"Anong oras nga ang alis mo bukas? Alas kwatro?" Malawak na ngiti at masiglang tango. "Magpatulong ka sa Mama mo na maghanda ng mga kakailanganin mo gaya ng pagkain. Isa sa mga sikreto para hindi ka iwan ng kasintahan mo ay ang huwag mo itong gugutumin, ha?"
"Kasintahan? May boy- I mean, girlfriend ka?" Nanlalaki ang mga mata ni Kuya nang harapin niya ako. Umalingawngaw ang ingay ng mga kubyertos na bigla niyang nabitawan.
Oo na, alam kong nakakagulat ang sinabi ni Papa pero hindi naman kasi totoo iyon! Hindi ko sigurado kung tatanguan ko ba ang kapatid gayong alam ko namang hindi siya maniniwala kaya naman nang tumawa si Papa, hindi ko alam kung makakaramdam ba ako ng ginhawa o lalong kakabahan.
"Oo, binaggit niya sa akin kanina kaso, hindi pa raw handang magpunta rito at magpakilala. May date nga sila sa mount samat ngayong sabado."
Bakas na bakas sa mukha ng tatay ko ang kasiyahan habang ako rito, gusto ng magpakain sa lupa sa sobrang kahihiyan at pagsisisi dahil sa pagsisinungaling.
Hindi inalis sa akin ni Kuya ang tingin niyang nagtatanong at tila nagmamakaawa na sabihin ko ang totoo. "Seryoso ka?"
"You look so shocked, Kuya. It's normal for him to have a girlfriend. He's old enough."
Nagpatuloy ang pag uusap nila patungkol sa 'girlfriend' ko kuno sa harapan ko pa mismo. Hindi ako makasingit lalo na kay Papa at Kelly na kulang na lang ay mag-away dahil salungat sila ng gusto.
"No, Kuya is allowed to have whether a girlfriend or boyfriend depending on his preferences, Pa. Stop controlling people, please." Nanlaki ang mga mata ko at walang ibang maririnig kundi mga kuliglig sa labas nang biglang irapan ni Kelly si Papa. Maging si Papa na nagiging halimaw tuwing galit ay natulala sa ginawa ng nakababatang kapatid ko.
"Kelly..." rinig na rinig sa boses ni Kuya ang pagbabanta at nang lingunin siya ng kapatid namin, marahan niya itong inilingan, senyales na pinapahinto na niya ito sa kung ano pa ang balak niyang sabihin.
"What? You'll make me stop expressing myself now? Oh, stop this nonsense! Kuya Ronaldo is not hapoy anymore because Papa keeps on manipulating him. What's wrong if he's gay?"
Dahil doon, isang linggong grounded ang kapatid ko. Pinagbawalan din siyang nakipag-usap sa akin kaya kahit gustuhin ko mang puntahan at i-comfort siya, hindi pwede lalo na't bantay sarado kami ni Papa.
Akala ko nga ay hindi na naman niya ako papayagang lumabas ngunit mabuti na lang, hindi nangyari iyon. "I'll get you some pasalubong. What do you want?" Pasimpleng bulong ko sa kapatid nang pareho kaming nanonood ng movie sa sala gabi bago ang alis ko papuntang Mount Samat.
Umiling lang siya nang hindi inaalis ang tingin sa TV at wala man lang ipinakitang reaksiyon kaya hinayaan ko na rin. Kung pipilitin ko pa siya, baka makita lang ni Papa na nag-uusap kami at baka pareho pa kaming malagot pag nagkataon. Iniwan ko siya at umakyat na lang ako sa kwarto dahil kailangan kong matulog ng maaga.
"I'm not okay... I'm not okay, I'm not okay...You wear me out..." This song became my favorite song since Kuya played this in his room. Akala ko ay magagawa kong kalimutan ang kantang ito ngunit walang nangyari, sis. Jusko gigil na gigil pa naman din ako kay Kuya tapos ang ending, magiging favorite ko pa pala ito.
Saktong alas kwatro ng madaling araw nang tumunog ang alarm clock ko kasabay ng biglaang pagkatok ng kung sino mang lapastangan na may lakas ng loob na gumising sa akin. Charoar sabi ng dinosaur.
Nakapikit ang isang magandang mata ko nang piliting tumayo ang sarili at maligo kahit na parang yelo sa antartica sa lamig ang tubig. Sigaw ako ng sigaw kasabay ng bawat buhos at halos madaliin ko na ang pagsadabon at shampoo dahil ramdam ko ang paninigas ng katawan ko sa tuwing nagbubuhos ako ng tubig.
"The cold never bothered me anyway..." panggagaya ko sa favorite princess ni Kelly noon.
Bitbit ang backpack na may lamang extra'ng damit at towels ay nanlalamig kong tinahak ang hagdanan namin pababa. Hindi ko lubos akaalin na ganito kalamig tuwing madaling araw dahil kung normal na araw lang 'to, siguradong tulo laway pa ako habang masarap ang higa sa malambot kong kama.
"Mag-almusal ka na muna bago umalis. Ito ang baon mong pagkain at ang para sa girlfriend mo... totoo bang may girlfriend ka na?"
Nabitin sa ere ang pagkagat ko sana sa pancake. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Mama ang totoo o magsisinungaling din gaya ng ginagawa ko kay Papa? Alam ko at sigurado akong gaya ni Papa, hindi rin matanggap ni Mama na bakla ako ngunit siguradong-sigurado ako na hindi gaya ni Papa, mas malawak naman ang pang-unawa ni Mama.
"Uhh..."
Wala pa man akong nasasabi ay tumango at nagsalita na ulit si Mama. "Hindi totoo. Naiintindihan ko kung bakit mo sinabi sa Papa mo na may girlfriend ka at kung bakit pinipilit mong magpakalalaki ngunit ito lang ang tatandaan mo, Ronaldo. Masamang magsinungaling kaya sana, mapag-isip-isip mo na magsabi ng totoo sa Papa mo balang araw."
Ang akala kong maayos na pamamasyal mag-isa sa Mount Samat ay hindi nangyari. Ang mga salitang binitawan ni Mama ay namutawi sa isipan ko buong oras na bumabyahe ako patungo sa nasabing bundok.
Gusto niyang aminin ko kay Papa ang lahat at anong mangyayari kung gagawin ko iyon? Balik sa dati na ang ipinapaalmusal sa akin ay gulpi tanghalian ay bugbog, miryenda at hapunan na pinaghalo-halong mura, lait at pambubugbog? No, thank you. I'd rather lie kaysa bumalik ako sa ganoong situation.
I'm at the verge of crying habang hirap na naglalakad paakyat sa bundok. Kadarating ko lang halos at imbes na sumakay sa sasakyan, mas pinili ko na lang na maglakad paakyat.
Ang malamig na hangin at ang nakakapagod na pagakyat ay nakakatulong para ma-divert ang atensiyon ko. Hangga't maaari ay pinipilit kong kalimutan ang mga problemang mayroon ako dahil nagpunta ako rito para mag-relax at hindi para ma-stress. Ano 'yun? Aakyat akong bundok para lang isipin lalo ang mga problema ko?
"Pagod na ako!" Naeeskandalo kong tinignan ang babaeng nangunguna sa akin nang bigla na lang itong umupo sa sementadong daan at bahagyang sumigaw kasunod ang pag-ungol.
Required ba na umungol tuwing nagrereklamong pagod na? Ma-try nga. Tumikhim ako at bahagyang umungol ng napskahina, 'yung tipong ako lang ang nakakarinig. Medyo kadiri at agad kong pinagsisihan na ginawa ko iyon.
Tumakbo ako at mabilis na nilagpasan ang bawat taong nangunguna sa akin kanina. Lahat sila ay mababagal ang lakad at ang ilan ay napapahinto dahil sa pagkuha ng litrato ngunit ako? Nawala na sa isip ko ang kumuha pa ng litrato.
Pakiramdam ko ay nasa isang paraiso ako habang dinadama ang malamig at malakas na hanging dumadampi sa pawisan ko ng balat at ang mga nakapaligid na puno ay sadyang nakaka-relax.
Isang kotse ang mabagal na sumasabay sa mga tao sa pagakyat ang nagpapatugtog ng kanta ni Ne-Yo na Miss Independent ang umagaw sa atensyon ko. Kapansin-pansin na halos lahat ng taong malapit dito ay napapasayaw at napapasabay sa nasabing kanta. Maging ako ay hindi maiwasang hindi sabayan ang kanta.
She got her own thing
That's why I love her
Miss Independent
Won't you come and spend a little time?
She got her own thing
That's why I love her
Miss Independent
Ooh the way we shine, Miss Independent, yeah...
"Oh, yeah!" Ipinalad ko ang dalawang kamay ko at taas noong lumakad at ginaway isang napakalaking runway ang kalsada. Naghiyawan ang iilang nakakita ngunit hindi ko sila ininda.
This is my time and mine only kaya gagawin ko ang lahat ng gusto ko. Umikot ako gaya ng kung paano umikota ang mga beauty queen na nakikita ko habang pinapakinggan at dinadama ang lyrics ng kanta.
Ilang minuto ko ring ginawang malaki at mahabang runway ang kalsada bagi nagpasyang huminto na. Hingal na hingala ko at akmang uupo na sa sahig nang mapansin ko ang isang pamilyar na gwapong lalaki sa hindi kalayuan.
Niliitan ko ang mata ko na animo'y magiging way iyon para luminaw ang paningin ko at makilala ang lalaki. Nakausot ito ng kulay itim na t-shirt na tinernohan niya ng pantalon at rubber shoes habang ang kaharap niyang babae ay naka-dress na itim.
"Baka hindi siya? May kasamang babae pero wala namang girlfriend si Paolo..." bulong ko sa sarili habang hindi inaalis ang tingin sa dalawa.
Nanlaki ang mga mata ko nang pagharap ng nakatagilid na lalaki ay nakumpirma kong si bebe Paolo ko nga iyon! Hawak niya ang kamay ng kasamang babae na hindi naman ganoon kagandahan. Mas maganda pa rin ako, syempre. At sino ha namang tao ang magde-dress habang umaakyat sa bundok?
Ang kaninang masaya at malaya kong pag-akyat ay napalitan ng simabgot at kabwisitan. Imbes na hayaan sila ay hindi ko napigilan ang sarili kaya ngayon, heto ako, nasa elevator paakyat sa tuktok ng malaking cross. Nanginginig ang paa at kamay ko ngunit wala na akong magagawa. Nakasakay na ako, eh kaya kahit halos bumaligtad na ang sikmura ko sa hilong nararamdaman ay wala akong magawa at hindi ako makaatras. Bakit ba kasi umakyat sina Paolo rito? Pwede namang sila sa museum sa ibaba. Kasaar.
Pagbaba ko ng elevator ay hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil nandoon lang naman sila sa bungad. Mukhang natatagalan sila sa paglalakad dahil sa pagkuha ng mga litrato.
Mabilis akong kumaway at ngumiti ng bahagya nang mapalingon sa akin si Paolo. "Uy, ikaw kang mag-isa?" Oo kasi ikaw may ka-date kaya hindi kita masama. Charoar. Hindi ako nagsalita ngunit sinagot ko siya sa pamamagitan ng pagtango.
"Baby, I wanna pee..." todo pigil ako sa pagtawa nang biglang magsalita ang girlfriend ni Paolo. Pilit niyang pinapabata at pinapaawa ang boses niya na hindi naman cute ang kinalabasan kundi nakakadiri at nakakairita. "Pwede samahan mo ako?"
Kadiri leche. Hindi ba marunong magsalita ng diretso at hindi pa-cute ito? Nag-aalalang nilingon ni Paolo ang dalawang backpack na nakalapag sa gulid nila. "Paano mga gamit natin?"
"Pwedeng siya na lang muna mag bantay? Friend naman kayo, hindi ba?" Nagulat ako nang bigla niya akong ituro. Aba, hindi lang pala pabebe ito kundi makapal din ang mukha. Tanggihan mo, Ronaldo. Kahit anong mangyari huwag kang papayag na magbantay ng bag ng may bag, naku sinasabi ko sayo, Ronaldo.
"Uh, ayos lang ba, Ron? Saglit lang kami..."
Nginitian ko si Paolo at walang alinlangang tumango. "Sure, sure." Tang*na, Ronaldo marupok!
As soon as narinig nila ang pagpayag ko ay hinatak na agad ng babae si Paolo palayo. Atat umihi, girl? 'Di makatiis ang pantog? Jusko. Umupo ako sa gilid at tinitigan ang dalawang bag. Alin kaya ang kay Paolo rito?
Ilang minuto rin ang itinagal nila bago makabalik. Napaisip tuloy ako kung gaano karami ang iniihi ng babae at inabit silang ilang minuto. "Salamat..." hindi mawala-wala ang ngiti ko nang kausapin ako ni bebe Paolo.
Akmang aalis na sana ako para makapagtingin-tingin naman sa paligid kahit na nakakalula nang bigla akong hatakin ng babae. "Nawawala hikaw ko. Ninakaw mo, ano?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Sa ganda kong ito, sis? Aakusahan mo aking magnanakaw?"