Chapter 17

1528 Words
"For all the dirty looks. The photographs your boyfriend took. Remember when you broke your foot from jumping out the second floor?" Masamang tingin ang ipinukol ko kay Kuya na walang kamalay-malay na kumakanta habang nasa hapag. Nakataas pa ang kaliwang upuan niya at abala sa pagtingin sa cellphone habang may kagat na sandwich. "For all the dirty looks. The photographs your boyfriend took. Remember when you broke your foot from jumping out the second floor?" Bumuntong hininga ako at todo pigil sa sarili para lang huwag siyang batuhin ng unan. "What happened to Kuya Donald?" Pareho naming pinanood ni Kelly ang nakatatandang kapatid namin na paulit-ulit na kinakanta ang kung ano mang kanta 'yan. Iisang part lang naman ang alam at 'yung part pa talaga na pakiramdam ko, pinapatama niya sa akin. "For all the dirty looks. The photographs your-" "...your boyfriend took. Remember when you broke your foot from jumping out the second floor?" Sabay na pagkanta namin ni Kelly habang hindi inaalis ang titig kay Kuya. Gulantang siyang napalingon sa gawi namin. "Ayos ka lang? Pinapatamaan mo ba ako sa pamamagitan ng pagkanta mo niyan?" Taas kilay kong usal. "G*go ka? Pake ko kung tumalon ka sa second floor." Ngumisi ako at lumapit. Nakikuha na rin ako sa tinapay na kinakain niya dahil mukhang masarap. "Isang linggo na nakakalipas, Kuya pero hindi ko pa rin makalimutan 'yung mga sinabi mo. Ano nga ba 'yun?" Umakto akong nag-iisip. "Ah, Sinabi ko naman sa iyo na manahimik ka lang sa kwarto mo, hindi kita isusumbong kay Papa kaso tanga ka at tinalon mo pa ang bintana mo? Hindi ka ba napilay?" Ginaya ko ang tono niya kung paano niyang sinabi ang mga linyang iyon noong gabing nagtangka akong tumakas. Nanlaki ang mga mata niya ngunit agad ding napalitan ng pagkainis. Mabilis akong tumakbo palayo nang damputin niya ang baso ng juice niya at akmang ihahagis iyon sa akin. "You know you shouldn't do that, right? That's rude." Masungit na usal ni Kelly. "It's not rude. It's called pang-aasar, duh." I flipped my invisible hair saka siya maarteng tinalikuran ngunit agad ding nagsisi nang pagikot ko, mukha ng tatay kong masama na naman ang tingin ang bumungad sa akin. "Duh, ang arte-arte mong bata! Magpakalalaki ka nga! Ay, babae ka pala kaya ayos lang na maarte ka." Tumawa pa ako na animo'y sobrang nakakatawa ang sinabi ko kahit na halos lumundag na ang puso ko sa sobrang kaba. "Pa, si Kelly, sinabihan kong magpakalalaki pero naalala ko, babae pala siya. Sige po, akyat na ako sa kwarto ko." Itinuloy ko ang pagtawa ng peke na parang isang tanga hanggang sa tuluyan ko ng maisara ang pintuan ng kwarto ko. Tang*na, Ronaldo, kailan ka pa natutong maging tanga? Sh*ta! "Kadiri, kadiri, kadiri!" Pinagpagan at pinilig-pilig ko pa ang buong katawan ko dahil pakiramdam ko, may kung anong germs ang kumakapit sa katawan ko tuwing nagpapakalalaki. Iww! Ang ganda-ganda ko tapos ang boses ko, parang tunog ng barko, kaasar. Mabilis kong hinatak ang alcohol na nakapatong sa study table ko at in-spray-an ang buong katawan ko. Para akong kiti-kiti na pilit na ginagalaw-galaw ang katawan at sinusubukang pagpagan ang kung anong germs ang kumapit sa katawan ko. "Kadiri talaga, leche. Ronald, ang ganda mong tao pero boses barako ka." Bulong ko pa sa sarili. Hawak ang cellphone ay patalon akong nahiga sa kama at nagsimula agad sa pagpapalipas ng oras sa pamamagitan ng pagtingin sa social media. Kinailangan ko pang i-private ang mga account ko at kailan ma'y hindi na na-public dahil sa takot na makita ni Papa kung ano-ano ang pinagpo-post ko rito. Baka mamaya mahimatay siya sa galit kung makita niya ang anak niya na nakasuot ng eight inches heels at kulay asul na backless dress with matching baby pink lipstick. "I'm not okay, I'm not okay, I'm not okay. You wear me out..." gigil na gigil ako sa Kuya ko dahil hindi na nawala ang kantang iyan sa utak ko. Kahit na naglalakad na ako papunta sa room namin ay iyon pa rin ang kinakanta ko, kainis. "Alam mo pala ang kantang iyan?" Inilingan ko lang si John na siyang nakasabay ko sa paglalakad. "Eh bakit kanina mo pa kinakanta?" "Na LSS ako dahil sa Kuya ko. Kagabi ay iyan ang paulit-ulit niyang pinapatugtog, nakakainis." Tumawa siya kahit na wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Sana ayos lang siya. Charoar. "Maganda naman iyan, ah? Kanta 'yan ng My Chemical Romance at iyan ang pinakapaborito ko sa lahat ng kanta nila. I'm not alone ang title niyan na nauna kong narinig noong elementary ako at agad na nagustuhan ang lyrics..." Gusto ko sanang putulin ang pagsasalita ni John kaso, nang makita ko ang mukha niya na seryosong-seryoso sa pagkukwento, hindi ko magawa. Mabuti na lang nga at napigilan ko ang pagsasabi ng 'walang nagtanong' kundi baka mapahiya siya at ayoko iyon. Sa umagang iyon namin ginawa ang activity na ibinilin ng science teacher namin noong isang linggo. Matagal na dapat itong tapos pero dahil masyado yatang busy ang teacher, palagi na lang namo-move. Akala ko nga ay hindi na ito tuloy kaya laking gulat ko nang nagkukumahog na naghanap ng kape ang kaklase ko. Mabuti na lang, 'di ako nag presinta na magdala ng kape kung hindi, baka nagkumahog din ako kakahanap kanina. "Ronaldo, ang kape ang titigan at hindi kaklase..." ramdam ko ang biglaang pamumula ng pisngi ko nang punahin ako ng teacher. "Crush mo ba si John?" Iww. Itong teacher namin, may pagka-chismosa rin yata pero 'di bale, minsan lang naman at maayos naman ang pagkakatanong niya. Isa pa, paboritong teacher ko rin siya at medyo close dahil nakakachikahan ko sjya sa hallway minsan. "Ma'am naman, napatingin lang sa mukha ni John, crush na agad? Siya po kasi ang nakikita ko tuwing tinitignan ko 'yang baso dahil siya ang katapat nito!" Kaso, hindi iyon tinanggap ng mga kaklase ko at nagsimula na silang tuksuhin ako. Ngingiti-ngiti akong binalingan ni Liana at ni John at alam kong alam nila na naiinis na ako. Tumigil lang ang mga kaklase ko nang sawayin na sila ng teacher. "Grade seven ka na, hindi ba?" See? Ang tatay ko, hindi alam kung anong grade na ako. Nice! Damang-dama ko kung gaano kalaki ang pagmamahal nila sa akin. Mahinahon kong ibinaba ang kubyertos kahit na gigil na gigil na ako kay Papa. "Mag ge-grade eight na po, ilang linggo na lang." What I promised weeks ago is one of the things that I truly, madly, deeply regret. Ang hirap-hirap at nakakadiring magpanggap na isang taong hindi naman ako! Ang hirap magpanggap kung sobrang labag sa loob ko kaso, kinailangan kong gawin iyon para lang mailigtas si Mama dahil ayokong saktan siya ni Papa ng dahil sa akin. "Oh? May girlfriend ka na ba? Noong kasing edad mo ako, nakadalawa o tatlong girlfriend na yata ako, kung hindi ako nagkakamali." "Rony..." banayad na usal ni Mama. Sinulyapan niya ako kaya naman nginitian ko siya ngunit agad niyang iniiwas ang tingin niya ng hindi man lang sinusuklian ang ngiti ko. Naibaling ko ng wala sa oras ang tingin ko sa bunsong kapatid na nakatitig pala sa akin at nang mapansin ang tingin ko, agad niya akong nginitian ng napakalawak. "Bakit? Lalaki siya at dapat lang na mag girlfriend siya. Ang Kuya mo, may girlfriend ngayon, hindi ba?" Tumango lang si Kuya. "Gusto kong dapat ay may maipakilala ka ng girlfriend sa akin, Ronaldo para maniwala na talaga akong lalaki ka." Hindi ko na talaga alam kung paano ko napipigilan ang sarili na irapan si Papa. Ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko sa kaniya. Lahat na lang ng bagay, ipinipilit. Lahat na lang ng sasabihin niya, kailangang masunod. Paano na lang ang mga gusto namin? Hindi ba niya naiisip iyon? Kinabukasan ay nagpaalam ako na magpupunta sana kina Liana ngunit parang isang dalaga, hindi ako pinayagan. Ang ending, nag tawagan na lang kami ng kaibigan na sa school ko na lang nakikita. Nami-miss ko na ang pagmomovie marathon namin nina Ate Kristine at ang mukha ng bebe Paolo ko. Ang tagal na noong huling kita ko kay Paolo at nami-miss ko na ang kagwapuhan niya. Charoar. Ang lande, Ronaldo. "Hindi ko na rin gaanong nakakausap si Paolo, eh. Sure ka? Crush mo talaga siya?" Ilang beses ko ng sinabi kay Liana na crush ko nga ang kapitbahya nila at ilang beses na rin niyang itinatanong kung sigurado ba ako. Hindi ko alam kung nagseselos ba siya o sadyang hindi siya makapaniwala na nagkagusto ako sa kapitbahay nilang kinaiinisan ko noon. "Ano, may girlfriend ka na?" Bumuntong hininga ako nang ikatlong araw na simula noong lunes na sinalubong ako ni Papa pagkauwi galing school at iyan palagi ang tanong niya. "Kailan mo ipapakilala?" "Pa..." I was about to asked him to stop asking me kung may girlfriend na ba ako pero tila biglang bumulong ang mahinahong boses ng guardian angel ko at isang ideya ang bigla kong naisip. "Aalis po ako sa sabado at pupuntang Mount Samat. Kasama ko po ang girlfriend ko pero hindi pa raw po siya handa na makilala kayo..." Huwag po sanang maputol ang dila ko dahil sa pagsisinungaling ko, please.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD