Chapter 15

2075 Words
"Kuya, can I sleep in your room?" My little sister looks so cute habang magkadikit ang mga palad niya at nagpapa-cute sa harapan ko. "I have never slept in your room before unlike Kuya Donald kaya I wanna try and see if your bed is soft." Ngumuso ako. Gusto ko sana siyang payagan ngunit kailangan kong gumising ng napakaaga bukas para takasan si Papa. Dadaan ako kina Liana dahil iyon daw ang gusto ng Mama niya, ayon kay Liana kahapon. Kung itatabi ko si Kelly sa akin, baka mahirapan akong gumising ng napakaaga. "Why? Maybe you are hiding something nasty in your room, huh?" Ang paraan niya ng pagsasabi sa salitang 'nasty' ay animo'y siguradong-sigurado siya. "Hoy, babae, hindi ah. Ang bata-bata mo sana mo nalalaman ang mga salitang iyan?" Taas kilay kong usal saka sinuklayan ang mahaba niyang buhok gamit ang daliri ko. Nakaupo kami sa sala habang abala siya sa panonood ng cartoons sa TV nang bigla na lang niyang hilingin na matulog sa kwarto ko. I actually wants her to sleep in my room even just for a night pero alam ko rin namang hindi siya papayagan ni Papa. Ilang taon lang ang pagitan namin ni Kelly at noon, akala ko magkakasundo kami ng bongga. 'Yung tipong hindi na nila kami mapaghihiwalay pero dahil pinalaki nga siyang english speaking at ayoko iyon, hindi kami naging malapit ng sobra. Idagdag pa ang nangyayari sa akin ngayon kaya tila lalo lang kaming napapalayo sa isa't isa, mabuti na lang at madalas ay siya mismo ang nagre-reach out. "What, Kuya? Nasty means something like dirty or what. Ano ba ang iniisip mo? Kadiri ka!" Oo nga, ano? Tuwang-tuwa siya sa reaction na nakikita niya sa mukha ko na umabot pa sa puntong kinuhanan niya ako ng litrato. Inis na inis kong inagaw ang cellphone niya ngunit ang bruha kong kapatid, mabilis masyado kumilos at agad na nakatakbo sa likuran ng kabababa lang na si Papa. Tumikhim ako at dumiretso ng tayo. Leche. Humanda sa akin ang Kelly na iyan kapag wala si Papa. Palibhasa alam na hindi ako uubra sa tatay namin, doon na siya tatakbo? Madaya! "Gabi na, ang kakasat niyo pa? Ronaldo, hindi ba't maaga ang pasok mo bukas? Matulog na!" Hindi ko malaman kung paanong hindi ako sinaniban ng pagkademonyo ko at hindi ko nairapan si Papa. Pagkatapos niyang sabihin na matulog na ako, ramdam ko ang kagustuhang irapan siya ngunit mga 'te, hindi nangyari. Plus points na ba ako sa langit, no'n? Charoar. "Papa, I wanna sleep sa room ni Kuya..." rinig kong usal ng kapatid ko habang patakbo kong inaakyat ang hagdanan namin. Dumiretso na ako sa higaan dahil tapos na rin naman akong maligo kanina bago nakipag-asaran sa kapatid ko ngunit makalipas ang ilang minutong pagtulala habang nakahiga, napagdesisyonan ko na magpatugtog ng music. Nasasanay na yata ako na nakakatulog ng may tugtog na galing sa kapitbahay namin ngunit nitong nakaraan, tahimik ang bahay nila at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na rin naman inalam dahil hindi naman ako tsismosa gaya ni Aling Carol. Ang babaeng iyon, kahit anong gawin ko, hindi talaga siya mawala sa isipan ko. Pinili ko ang kanta ng Ecosmith na 'Cool Kids'. Ilang araw ko na ring pinapakinggan ito at unti-unti ko ng nakakabisado ang lyrics. Hindi ko maalala kung kailan at sana ko unang narinig ito pero amg mahalaga, isa na ito sa mga paborito ko ngayon. She sees them walking in a straight line, that's not really her style. And they all got the same heartbeat, but hers is falling behind. Nothing in this world could ever bring them down. Yeah, they're invincible, and she's just in the background. And she says, Suminghap ako ng maraming hangin habang nakasandal sa headboard ng kama ko saka taos pusong sinabayan ang chorus ng kanta. "I wish that I could be like the cool kids. 'Cause all the cool kids, they seem to fit in. I wish that I could be like the cool kids, Like the cool kids!" I wish that I could be like them. 'Yung tanggap ng society ng buong-buo at walang halong kaplastikan at judgement. Ang sarap siguro sa pakiramdam noon. 'Yung tipong lalakad ka ng malaya sa daan, suot ang kahit anong gusto mong damit at nakakatanggap ng suporta sa lahat. Sino ba kasing nagpauso ng salitang 'unfair'? Pasapak lang ng isang beses. Charoar. Pero seryoso, saan ba kasi nagsimula ang konsepto at kaisipang pangaalipusta o pangda-down sa mga kapwa? Hindi siguro masarap ang ulap ng mga taonh 'yun. Charoar ulit. Naghanda ulit ako sa pagsigaw at pagsabay sa kanta nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa noon si Papa na masama ang tingin. Oo na po, Pa, makukuha na ako sa tingin. Agad kong pinatay ang tugtog at nahiga sa kama, saka pumikit. Panira ng moment. Kung kailan feeling ko nagco-concert na ako saka naman siya dumating. "Hoy, bakla! Hindi lang ikaw ang nakatira rito baka nakakalimutan mo. Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka! Tang*na." Papa, luma na mga linyahan mo. Nakapikit lang ako buong oras na nagsasabi-sabi siya rito sa kwarto ko. Feeling ko nagpapapansin lang 'tong si Papa, eh kaya laging ako ang dinadali. "Bakla na nga, pahirap pa sa buhay. Maaga pa ang pasok mo bukas kaya matulog ka na at tigil-tigilan mo na 'yang pagiingay mong leche ka. Tang*na, marinig ko pang tumugtog 'yang cellphone at speaker mo, ibabato ko iyan sa kanto." Kulang na lang ay lumabas ang puso ko sa dibdib nang pabagsak niyang isinara ang pintuan ko. Mabilis akong tumayo at ini-lock agad iyon saka tumalon pabalik sa kama. Ibabato na nga lang ang cellphone at speaker ko, sa kanto pa. Pwede namang diyan na lang sa labas ng gate para hindi na siya mapagod. Si Papa talaga. But I know, behind my smiles and jokes, I am hurting. Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko paunti-unti sa bawat mura at pananakit ni papa. Nabawasan man ang pananakit niya physically, lumalala naman ang pananakit niya verbally. Nahiga ako at niyakap ang unan ko. Ang pisngi kong nanlalamig dahil sa cream na ipinahid ko kanina ay bigla na lang uminit at napuno ng mga luha. Tahimik akong nakatitig sa kisame at hinahayaang mailabas ang lahat ng bigat na nararamdaman ko. Pwede pala 'yun, 'no? 'Yung pagdating ng umaga, makakalimutan mo ang mga problema mo at magagawa mong tumawa, magsaya, ngumiti, makipagbiruan pero oras na dumating ang pagkakataon na mapag-isa ka, bigla na lang talagang babalik ang lahat ng sakit at hirap. 'Yung kahit ayaw mo na talagang umiyak, wala kang magagawa at hindi mo mapipigilang tumulo ang mga luha. Napakagat ako sa labi nanh hindi napigilan ang pagtakas ng malakas na hikbi. Ano kaya ang nangyayari sa akin ngayon kung hindi pa alam ni Papa ang pagkatao ko? Ano kaya ang buhay ko ngayon kung naging lalaki na lang talaga ako? Siguro, masaya gaya ni Kuya. Siguro, kung hindi ako naging bakla, baka masaya at tahimik ang buhay ko gaya ng tinatamasa ni Kuya ngayon. "Araw-araw ko na bang aasahan ang pamamaga ng mata mo, kaibigan kong panda?" Nakapamaywang na usal ni Liana habang ang katabi niyang si John na malaki agad ang ngiti sa akin. "Baka brokenhearted kaya umiyak?" Inismiran lang siya ng may pagkamasungit kong kaibigan bago nagsimulang maglakad para salubungin ako. "Hinihintay kita kanina sa bahay pero hindi ka dumaan kaya pumasok na ako. May dala akong sandwich, gawa ni Mama." Lumapit agad si John at sinapak si Liana na siyang ikinagulat ko. "Hoy, g*go ka? Kalalaki mong tao, sinasapak mo babae?" Hinatak ko si Liana na hinihimas ang likuran ng ulo niya. "Ay," Kung may langaw lang siguro sa paligid namin, baka kanina pa iyon pumasok sa nakangangang bibig ni John habang bahagya ring nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa kaibigan ko. "Sorry na carried away lang. Sorry talaga." "Bakit ba kasi bigla ka na lang nananapak? Ikaw kaya sapakin ko bigla?" Ibinaling niya ang tingin sa akin. Pansin ko ang tingin ng iilang estudyante na napapadaan sa gilid namin. "Sorry. Nabigla lang. Ito kasing si Liana, sabi kanina ay wala siyang pagkain tapos ngayon may sandwich siyang binibigay sa iyo." Bahagyang itinulak ni Liana ang dibdib ni John na bakas ang pagsisisi sa mata. "G*go, pinadala ng nanay ko 'yun para kay Ronaldo at hindi para sa iyo kaya bakit ko naman ibibigay sa iyo?" "Sorry na nga, eh. Oh, sige, libre ko na kayo ng inumin para mawala inis niyo sa akin." Agad kong ipinakita ng walang alinlangan ang magandang ngiti ko saka mabilis siyang hinatak papunta sa canteen. "Ayan, sabi ko na nga ba. Bakit ba nahulog na naman ako sa bitag ninyong dalawa?" Bumili kami ng inumin ni Liana pero dahil nakaramdam ako ng hiya, binigyan ko na lang din siya ng sandwich. Makapal mukha ko, oo pero hindi sobrang kapal na aabot sa puntong hingi lang ako ng hingi at hindi marunong mamigay, 'no. Wala akong ibang ginawa sa school kundi ang makipagbiruan at makipag-asaran sa mga kasama ko. Masaya. Sobrang saya. Para akong nililipad ng hangin sa sobrang gaan ng pakiramdam ko sa tuwing kasama ko ang mga kaibigan ko na alam kong tanggap ako ng buong-buo ngunit ang bula ng kasiyahan ko, bigla na lang nawawala pagpatak ng oras ng uwian. Madalas, malungkot akong naglalakad mag-isa pauwi. Tuwing nakikita ko na ang gate namin, nahihirapan na akong huminga at pakiramdam ko, bumibigat ang dibdib ko. Ang mga alaala ng ilang taong pambubugbog ni papa sa akin, bumabalik na lang bigla pero siyampre, hindi ko pwedeng bayaang kainin ako ng dilim kaya kahit mahirap, pinipilit ko na lang na ngumiti. Dahan-dahan at nanlalambot kong itinulak pabukas ang gate namin saka walang ganang tinahak ang daanan patungong front door. Bukas iyon kaya sigurado akong nasa ibaba sina Mama. "Hindi natin mapipilit na maging lalaki siya, Rony!" Boses ni Mama ang unang bumungad pagkatapak ko pa lang sa sala. Sa kusina nanggagaling ang boses kaya sigurado akong nandoon sila. Imbes na dumiretso sa itaas, mas pinili kong pakinggan muna nag mga sinasabi niyang sigurado akong tungkol sa akin. "Hayaan mo na lang ang anak mo, pwede? Hindi ka ba naaawa sa kaniya?" "Wala akong anak na bakla. Tatanggapin ko lang siya ulit kung magpapakalalake na talaga siya." Tang*na. Ayokong magalit. Hanggat maaari, pinipigilan kong lumala ang nararamdaman kong galit at inis sa tatay ko pero tingin ko, ito na ang sukdulan ng pasensya ko. Hindi ko mawaro kung paano niyang natitiis na ganituhin ako, ako na dugo't laman niya. Tahimik kong tinahak ang hagdanan at pinilit na huwag madapa kahit na punong-puno na ng luha ang mga mata ko. Ibinagsak ko ang pintuan ng kwarto ko at agad na inilock iyon saka ibinato na lang ang bag sa tabi. Nauubusan ako ng hangin sa sobrnag iyak at gustuhin mang tumigil at kumalma, hindi ko magawa. Durog na duroh na durog na ang dibdib ko. Matatanggap ko pa kung murahin na lang niya ako pero ang marinig sa kaniya na itinatakwil ako, kahit hindi niya direktang sinasabi sa akin, hindi ko kaya. Masyadong masakit at nakakamatay iyon. Hindi ako lumabas at kumain mg gabing iyon kahit na ilang beses akong binalikan ni Kelly at halos magmakaawa na para lang lumabas at makakain ako. Ayokong deadmahin ang kapatid ko ngunit masyado na akong drained para makipagplastikan pa kay Papa. Kaya naman ng gabing iyon, nagpasya akong ituloy na ang matagal ko ng gustong gawin. Kinuha ko ang isang gym bag na ginagamit ko dati tuwing may trip kami saka nilagyan iyon ng mga damit at ibang gamit na kailangan ko. Ayokong gawin ito kahit na matagal ko ng naiisip pero dahil narinig ko na rin naman na itinatakwil ako, oh, sige, ako na ang magkukusang aalis. Eksaktong alas dos ng madaling araw ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Bitbit ko sa balikat ang gym bag at sa kaliwang kamay ang cellphone ko na siyang ginawa kong flashlight dahil patay na ang mga ilaw sa bahay. Matagumpay akong nakababa sa sala kahit na halos manginig na ako sa kaba. Akala ko ay tuloy-tuloy na ang paglabas ko ngunit ng akmang bubuksan ko na ang front door, kusa iyong bumukas at iniluwa ang gulantang kong Kuya. Sh*t. Laglag ang panga niyang nakatingin sa akin at sa bag ko. Sesenyasan ko na sana na huwga maingay ngunit naunahan na niya ako ng isang marahang tulak at sigaw. "Pa, Ma! Si Ronaldo po!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD