Chapter 16

1847 Words
"Ano, ba? Huwag kang maingay!" Halos ibalibag ni Kuya ang mga bag na dala niya habang mabilis na pumasok sa bahay. Sumunod ako sa kaniya at halos mapunit na ang suot niyang asul na polo sa kakahatak ko pabalik. "Kuya, please. Wag kang maingay!" Napaupo ako sa sahig ng bigla na lang siyang humarap sa akin kasabay ng pagtulak niya. Ramdam ko ang hapdi ng puwitan ko at pakiramdam ko ay nabasag ang kung ano mang mababasag down there. "Ano ba ang iniisip mo, ha? Ano, maglalayas ka?" Hindi ako nagsalita. Ilang araw lang naman sana ang balak kong pag-alis at hindi pag-uwi, eh. "Ronaldo, ano ba ang nangyayari sa iyo? Una, naging bakla ka tapos ngayon, ito? Maglalayas ka? Ginagalit mo ba talaga si Papa, ha?" Hindi, kuya. It's more like, sinusulit ko ang galit niya. Mukha namang todo na ang galit niya sa akin dahil kayang-kaya niya akong talikuran dahil lang sa simpleng dahilan... ang pagiging bakla ko. Kung maglayas man ako, siguradong hindi nila ako hahanapin dahil purong sakit ng ulo naman na lang ang ibinibigay ko sa kanila, ayon sa paraan ng pakikitungo nila sa akin. Hindi man nila direktang sinasabi, pinaparamdam naman nila. "Aaminin ko, sige. Inis ako na may kapatid akong bakla. Nahihiya ako, oo pero Ronaldo, kapatid kita at sa tingin mo ba hindi ako mag-aalala kung hahayaan kitang lumabas ng ganitong oras?" Gusto kong sumagot ngunit ang mga salita ay naguunahan sa isipan ko at hindi ko na alam kung ano ang una kong sasabihin kaya naman napayuko na lang ako at tahimik na umiyak. Kuya and I are not that close. Siguro dahil sa medyo may kalayuan age gap namin o dahil sadyang hindi lang talaga kami magkasundo sa mga bagay-bagay and this is the first time na magsabi siya ng ganyan. His treatment towards me was always cold and reserve. I never received an I love you from him or him asking me to take care but I can feel na may pake siya sa akin with the way kung paano niya ako tignan. "I know na sinasaktan ka ni daddy dahil bakla ka and I won't stop him 'cause I also believe na kasalanan mo iyon. You know daddy and his rules, Ronaldo. But just for tonight, sige. Pagbibigyan kita. Hindi kita isusumbong but I want you to stand up, go get your bag, at umakyat ka sa kwarto mo." Humihikbi kong hinatak ang bag ko at mabilis na tinakbo ang hagdanan. Pero siyempre, kahit na durog na durog na ang kalooban at halos mamatay na sa sakin, hindi ako papatalo. Dumiretso ako sa bintana ng kwarto ko at tinignan kung gaano ba iyon kataas. Sakto lang pero dahil hindi ako sanay tumalon, may chance na mapilayan ako. Inihagis ko ang bag ko doon saka dahan-dahang naupo sa hamba ng bintana. It's now or never. Kung mapilay, edi magpa-doctor na lang. Ganoon din naman. May chance rin na mapilay ako sa pambubugbog ni Papa if ever Kuya will betray me. Alam ko lalo na kung si Papa ang unang magtatanong sa kaniya, hindi niya mapipigilan. It's always like that. Maging ako ay madalas, nailalaglag ang sarili dahil oras na si Papa ang nagtatanong, palaging nangunguna ang takot. It feelz like, may kapangyarihan siya to force you na magsabi ng totoo. "'Di baleng mapilay wag lang masira ang maganda kong mukha." Bulong ko saka mabilis na tinalon ang bintana. Ginamit ko ang kamay ko bilang suporta nang bumagsak. Kahit masakit pa ang puwit, kamay at paa, pinilit kong tumayo at mabilis na kinuha ang bag ko saka tunakbo papunta sa gate namin. Ang malamig na hangin ay kinakalma ang mabigat kong damdamin. Damang-dama ko ang kalayaang miminsan lang natatamo at iyon ay tuwing nasa school ako. Pakiramdam ko ay isa akong ibon na nakawala sa hawla at ngayon ay masayang sinasalubong ang malamig at malakas na hangin...hanggang sa may isang epal na bumaril sa pakpak ko na naging dahilan ng pagbagsak ko. At ang epal na iyon ay walang iba kundi si Kuya na nakatayo sa gilid ng kalsada, may kausap sa phone. Parehong nanlalaki ang mga mata namin at halos maibagsak niya pa ang cellphone niya sa semento sa sobrang gulat. "What the!" "Kuya, nandiyan ka pa la? Nag pa-practice akong mag teleport kaso hindi ko napansin na dito ako sa labas ng gate napunta. Sige, bye!" Kinawayan ko siya at mabilis na tumakbo palayo. Syempre, hindi ako tanga na babalik pa roon. Alam kong hindi na ako pagbibigyan ng Kuya ko kaya naman tinodo ko na ang lahat ng powers na mayroon ako. Hingal na hingal na ako ngunit patuloy pa rin sa pagtakbo. Gusto ko sanang magpunta kina Liana dahil iyon naman talaga ang unang plano ko kaso, alam ni Kuya ang bahay nila at ayokong madamay pa sila. Lumiko ako sa isang kantong never ko pang napupuntahan. Madilim at tahimik masyado ang daan. Iilan lang ang bahay na nakikita ko at karamihan ay purong talahiban o 'di kaya ay bakanteng lote ang nadadaanan ko. Tumigil ako sa pagtakbo at naupo sandali sa gilid. Hindi ko alam kung anong posisyon ang gagawin ko parang lang mabawi ang hangin na nawala sa katawan ko sa kakatakbo. Para akong sumali sa track and field na basta na lang sumabak sa laban ng walang training at warm up. Isang ilaw galing sa motor ang biglang dumating sa kung sana ako lumiko kanina. Hindi ko sana papansinin ngunit ang anino ng nagmamaneho at ang tunog ng motor ay masyadong pamilyar sa akin kaya naman imbes na magpahinga pa ng mas matagal ay pinilit kong tumayo at tumakbo ulit. Mahabang busina ang ibinigay ng motor sa akin at para akong isang artista na tinutukan ng spotlight dahil sa ilaw na nakatutok sa akin nanggagaling sa motor. "Leche." Wala akong nagawa nang isang malaki at mahabang pader ang bumungad sa akin. Hinarap ko ang liwanag nang nakanganga dahil hirap sa paghinga. Dahan-dahang huminto ang motor sa harapan ko. "Tang*na, Ronaldo. Patay ka kay Papa!" Sigaw ni Kuya habang pababa siya sa motor. "Sinabi ko naman sa iyo na manahimik ka lang sa kwarto mo, hindi kita isusumbong kay Papa kaso tanga ka at tinalon mo pa ang bintana mo? Hindi ka ba napilay?" Umiling ako. "G*go nakita ka ni Papa dahil magkasama kami sa hardin kanina." "Ha?" Wala akong nagawa kundi ang mapapikit na lang at mabwisit sa katangahan ko. Akala ko ay tulog si Papa! "Ayan kasi, hinsi marunong makinig. Halika na at sinasabi ko sa iyo, ihanda mo ang katawan mo." Kinuha niya ang bag ko at siya na ang humawak noon saka ako inabutan ng helmet. Yumakap ako sa kanya ng napakahigpit kaya nararamdaman ko ang bawat biyak sa tiyan ng kapatid ko. Ang swerte ng magiging kasintahan nito, gwapo na, maganda katawan, may pangarap kaso minsan may pagkamasungit at malala pa sa babae ang mood swings. "Bakit? Hindi mo ba ako pagtatanggol, Kuya?" Nakapikit kong tanong. Hindi siya sumagot ngunit ang biglaang pagbagal ng pagpapatakbo niya sa motor ay nagbigay ng comfort sa akin. Hindi ko napigilan ang paghikab nang makaramdam ako ng antok at pagod. "Hindi ko kakayanin si Papa, alam mo iyan. Pero susubukan ko. Babagalan ko ang takbo at matulog ka na riyan. Sasabihin kong hinimatay ka ngunit hindi ko alam kung sasapat iyon para hindi ka gulpihin ni Papa." Nakangiti kong hinayaan ang sarili na mawala sa huwisyo kasabay ng malamig na hangin. Kahit ganito ang sitwasyon, masasabi kong isa ito sa mga pagkakataon kung saan ako nakakaramdam ng napakasarap na comfort. Ang mga salita ni Kuya, kahit na sinabi niya iyon gamit ang masungit at malamig niyang boses ay nagpakalma ng sobra sa akin at tila nawala bigla ang pagod at hirap na nararamdaman ko ng panandalian. Isang matindi at nakakaubos ng pagod at hiningang hagulgol ang iginawad ko kay Papa habang ang matigas at matibay niyang sinturon ay tumatama sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. "Putang*na kang bata ka! Ang lakas ng loob mong maglayas, ah?" Sigaw niyang nakakabingi kasabay ng malakas kong hagulgol ang namutawi sa tainga ko at sa buong bahay namin. "Ano na bang napatunayan mo para gawin mo ito, ha? 'Yang kabaklaan mo? Putang*na!" Ramdam ko ang hapdi na iniiwan ng sinturon sa bawat paglapat nito sa balat ko. Hindi ko alam mung ipagpapasalamat ko pa na nagawang pigilan ni Kuya si Papa na gamitin ang walis timbo o mas gugustuhin ko na ang walis timbo kaysa rito sa sinturon niyang aakalain mong latigo. "Rony, ano ba? Tigilan mo na iyan at nakakahiya sa mga kapitbahay." Isang masamang tingin ang ibinigay ni Papa kay mama. "Huwga mo ngang kunsintehin ang kabaklaan ng anak mo! Kaya naging ganito ito dahil kinukunsinti ninyo! Pinagbibigyan sa lahat ng bagay at ano ang isinukli? Kahihiyan!" Sunod-sunod at malalakas na hampas ang muling ibinigay ni Papa sa akin. Sa gilid namin ay kitang-kita ko kung paano yakapin ni Kuya ang nanay naming nakatitig lang sa akin kahit na nanlalabo na ang paningin ko. At least they both tried to stop Papa and save me, right? Sa kabila ng pagpaparamdam nila ng hindi pagtanggap sa akin, at least, sinusubukan nilang iligtas ako mula sa kamay ni Papa ngayon. Iyon lang, ayos na sa akin. "Rony!" Ang inaasahan kong isa pang palo ay hindi dumating at nang tignan ko kung bakit, nanlaki ang mga mata ko dahil hatak-hatak ni Mama ang braso ni Papa. "Parang awa mo na, maawa ka sa anak mo!" "Wala akong anak na bakla! Kung hindi pa siya magpapakalalaki ngayon, itatakwil ko iyan dahil sigurado akong walang ibibigay na karangalan ang baklang iyan sa pamilyang ito! Purong kahihiyan at kalokohan lang ang kayang gawin niyan!" "Pa, tama na po at baka magising pa si Kelly. Isa pa, nakakahiya sa mga kapitbahay. Anong oras pa lang pero nagsisigawan na kayo..." mahinahong usal ni Kuya. "Tumahimik ka, Donald. Talagang nakakahiya sa kapitbahay lalo na itong bakla mong kapatid! Kung alam niyo lang kung paano nila pag-usapan ang pamilya natin, kayo mismo ay mahihiya! Hindi na nga nangunguna sa klase, bakla pa! Purong kalokohan lang ang alam!" Sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Papa ay biglang tumulo ang luha ni Mama na siyang nagpagulat talaga sa akin. "Rony, huwag namang ganyan, parang awa mo na. Bigyan mo ng pagkakataon ang anak mo at huwag mong pangunahan!" "Ano?" Kitang-kita ko ang sakit sa mukha ni Mama nang hatakin siyang bigla ni Papa sa magkabilang braso nito. Gusto kong tumayo at ipagtanggol siya ngunit ang hapdi sa katawan ko ay hindi mawala-wala. Tanging pag-iyak at paghagulgol lang ang nagagawa ko. Akmang lalapitan sana sila ni Kuya ngunit binalingan lamang siya ni Papa na siyang nagpahinto sa kanya sa pwesto niya. "Gusto mong kunsintihin ko ang baklang ito, ha? Tarant*do!" Halos lumuwa na ang mata ko nang iangat ni Papa ang kamay niya at akmang ihahampas kay Mama iyon. Hindi ko kaya! Saktan na niya ako wag lang si Mama! Pumikit ako ng mariin at inipon ang lahat ng lakas ko. "Tama na po! Magpapakalalaki na po ako pangako! Huwag po ninyong sasaktan si Mama!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD