Chapter 14

2336 Words
"Ay, gulay?" Nandidiri kong tinignan ang mga gulay na nakahapag sa lamesa namin. Tinitigan ko iyon ng ilang minuto, iniisip kung kaya ko bang kainin ang mga iyon ngunit amoy pa lang ay parang nasusuka na ako kaya naman nagpasya na lang ako na kumuha ng itlog sa ref at mag prito kaso, mukhang pinagtitripan ako ng kung sino. Walang itlog sa ref, mga inday! Paano ako kakain nito? Saktong palabas na ako sa kusina nang biglang masalubong ko si Papa na masama agad ang tingin sa akin. Highblood, sis? Makita lang ang kagandahan ng anak niya, naha-highblood na siya agad. "At saan ka pupunta? Upo!" Sabi ko nga po, Pa. Eto na, chill. Mabilis akong bumalik at naupo sa pwesto ko saka walang alinlangang nilagyan ng kanin ang plato ko. Iyon na lang sana ang kakainin ko ngunit sa masamang tingin pa lang ng Papa ko, mapapalunok ka kaagad ng gulay kahit hilaw, eh. "Bakla na nga, ang arte pa sa pagkain. Hindi ka mahiya rito, tinanggap ka na nga pero mapili ka pa sa pagkain!" Ay, tinanggap na pala ako? Hindi ko ramdam, teh. Charoar. Hindi na lang ako umimik at kumuha na lang ng kakaunting gulay. Purong kalabasa lang ang kinuha ko at kakaunti lang, tama lang para maihalo ko sa kanin at hindi gaanong mapapansin. "Hala, Pa!" Halos itulak ko ang kamay niya nang bigla niyang dinagdagan ang gulay na nasa plato ko. Masamang tingin lang ang ipinukol niya at nagpatuloy sa ginagawa. Kung kanina, kanin na may kaunting gulay ang nasa plato ko, ngayon, gulay na may kaunting kanin na. "May angal ka?" Taas kilay niyang tanong habang nakatitig sa akin. Tahimik akong umiling. "Wala po, nagulat lang po dahil sobrang paborito ko ang gulay." Sa mga nakalipas na taon, natutunan ko kung paano sasakyan ang pagkainis ni Papa sa akin. Hindi gaya noon na iniiyak ko lang ang lahat at kinukwestiyon, ngayon, nagagawa ko ng tawanan na lang minsan. Siguro, sanayan na lang talaga. Wala naman akong magagawa kundi ang hintayin na lang ang araw kung kailan niya matatanggap ang pagkatao ko, hindi ba? Hindi ko naman pwedeng ipilit na 'oh, pa, eto ako. Bakla ako at kailangan tanggapin mo ako ngayon din sa ayaw at sa gusto mo'. Kung pwede lang sana ang ganoon, edi matagal ko ng ginawa. It was a hard journey for me. Hanggang ngayon naman ay mahirap ngunit mas mahirap noon. Umuwi si Kuya at iyon agad ang ibinalita sa kaniya ni Papa. I felt like they teamed up para lang maparamdam sa akin kung gaano ka-'mali' ang pagiging bakla ko. Sa ilang araw na pag-uwi ni Kuya, halos hindi niya ako pinapansin at ang paghahatid-sundo niya sa amin ni Kelly noon, biglang hindi na lang ako kasama. Masakit, oo dahil noong hindi pa nila alam na ganito ako, kahit papaano nararamdaman kong mahal ako ng Kuya ko ngunit nang malaman na niya, boom! I received a cold treatment from him. "Hay nako, nasa gate ka pa lang, kitang-kita ko na ang kakapalan ng face powder mo!" Sigaw ng nakapamewang na si Liana umaga ng sumunod na araw. "Good morning din!" Niyakap ko siya at sinapak. "Ano itong nababalitaan ko na may laro sina Paolo mamaya? Bakit hindi mo sinasabi, eh nung isang araw pa pala in-announce iyon?" Nagkibit balikat siya saka ako hinatak papasok ng room namin. "Sasabihin ko pa lang sana ngayon, eh kaso nakalimutan ko na tsismosa ka pala, mabilis sa balita. Pasensiya." "Gaga, anong tsismosa? Ano tingin mo sa akin, si Aling Carol na pasmado bibig?" Hanggang ngayon ay hindi ko malakalimutan ang tsismosang iyon. Nakakagigil siya. Dahil sa kaniya, nasira ang beauty'ng pinakaiingat-ingatan ko tapos tuwing nakakasalubong niya ako sa daan, may lakas pa siya ng loob na ngitian at batiin ako? Asa siyang ipapakita ko sa kaniya ang magandang ngiti ko! "Galit na galit? Akala ko ba natutuwa ka sa ginawa niya dahil hindi ka na nahirapang aminin sa pamilya mo na lalaki rin ang gusto mo?" "Natutuwa nga pero sana man lang in-inform ako na, hoy, bakla, ichichika kita sa tatay mo, ha? Hindi 'yung mabibigla ako, 'teh. 'Di ko man lang napaghandaan na mabubugbog ng bongga ang beauty ko!" Inilingan at tinawanan lang ng magaling kong kaibigan ang mga sinabi ko. Akala ba niya, nagbibiro ako? Oh my gosh, I am hurting so bad! Charoar. "Ronalda!" Malaking ngiti ang ibinigay ko sa kaklase naming isa ring malantong na gaya ko. Pero mas maganda at sexy ako sa kaniya. "Yesh, Johna?" Ang malalaki niyang braso ay hapit na hapit sa uniporme naming polo. Umupo siya sa upuang nasa harapan namin ni Liana. "Sinabi ng huwag mo akong tawaging Johna, eh. John lang kasi lalaki ako. Tuwid na tuwid!" Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko mula sa ulo hanggang sa uhm, alam niyo na, at agad naman niyang tinakpan iyon ng bag. Bastos. Damot. Charoar. "Uhmm, sis, 'di mo sure. Lalaki raw pero malambot pa ang kilos sa akin." Inirapan ko siya. "Anong tsismis na naman ang dala mo, John?" Walang hiya-hiyang dumukot si Liana sa potato chips na dala ng kaklase namin. Habang tumatagal, nawawala 'yung mahiyaing Liana na kaklase ko noong elementary at unti-unting napapalitan ng walang hiyang Liana. "Anong tingin niyo sa akin?" "Tsismosa." Nag-apir pa kaming magkaibigan nang hindi sinasadyang magsabay sa pagsasalita.  Nakasimangot kaming tinignan ni John. "Hay nako. Pero alam niyo ba 'yung tomboy roon sa kabilang section? Mga teh, may kasintahang lalaki!" Nanlaki ang mga mata ko sa ibinalita niya. "Tignan mo! Ang laki ng katawan mo pero ang lambot ng kilos mo tapos napakabilis mo pa sa chika. Dinaig mo pa ako, sis. Straight ka ba talaga?" Halos irapan ako ng kaklase ko dahil iyon palagi ang sagot ko tuwing may ibinabalita siyang bagong chika sa amin ni Liana. Nakilala namin si John noong unang araw namin bilang mga grade seven students dahil nakita namin siyang pinagtatawanan ng iilang estudyante at ang dahilan, ang malaking katawan niya na salungat sa malamya niyang kilos. Marami ang nag-aakalang bakla siya, maging ang mga guro at kahit anong paliwanag niya hindi siya bakla at sadyang malambot lang siyang kumilos, wala pa ring naniniwala. Maging kami ni Liana ay hirap siyang paniwalaan lalo na noong una ngunit habang tumatagal, napapatunayan naman niyang straight guy nga siya. "Baka kagaya mo rin siya pero ang salungat ng version? I mean, siga siya kumilos pero straight?" Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing hawak na ni Liana ang potato chips ni John. "Baka nga pero malaking balita iyon. Nandoon nga sa room nila, umiiyak dahil inasar yata ng mga kaklase niya..." Naputol ang usapan nang biglang dumating ang teacher namin. Inis pa nga si John dahil siya itong abala sa kakadaldal kaya hindi niya napansin ang teacher namin at ang ending, nasermunan siya ng very slight. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko siya sinabihan kahit na nakita ko na ang teacher namin pero siyempre, 'di ko sasabihin iyon 'no. "Para mas maintindihan pa ninyo ang process ng dissolving, isipin ninyo palagi na ang solute at ang solvent ay hindi tumitigil sa paggalaw, okay?" Wala sa sarili akong tumango sa sinabi ng teacher. "Sino ba rito ang makakapagdala ng kape? Kahit dalawang maliit na pack lang?" Iilan sa mga kaklase namin ang nagtaas ng kamay. Pumili roon ang teacher namin. "Aanhin po ba ang kape?" Taas kamay kong usal. Mabilis ang paglingon ng teacher namin sa akin ng may ngiti sa labi. "Pag-aaralan natin ang tungkol sa kung paanong naaapektuhan ng temperature ang mabilis na pag dissolve ng solid solute sa tubig. Kaya huwga ninyong kakalimutan ang kape, ha? Iyon lang, see you next week." Akala ko magpapakape siya dahil kalahati ng klase namin ay palaging inaantok at madalas siyang nakakahuli ng mga natutulog. Kinuha ko ang bag ko at saka tumayo nang lapitan na kami ni John. Break time na at mukhang sasabay na naman siya sa amin kahit na may ibang friends naman siya. Pagkalabas ay pareho naming ikinagulat ni Liana ang biglaan niyang paghahatak palapit sa room ng kabilang section. "Tignan niyo, mugto ang mata noong tomboy..." "Gaga ka? Hindi nga iyan tomboy dahil sabi mo nga, may boyfriend. Parang ikaw lang iyan, eh. Mukha at kilos babae pero kine-claim mo na straight kang lalaki." Wala sa sarili ko siyang nairapan kasabay ng paghatak ko kay Liana patungong canteen. Gutom na ako dahil hindi ako nakapag almusal. Mukhang pinaparusahan pa rin ako ni Papa, eh dahil purong mga 'di ko kinakain ang ipinapahain niya kay Mama at ito namang si Mama, mukhang wala ring pakialam kung magutom ako. Araw-araw simula nitong lunes ay ganoon palagi. Gumigising ako na ang almusal ay scrambled egg na puro spinach o 'di kaya ay malunggay na kulang na lang ay hindi na makita ang itlog, minsan ay tinapay na ube flavor na isa rin sa mga flavor na hindi ko kinakain. Sa hapunan ay madalas ang pagluluto ni mama ng gulay. Ano bang gusto nila, mamayat ako at magutom? "Kumain ka ng gulay!" Gabi-gabing lintaya ni Papa iyon sa akin. Wala akong ibang magawa kundi piliting kumain na lang kahit na halos isuka na ng katawan ko ang gulay kaysa naman mabugbog na naman ako kung hindi ko siya susundin. "Nagsasayang ka ng pera." Araw-araw at gabi-gabi kong hinihintay na magsalita at ipagtanggol ako ni Mama ngunit ilang taon na, hindi pa rin dumarating ang pangyayaring iyon. Ni hindi ko na nga alam kung mangyayari pa ba iyon gayong tuwing pinapagalitan, sinisigawan at sinasaktan ako ni Papa, walang ibang ginagawa si mama kundi ang ilayo si Kelly o 'di kaya ay ang manood lang. Minsan, iniignora na lang niya na para bang isang normal na pangyayari na akng iyon dito sa bahay. "Kuya, what did you do ba? Bakit laging galit si Papa sa iyo since elementary days mo?" Sa ilang taong pagpapahirap sa akin ng pamilya ko, tanging si Kelly lang ang kumakausap sa akin ng matino at nagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap. Sa akin niya marahil natutunang magsalita ng tagalog dahil tuwing kinakausap ko siya ay tagalog kahit na panay ang english niya. Hirap na nga ang kilos ko rito sa bahay, papahirapan ko pa ang sarili ko sa pakikipag-usap sa kapatid kong englisera? "I'm gay kasi at ayaw ni Papa 'yon." Usal ko kahit na hindi sigurado kung naiintindihan na ba ng kapatid ko ang sinasabi ko. Minsan sa kaniya ko nailalabas ang mga sama ng loob ko maliban kay Liana kahit na hindi ko sigurado kung naiintindihan na ba niya ng bongga ang mga rants ko pero madalas, inilalayo siya ni Papa sa akin. Tuwing nasa sala ako, inaaya niya si Kelly na maglaro sa labas. Nakakalungkot pero anong magagawa ko? Wala maliban sa pag-iyak tuwing gabi. Aaminin ko, sa school, maloko ako at ipinapakitang wala lang sa akin ang lahat pero tuwing nasa bahay, pakiramdam ko palaging may mga matang nakamasid sa akin. Sa bahay, pakiramdam ko kalkulado lang dapat ang kilos ko kahit na pinipilit kong maging comfortable sa pamamagitan ng patuloy na pagkilos ng naaayon sa gusto ko kahit alam kong maga-alburoto si papa pero wala pa ring epekto. Nasasakal pa rin ako. Hindi ko nga maintindihan paano ko nagagawa ang bagay na iyon. Kung sana ko nahuhugot ang lakas ko para ngumiti, tumawa at makipagbiruan sa school gayong may ga-bundok na kung anong nakadagan sa dibdib ko. "Oh? Don't worry, I'll talk to dad and tell him to never scold you again because you did not do anything wrong." Nginitian ko ang kapatid at sinabihang huwag na niyang gawin iyon dahil alam kong mapapagalitan ako lalo. Sisisihin at sasabihang kung ano-ano ang itinuturo ko sa kaniya gayong wala naman akong ibang ginagawa kundi ang ilabas ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa nakababatang kapatid. Mabuti pa nga siya, nakukuha na wala akong maling ginagawa ngunit ang mga magulang ko, lalo na si Papa, iniisip na kasalanan ang pagiging bakla ko. Walang pinagkaiba ang gabing iyon sa mga nakalipas na gabi ko. Pagkatapos mag gawa ng assignments at mag aral ng mga lesson para bukas, naligo ako at nahiga sa kama yakap-yakap ang paborito kong unan. Ang unan na siyang tanging nakakarinig sa mga hikbi ko, ang unan na siyang tanging sumasalo at nagpupunas sa mga luha ko, ang unan na karamay ko na noon pa man. Kung pwede nga lang hilingin na mabuhay ang unan kong ito, baka hiniling ko na para lang may makasama at makaramay ako pero siyempre, wala ako sa fantasu world na kung saan pwedeng mangyari ang kahit ano. "Mugto na naman ang mata ng dalaga." Kinuha ko ang inabot na tinapay ni Liana. "Gawa ni Ate at ibinilin niya na bigyan kita." Sa ilang taon kong pag-iyak tuwing gabi, nagawa kong makahanap ng paraan kung paaano maitatago ang mugtong mata ko kinabukasan sa mga tao ngunit tanging isang tao lang ang nakakakita noon. Si Liana. Marahil ay dahil iyon sa lalim ng pinagsamahan namin kaya kahit gaano pa kakapal ang make-up na ilagay ko para itago ang sakit na nararamdaman, nakikita niya iyon. Nakakalungkot nga, eh. Na kung sino pa ang hindi ko kadugo ay siya pa ang nakakakita ng tunay kong nararamdaman. Sa mga napapanood ko naman sa mga drama, palaging ang mga nanay ang unang nakakaalam na may mabigat na nararamdaman ang mga anak nila pero bakot ang nanay ko, mukhang walang mother's instinct? Bakit hindi niya makita ang hirap ko gayong araw-araw, sa harapan niya, binubugbog at minumura ako ng tatay ko? Ayaw ko man ay hindi ko maiwasang hindi magalit sa kanila. Galit ako sa tatay ko dahl sa hindi niya pagtanggap sa tunay na ako ngunit mas galit ako sa nanay ko na walang ginagawa kundi panoorin kung paano ako maliitin at maltratuhin ng tatay ko. Pakiramdam ko ay sa pamamagitan ng hindi niya pag-imik ay ipinagkakanulo na niya ako. Matitiis ko pa na hindi ako tanggap ng tatau ko pero ang tunay na pumapatay sa akin ay ang pagi-ignora ng nanay ko. At iyon ang pinakamasakit para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD