nanlaki ang aking mga mata. Because of excitement, naitulak ko si Cedrick. Siksikan na rin kasi dito sa pwesto dahil sa dami ng estudyante. "Ano ba!" Bulyaw ni Cedrick. Kumunot ang kaniyang noo habang nagbabasa at hinahanap ang pangalan niya. "Hoy, pasado ka rin!" Saad ko sa kaniya. From his furrowed brows and anxious expression, excitement was evident in his eyes. "Oh my! Seryoso?" Hinila ko siya paalis doon sa lugar dahil lumabas ang isa sa mga tao sa office. "Ang iingay niyo ano ba! Grade 12 students dumiretso na kayo sa gymnasium. You can look at the results later." Seryosong pahayag ng babae at pinanlakihan pa kami ng mga mata. Tumambay siya sa labas ng office at hinintay na makaalis kaming lahat doon. Napakastrikto ng mukha nito, ang dami pang arte. "Arte naman ni miss, eh hindi nga niya pinasign agad kay principal ung forms natin for exam eh. Hmp!" Bulong sa akin ni Cedrick nang makaalis kami doon. "True! Pabayaan nalang natin, hindi naman na natin makikita eh!" Saad ko sa kaniya. Habang naglalakad kami, ang dami naming pinag-usapan. "Magkakalovelife na ako neto sa Manila. Oh mee!" Excited niyang pahayag. "Pati pala ikaw, magkakajowa ka na rin. Mga mukhang ganiyan, hilig patulan doon." Dagdag pa niya. Umiling naman ako sa kaniya at napatawa na rin. "Gagi, anong patulan. Ba't papatol ba ako?" "Wag kang kj, college naman na tapos 18 na tayo! Pwede na mag bar!" Ani niya. "Ikaw lang, huwag na ako. I want to finish my studies without any distractions, bow" Saka ako yumuko. Napatawa kaming dalawa at tumahimik nang makapasok kami ng gym. I feel motivated to practice because of the results. Pasado rin pati ang scholarship ko. Ah! What a day! All throughout the 3-hour practice, I was smiling. Hanggang sa matapos ang unang araw ng practice. "Oh, kumusta 'yung results?" Tanong ni Gregor nang makasakay kami ni Cedrick sa tricycle. "B, nakapasa kami share ko lang. Makakahanap na rin kami ng boylet ni Ria!" Masayang saad ni Cedrick. Umiling naman si Gregor at ibinaling ang tingin sa akin. "Congrats..." Nginitian ko siya at naghayag ng salamat. Mauunang bababa si Cedrick dahil sa highway ang kanilang bahay at mahuhuli naman si Gregor dahil dulo pa sila ng kanto. "Mga kaibigan, dito na ako! Hanggang sa muli!" Madramang saad ni Cedrick habang kumaway at yumuko sa huling sinabi. Nagmukha tuloy siyang servant namin ni Gregor. Tumawa kaming dalawa sa turan ni Cedrick. "Alis na munting kabayo, magsaing ka na ng kanin dahil malapit na ang paguwi mula sa sabong ang tatay mo." Wika ko habang umaandar ang tricycle. Nang ako naman ang sumunod na bumaba, kumaway ako kay Gregor. Pumasok ako ng bahay, wala si nanay dahil magaling na ito at nasa mansion ulit. Naglinis ako ng sala at nagluto ng kakainin ko para sa panggabi. Nakapagpalit na ako ng damit ko nang tumunog ang aking selpon na keypad, hudyat na may tumatawag. Lumabas ang pamilyar na pangalan sa aking selpon. Idinikit ko ito sa aking tenga at sinagot. "Hello?" "Ria." Mababa ang boses ang aking narining mula sa kabilang linya. The voice that my system recognizes. "May balita ako!" Excited na saad ko sa kaniya. Hindi ko mapigilian ang nararamdaman ko sapagkat bumalik ulit ang pagkahyper ko nang makausap ko siya. "I passed the exams!" Ani ko sabay tili. I heard him congratulating me from the other side of the line. "I'm proud of you, love." Marahan niyang wika. I can feel him delighting in joy with me even though distance hindrances us to be together. "Enrollment nalang for college kulang! Well, hindi ka pa naman babalik sa trabaho mo diba? Kasama pa rin kita ng kalahati ng 1st sem ko." "Yeah, I'll still be here." His husky voice from the phone made my heart flutter. Boses pa lang kasi niya pamatay na para sa akin. Is this how you love someone? Almost appreciating everything and every small detail is also observed? If it does, then how detailed my love is for him. "I miss you..." Pabulong kong wika sa kaniya. Kahit naman kami na, I am still adjusting myself. Words of intimacy are still on the process. For years, I look at him as my brother, upgraded na nga lang ngayon. He chuckled and his deep growls embraced my whole presence. "It's the first, love...I am missing you too as well." Heaving a sigh through the phone, I feel like he also breathed through me. Natawa ako sa isipan kong iyon. Masyado yata akong clingy. Never have I imagined that I'll be his girl. Feeling ko kasi sila iyong mga hindi dapat pinapangarap. "Anong ginagawa mo ngayon?" Tanong ko nang niloud speaker ko ang keypad at naghiwa ng bawang. "Currently reviewing some reports. Company and work." Saad niya. "I want to see you...I'll load your other phone so you can use it for video calling." Tumikhim siya at nagtipa mula sa kabilang linya. Binuksan ko ang selpon na isa. Mabilis pumasok ang text na ako ay may sapat na load. Niregister ko ito, saktong nagring din at ang mukha ni Perses ang nasa screen. "How's your day?" Tanong niya. Nakita kong nakaupo ito sa swivel chair at mukhang nasa opisina ito o baka kwarto na nito? "Nakangiti lang ako buong practice dahil sa results. Wala si nanay dahil nasa mansyon." Wika ko. HIs 5 o'clock shadow was showing on my screen. Lazy eyes of him made me feel his tiredness yet he can still manage a smile in front of me as if he found his source of strength. "Ikaw? How's your day?" Saad ko habang hinihintay ang aking niluluto. Nakaupo ako dito sa may sala. Tahimik na ang gabi dahil alas siete pa lang, tulog na halos ang tao dito.  "Tiring but regained my energy when I called you." Wika niya. Mas lalong naging paos ang kaniyang boses marahil dahil sa pagod. "Didn't know that the Senior Victoriano had some unopened business. Marami pa siyang iniwan na mga negosyo na sarado ngayon but still moving in the market." Mahabang litanya niya at bumuntong hininga.  Hindi naman ako maalam sa negosyo kaya kahit hindi ko maintindihan, tumango nalang ako. "Kumain ka na ba?" Tinignan niya ako nang diretso at umiling. Napanguso ako sa turan niya, ramdam ko rin ang pagsalubong ng kilay niya.  "Huwag mong sabihin na hindi ka pa kumakain simula nang magtrabaho ka?" Tumaas ang kilay ko sa kaniya.  We should never neglect our health no matter what. He smirked at my reaction. "I ate a while ago, I'll eat dinner with you. I'm just waiting for my food." "Kakain na rin ako, bukas nalang tayo mag-usap ulit or gusto mo samahan mo rin ako sa pagtulog ko? Kasi matutulog na rin ako pagkatapos." I flashed a mischievous smirk. He muttered a curse from the other line. Ibinaling niya sa kabilang direksyon ang ulo niya at umigting ang panga niya. Tinignan niya muli ako bago tumango. "Okay then. We'll talk tomorrow love." Saad niya na seryoso ang mukha.  Ngumiti ako sa kaniya. "Kakain na rin ako! Babye!" Nagflying kiss ako sa screen bago inend ang tawag. Ibinaba ko ang selpon at kumain. Nagtipa ako ng text kay nanay. 'Nay, may ibabalita ako kapag nakauwi na kayo.' Kumain ako mag-isa at natulog na rin pagkatapos.  Ang mga sumunod na araw na wala si Perses ay tumagal. Last day of graduation practice at wala pa rin siya sa probinsya. Though we called each other pero tatlong beses pa lang. Pinadalhan ko rin siya ng mga mensahe sa mga sumunod na araw ngunit walang reply. Natataranta ako kasi wala akong balita sa kaniya.  Tinanong ko minsan si kuya Ajax nang nakasalubong ko siya.  "Kuya, may balita ba kay Perses?" Tanong ko nang makita siya sa labas ng bio lab. Kumunot ang noo niya sa akin.  "Hindi ba kayo nag-uusap?"  "Kuya, hindi ko kasi makontak eh. Ilang araw na rin at last day na ngayon ng practice." Wika ko habang napaisip naman siya. Tinawagan niya ang selpon at hindi wala ring sumasagot. Nakailang ring din at wala talaga. Kinabahan ako dahil baka kung ano ang nangyari na sa kaniya. Iba na kasi ngayon, I care for him as my lover and a partner kaya hindi ko maiwasan ang mga negatibong namumuo sa isipan ko. Ginulo ni kuya Ajax ang buhok ko at nginitian. "Maybe he's way too busy ba- I mean Ria." Tumaas ang kilay ko. Hindi naman ako obobs, ang huling tawagan namin ay sa trabaho lang siya busy. "Busy to the point na hindi natin matawagan?" Mataray na sagot ko.  Tumawa siya at umiling naman ako. "Ria, you have to understand kuya." "Epal... Sabihin mo sa kaniya, sasampelan ko siya pag nakita ko lang siya." Wika ko at umalis sa harapan niya. I can't help but be immature instead. Dahil na rin siguro sa mga naiisip ko kaya ganito. Bumuntong hininga ako, ang hirap naman magkajowa ng maraming responsibilidad. Isang araw bago ang graduation, ibinalita ko kay nanay ang pagkapasa ko ng exam at scholarship sa sikat na unibersidad.  "Nay! Nakapasa ako!" Balita ko nang naabutan ko siya sa bahay. Nagluluto siya ng biko at galing akong sentro para bumili ng mga kakailanganin para sa maliit na handaan na magaganap bukas.  Hindi ko na rin tinext si Perses. Bahala siya sa buhay niya kung mambabae siya doon.  Nakitaan ko ng kaluwagan ang mukha ni nanay. "Salamat sa Diyos!" Saad niya at niyakap ako. "Ang galing galing talaga ng dalaga ko!" Pinupog niya ako ng halik sa mukha na parang bagong silang na sanggol. Napatawa naman ako dahil namiss ko rin si nanay. "Nay, talaga...Siyempre mana sa nanay!" "Basta anak, nandito lang ang nanay, laging sumusuporta sa'yo." Nakangiting pahayag ni nanay. Niyakap ko siya muli at tinulungan siya sa paghahanda ng mesa dahil sa niluto niyang biko pangmeryenda namin.  She was so happy when I told her the news. Nanay kept on thanking Him all the time. I bonded with her while I am still here. We wouldn't know how long our moments like these will last, all I know is that time is ticking so enjoy every single thing. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD