Heaven knows I was just a young boy
Didn't know what I wanted to be
I was every little hungry schoolgirl's pride and joy
And I guess it was enough for me
To win the race, a prettier face
Brand new clothes and a big fat place
On your rock and roll TV
But today the way I play the game is not the same
No way
I think I'm gonna get me some happy...
Nangibabaw sa buong street namin ang kantang bigla na lang pinatugtog ng kapitbahay naming may pagkabida-bida. Kung ibang araw siguro, baka naiinis na ako sa sobrang lakas ng patugtog niya ngunit dahil alam ko ang kanta, hindi ko magawang mainis bagkus ay tanging pagsabay lang dito ang nagagawa ko.
Binati ko si Mama na kasama ang kapatid ko sa sala at sabay nilang binabasa ang isang libro. Dumiretso ako sa kwarto at agad na naligo para fesh. Syempre kailangan maging maganda tayo palagi.
Pagkatapos maligo ay ibinalot ko sa ulo ko ang towel, pinapatuyo ang imaginary long hair ko. Naka-army cut ang buhok ko at wala akong balak na magpagupit dahil nga gusto kong magkaroon ng mahabang buhok gaya ng kay Liana. Siguro naman, pagdating ko ng highschool, mahaba na ang buhok ko at siguro pagdating ng panahong iyon, alam at tanggap na ng pamilya ko na ang anak nilang lalaki ay mas babae pa kaysa sa bunso nilang babae.
"Putang*na! Ronaldo Alberto bumaba ka nga rito!" Isang malakas na kalabog ang unalingawngaw nang pabiglang buksan ni Papa ang pintuan ko. Agad niyang nahanap ang mga mata ko at doon, napagtanto ko na ito na 'yun. Ito na 'yung araw na kinatatakutan ko. 'Yung araw na inabangan ko ngunit ayoko ring mangyari.
Ang mga mata niyang may pagkasingkit ay nanlalaki ngayon at ipinapakita ng mga ito kung gaano katindi ang nararamdaman niya. Kung nasa cartoons kami, sigurado akong umuusok na ang ilong at tainga niya. Mabilis ang paghinga niya at ang kaniyang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.
"Ano itong sinasabi ni Carol na bakla ka, huh?" Mabilis ang naging kilos ko at agad na tumayo nang isinara niya ang pagitan namin sa pamamagitan ng dalawang malalaki at mabibigat na hakbang.
"Po?" Ang nararamdaman kong takot ay kasing tindi ng nararamdaman niyang galit na ipinapakita ng kaniyang mga mata. Damang-dama ko ang mabilis, malakas, at mabibigat na pagtibok ng puso ko maging ang panginginig ng katawan ko. Ramdam ko ang luhang nangingilid na sa mga mata ko at ang namumuong kung anong bukol sa lalamunan ko na siyang nagpapahirap sa akin sa paghinga. "Hindi ko po alam."
Itinaas niya ang kamay niya at ilang iglap lang ay nakaramdam na ako ng matinding hapdi sa kaliwang pisngi ko. Sa sobrang lakas ay pakiramdam ko naalog lahat ng laman ng ulo ko at dama ko ang pagkabigla ng leeg ko.
"Magsisinungaling ka pa? Ipaliwanag mo ito!" Kahit hirap ay pinilit kong silipin ang ipinapakita niyang cellphone. Doon ay kitang-kita ko ang litrato ko na nakatayo sa hagdanan habang suot ang bistida ni Liana at may malawak na ngiti. Kuha rin sa litrato ang mukha ng dalawang kapatid ng kaibigan ko na parehong nakangiti at nakatitig sa akin. "Kinukunsinti ka pa ng pamilyang iyon? Kaya pala gustong-gusto mong nagpupunta roon sa kanila, huh?"
Isang sampal muli ang natanggap ko. Ang mga luhang bumubuhos sa dalawang mata ko ay tila isang talon na. "Pa... sorry." Hirap na hirap man ay pinilit kong magsalita.
"Tang*na! Saan ba kami nagkulang, ha? Hindi ba't bilin ko sa inyo na huwag na huwag magiging ganiyan?" Binigkas niya ang bawat salitang iyon na animo'y isang nakakadiring sakit ang pagiging bakla. Ang bawat salitang kumakawala sa bibig niya ay tila mga punyal na diretsong tumatama sa dibdib ko at nagiiwan ng malaki at malalalim na mga sugat.
Sa mga nanlalabong mata ay pinanood ko lahat ng litratong ipinapakita niya. Dalawang litrato ko ang nakasuot noong bistida at ang iba ay mga litrato ko na nilalaro ang mga laruang barbie ni Liana at ang iba ay ang dollhouse niya. Mayroon ding litrato kung saan magkakasama kami nina Liana at Paolo ngunit sa litrato, nakahawak ako sa braso ni Paolo at malamyang nakatingin dito. Hindi ko maalala kung kailan iyon ngunit isang beses pa lang naman kaming nagkausap ng malapitan ni Paolo. Iyon ay noong hinampas ko siya at nangyari iyon noong isang araw lang, kung hindi ako nagkakamali.
"At ano ito? Nanlaladi ka na rin ng lalaki, huh? Hindi ka ba nahihiya?"
Nasulyapan ko si Mama na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Akala ko ay pipigilan niya si Papa nang umamba ulit ito ng isang sampal ngunit ang mga emosyong nakita ko sa mata ng nanay ko ay siyang tuluyang pumatay sa puso ko.
Noon, tuwing ini-imagine ko ang pangyayaring ito, iniisip ko na ayos lang kung magalit si Papa dahil nandiyan naman si Mama para pigilan siya, para aluin ako at sabihing 'ayos lang iyan, anak', nandiyan si Mama para iparamdma sa akin ang pagmamahal at pagtanggap na hinahanap-hanap ko ngunit ngayong nangyayari na nga ang bagay na ito, para akong lalong inilubog sa lupa ng emosyong nakita ko kay Mama. Pandidiri. Disappointment. Sarili kong nanay, hindi ako magawang ipagtanggol ngunit ang malala, kitang-kita ko sa mga mata niya ang pandidiri at pagka-disappoint. Bakit, Ma?
"Wala akong anak na bakla!" Kaliwa't kanang sampal ang natanggap ko. "Ayos-ayusin mo iyang buhay mo, Ronaldo Alberto kung hindi ay itatakwil kita, naiintindihan mo?"
I think there's something you should know
I think it's time I told you so
There's something deep inside of me
There's someone else I've got to be
Take back your picture in a frame
Take back your singing in the rain
I just hope you understand
Sometimes the clothes do not make the man...
Sa panandaliang katahimikan na namagitan sa amin ni Papa, nangibabaw ang kantang ipinapatugtog ng kapit bahay namin. Isa sa mga rason kung bakit ko nagustuhan ang kantang ito ni George Michael na Freedom '90 ay ang lyrics nito. Una kong narinig ang kantang ito noong minsang panoorin namin ang Pitch Perfect at kinanta ito ng The Bellas at simula noon, pakiramdam ko ay kinanta ito para sa akin.
Ang bawat lyrics sa ay ang mga salitang gusto kong sabihin kay Papa ngunit wala akong lakas ng loob. Bakit kasi ganda lang ang marami ako at hindi lakas ng loob?
Umaga nang sumunod na araw ay maaga akong nagising...hindi. Hindi ako nakatulog kaya maaga pa lang ay naisipan kong maligo na para maagang makaalis. Balak kong umalis na habang tulog sila Papa dahil sigurado akong ang ipapaalmusal nila sa akin ay sermon.
Kinuha ko ang ballpen sa bag ko at ang isang sticky notes saka isinulat doon ang pinakapaborito kong lyrics sa kantang ipinatugtog ng kapitbahay namin kahapon. "I won't let you down (Freedom)... I will not give you up (Freedom)... Gotta have some faith...Gotta have some faith in the sound." Idinimit ko iyon sa salaming nasa harapan ko.
Isinulat ko rin sa isa pang papel ang lyrics na nagsasalamin ng mga salitang gusto kong sabihin kay Papa ngunit hindi magawa. "I think there's something you should know... I think it's time I told you so... There's something deep inside of me... I just hope you understand, sometimes the clothes do not make the man..." I really hope na someday, magawa kong ipaintindi sa kaniya na ang pagiging bakla ay hindi nakakadiri at hindi kasalanan. Gusto kong maliwanagan siya na, ganito ako, lalaki man physically ngunit babae naman ako sa puso at isipan ko.
Inabot ko ang bandaid na nakatago sa isa sa mga drawers ko saka nilagay iyon sa pisngi kong may pasa. Hindi natakpan ng buo ngunit mas gusto ko na ang ganito kaysa kitang-kita kung gaano kalaki ang pasa. Ang sugat sa gulid ng labi ko ang hindi ko magawan ng paraan. Hirap din akong tumawa o ngumiti man lang dahil mahapdi kaya naman pagdating ko sa school, todo pigil ako sa pagngiti at pagtawa.
"Kanino ka na naman nakipagsuntukan?" Salubong ni Liana nang mapansin ang mukha ko. Kadarating lang niya at iyon agad ang napansin. "Sino nakaaway mo? Kahapong umuwi ka, wala pa iyan, ah? May nakaaway ka sa daan?" Tatay ko, Liana. Tatay ko ang may gawa ng mga ito.
"Diniligan ko na ang pechay at mani mo kaya ilibre mo ako ng almusal. Hindi pa ako kumakain."
Gulat niyang nilingon ang mga tanim namin. Pabalik-balik ang ganoong tingin niya sa akin at sa mga tanim. "Anong oras ka bang pumasok? Ang aga pa pero nadiligan mo na pati tanim ko?"
Kinailangan kong gawin iyon para maiwasang isipin ang nangyari kahapon. Gsuto kong kalimutan kung paanong dumapo ang mabibigat na kamao ng tatay ko sa katawan at mukha ko. Gusto kong kalimutan ang boses niyang sumisigaw at patuloy na naglalabas ng mga salitang unti-unting pumapatay sa akin. Gusto kong kalimutan kung paano ko nakita ang galit sa mata ng tatay ko at ang pandidiri at disappointment sa mata ng nanay ko. Gusto kong kalimutan na nangyari ang lahat ng iyon sa isang iglap. Na nangyari ang mga iyon nang dahil lang sa pakikialam ng isang chismosang kapitbahay na walang magawa sa buhay.
Ngunit sino nga ba ako? Hindi naman ako makapangyarihan para magawang burahin ang mga iyon sa alaala ko o ang ibahin ang takbo ng buhay ko. Kahit anong iwas ko, alam ko sa sarili ko na darating ang pangyayaring ito ngunit hindi ko lang inasahan na ganito kaaga. Edi sana, na-ready ko pa ang magandang mukha ko. Sayang skincare ko at isang sapak lang pala ng tatay ko, masisira na ang gandang taglay ko.
"Walang anuman, Liana. Tara na, pakainin mo na ako."
Buong maghapon ay purong mga tanong patungkol sa sugat ko ang natatanggap ko. Paulit-ulit kong sinasabi na wala lang iyon, na trip ko lang na sirain ang ganda ko, ngunit sino bang niloloko ko? Alam na alam nilang makikipahoatayan ako sa kung sinong magtangkang humawak at sumira sa mukha ko kaya isang nakakabiglang pangyayari para sa kanila ang makita akong ganito ang itsura.
Habang naglalakad papasok sa gate ng bahay namin ay halos manginig na ako sa takot. Kung pwede lang sana ay hindi na ako umuwi ngunit kung gagawin ko iyon, para ko na ring binato ang sarili ko sa bingit ng kapahamakan.
"Oh, nandito na pala ang malas." Napahinto ako sa pag-akyat sa hagdanan nang malingunan ako ni Papa na abala kanina sa panonood ng palabas katabi si Kelly. Tumayo siya at mabilis na lumapit sa akin saka muling nilingon ang kapatid kong takang nakatingin sa amin.
"Kuya, what happened to your face? And Papa, you shouldn't call Kuya a malas 'cause that's bad. You're not bad, Papa."
Mabuti pa ang bata, alam kahit papaano ang tama at mali. Isang senyas lang ni Papa ay halos manginig ang kapatid ko sa pagtakbo paakyat ng hagdanan. Nagawa pa niya akong lagpasan ng hindi tinitignan kahit na bakas sa mukha niya kanina ang kuryosidad sa kung ano ang nanguari sa mukha ko.
Isang malakas na suntok ang nagpaluhod sa akin. Hindi ko inasahan sa biglaang kilos na iyon ni Papa kaya halos maisuka ko ang laman ng tiyan ko sa pagkabigla at sa lakas ng pwersa niya.
"Simula ngayon, bahay at paaralan na lang ang pwede mong puntahan, naiintindihan mo?" Namimilipit man, nagawa ko pa ring tumango at tumugon sa tanong niya. "Sumagot ka! Pinapatunayan mo lang na ang mga gaya mo ay mga walang respeto!" Isang sapak ang natanggap ko na siyang nakapagpaiyak na sa akin.
Hanggang kailan ba, Pa? Hanggang kailan mo makakayang saktan ang sarili mong anak? "Opo, Pa."
"Huwag mo akong tawaging Papa dahil wala akong anak na bakla! Magpakalalaki ka muna bago mo ako tawaging Papa!" Napaupo ako sa hagdanan nang itulak niya ako saka nilagpasan.
Anong gusto niyang itawag ko sa kaniya? Rony Alberto? Baka lalo kang niya akong sapakin kung ganoon. Ipinilig ko ang ulo ako at tumawa sa mga naiisip. Nababaliw na yata ako. Paano ko nagagawang mag isip pa ng mga kalokohan sa kabila ng mga pinagdadaanan ko ngayon?
Halos araw-araw ay ganoon ang nangyayari sa akin. Hatid sundo na rin niya ako sa school at wala akong kawala. Almusal ko ay sampal at ang hapunan ay suntok. Kung minsan ay may pa-midnight snack pa na pinaghalong sapak at sampal. Ibang klase, hindi ba?
Madalas na rin akong makarinig ng mura ngunit hindi ko na lang inalintana. Nakakawalang gana. Nakakasuka. Tanging ang bunsong kapatid kong si Kelly lamang ang nagbibigay ng ngiti sa akin. Ang isang batang walang muwang ang tanging nagbibigay liwanag sa mundo kong ngayon ay nandidilim na.
"Ano? Lalaki ka na ba?" Huminga ako ng malalim at umiling kay Papa. Wala pa mang isang segundo ay isang suntok sa sikmura na naman ang natanggap ko. Gusto kong sumigaw at lumaban ngunti hindi pwede. Gusto kong humiling na kung hindi niya matiis na hindi ako saktan, sana s aibang parte naman ng katawan ko ang suntukin niya dahil bugbog sarado na ang tiyan at mukha ko. Sirang-sira na ang ganda ko. "Aaraw-arawin ko ang pagdidisiplina sa iyo hanggang sa matauhan ka at maisipang magpakalalaki ulit!" Sigaw niya na animo'y ganoon kadali ang gusto niya.
Kung pwede lang pa, edi sana matagal ko ng ginawa. Kung kaya ko lang na magpakalalaki agad, edi sana ginawa ko na para hindi na umabot sa pambubugbog mo. Ngunit anong magagawa ko kung ganito talaga ako? Hindi ko naman kasalanan na maging ganito ako. Ito ako at ang tanging hiling ko lang ay matanggap niyo na ako.
Sa dinami-dami ng mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya at sa pamilya ko ay wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko maliban sa 'opo' na may kasamang tango. "Uuwi ang kuya mo sa linggo. Ihand amo ang sarili mo dahil magsasanay ka para bumalik iyanh p*********i mo at mawala ang kahibangan mong bakla ka." Umisa pa siya ng sapak bago ako tinalikuran at inatasang maligo na.
Para akong isang robot na walang ibang alam gawin kundi ang sumunod sa sinasabi ng iba kahit na abusadong-abusado na. Walang hiya, Ronaldo. Bakit kasi hindi ka marunong lumaban?