“What are you doing here?” Sabay na napalingon ang dalawang babae nang marinig ang boses na ‘yon. “Gael,” ani Georgina at kaagad na tumayo at inayos ang kaniyang sarili. Hindi alintana ang hitsura niyang tila sinampal ng bagyo. Dinaanan lang ito ni Iker at nilapitan ang asawa. “Are you okay?” nag-aalalang tanong nito. Hindi naman makapaniwala si Georgina at natawa na lamang nang pagak sa nakita. “Hello? Can’t you see? Ako nga ‘tong kawawa oh? Ako ang nabugbog,” sabat ni Georgina. Tiningnan lamang ito ni Iker at kita ang disgusto sa mata nito. “Ano na naman ang kailangan mo? How many times do I have to tell you to get out of my sight? Ano pa ba ang gusto mo?” galit nitogn wika. Napalunok naman si Kristina. Nanlilisik lang naman ang mata ni Iker. “Let me explain, Gael,” pagmamakaaw

