Bumalik na sila sa bahay ng asawa at kita niya ang saya sa mukha ng dalawang kaibigan. “Sabi na eh,” wika ni Angela at kaagad na pinaghanda sila pagkapasok ng bahay. “Ramdam ko na naman ang nakakasilaw na liwanag ng paligid. Salamat Lord,” saad naman ni Pharsa. Umalis na kanina pa si Iker at may importante raw itong gagawin sa opisina niya. “Naku!” Napalingon siya kay Angela. “Bakit? Ano ang nangyari?” usisa niya rito. “Naiwan ni, senyorito ang folder niya rito. Mukhang liquidation report yata ‘to,” sagot nito. Kinuha naman niya iyon. “Ako na ang bahala. Ihahatid ko na lang ‘to sa opisina niya,” sambit niya. “Sige, mabuti pa nga. Nasa labas si Argus,” wika ni Pharsa. Tumango naman siya at nagbihis na muna saka inayos ang sarili kahit papaano. Nakasuot lang kasi siya ng tight jea

