“ANO BA DAPAT? I think it's...l-lust?” pinitik ni Kleya ang noo ni Alexander, “aray, g*ga! Anong problema mo ah?!”
Sinamaan siya ng tingin ni Kleya, “the professor seems serious with you, Babe”
“And you are okay with that? Kapatid ka ng fiance niya, he's flirting with me, and vice versa. I'm feeling guilty, Kley. I don't want him bothering me. And I'm trying to avoid him pero siya itong lapit nang lapit sa akin,” seryosong saad ni Alexander.
Umupo ang kaibigan sa tabi niya, “may part sa akin na ayaw ko, may part din na okay lang sa akin. And he asked me kung boyfriend ba kita? Sinabi ko, hindi and so, we talked about you when we're in your aunt's place. He was asking, and I answered him, well except with the fact that you're Black Swan. Masyado s’yang interesado sa'yo, Babe eh. Parang wala nga s’yang pakialam na ang kaharap niya ay ang kapatid ng magiging asawa nito. Ano ba talaga ang ginawa mo, huh? Ginayuma mo ba?” natatawang tanong nito.
Napairap siya, “hindi ko kasalanan na masarap talaga ang p*ke ko---”
“May p*ke ka? HAHAHA”
“Imaginary p*ssy,” pagkatapos ay sabay silang natawa. Humarap si Alexander sa kaibigan, “hindi kaya si Black Swan ang hinahanap niya at naramdaman niya lang sa akin ‘yon? He was blinded, Kley. And what if I'm not really Black Swan? Edi hindi niya gagawin ang ginagawa niya sa akin ngayon. I-I’m afraid...na habang palapit nang palapit ako sa kaniya, malalaman niya ang totoong pagkatao ko. H-Hindi ko ata matatanggap ang kahihiyan na ‘yon and what if he'll use it t-to b-blackmail me?”
Natatakot siya sa isiping ‘yon. Alexander once dream to be love by someone who'll accept him truly and what he does. Gusto niya na magsisimula ang love story nila sa magandang tagpuan at magtatapos ng happy ending pero imposible sa taong kagaya niya, he's a gigolo who sells his body for money. Nakakadiri at kung itatambal man siya sa kung sino, magmumukha siyang basahan.
“P-Pa’no kung nagustuhan niya lang ako, Kley dahil ako si Black Swan? P-Pa’no kung nagustuhan niya lang ako dahil sa napunan ko ang kagustuhan niya? P-Pa’no kung tumagal siya sa’kin, magsasawa rin siya? Y’know, w-we can't really differentiate our feelings, baka pagnanasa lang ang naramdaman niya sa’kin---”
“Ba’t ba sa’yo? Pagmamahal? You love him?” seryoso ang pagkakasabi ni Kleya n’on at tila pinapamukha nito sa kaniya na ganoon talaga ang feelings niya sa binatang propesor.
Natahimik siya sa sinabi nito. Pinuproseso ang bawat salita at ang salitang ‘love’. Napapikit siya at pumasok sa utak niya ang imahe ng binatang propesor. His heart is now beating so fast. Handang-handa na lumabas sa ribcage niya.
Biglang napabangon si Alexander sa higaan at nagulat si Kleya sa ginawa niya ngunit mas nagulat siya sa sarili. Tinampal-tampal niya ang sarili para maibsan ang init na nararamdaman niya sa pisngi at ang nag-iinit niyang puso.
“You love him...” pag-uulit ng kaibigan ngunit may finality sa boses nito.
Indeed, he is. He bet it was love at first sight at the bar. Tinatago niya lang at umaaktong galit-galitan. Masyadong lame pero ‘yon talaga ang nararamdaman niya.
Narinig ni Alexander ang mahinang tawa ni Kleya, “stop imagining him, Babe. Baka madapa si Sir. So...what is it now? After realizing your true feelings with him, what now? Magco-confess ka sa kaniya? Ano ba kasing pinag-usapan niyo?”
“He gave me three days to think tapos hindi rin pala tatanggap ng ‘no’, hindi niya raw ako guguluhin a-and he said that h-he’s going to e-end it with your...s-sister?” Alexander awkwardly said. Kinabahan siya nang walang naging reaksiyon ang kaibigan. Now, he's feeling guilty again. Wish he hadn't met the young professor. Hinawakan niya ang kamay ni Kleya, “pinigilan ko naman siya, Kley pero hindi talaga magpaawat, nag-away pa nga kami eh”
Tumaas ang isang kilay nito, “why are you explaining? I'm going to support you. It was Sir Cain's decision, Babe, just let him be. Hayaan mo ‘yon si Ate. Parang pinilit niya nga lang si Sir eh at mas bagay kayo,” nginitian siya ni Kleya.
Kinurot niya ang kamay nito na hawak-hawak niya, “insecure ka na naman sa ate mo kaya nasasabi mo ‘yan---”
“Hindi ah! Nabwe-bw*sit lang talaga ako sa babaeng ‘yon, mas malandi pa ‘yon sa’yo eh,” mas kinurot pa ni Alexander ang kamay ni Kleya kaya hinila nito ang sariling kamay, “at least ikaw may limitation, eh si Ate?! Nagdala ba naman ng lalaki sa mansyon at nakipag-s*x sa pool! Porque wala sila Mama n’on eh inabuso niya!” inis na sabi nito.
Nagkuwentuhan at nagtawanan lang silang dalawa sa loob ng Clinic hanggang sa natapos na ang klase nila. May isang nurse na pumasok sa Clinic at nagtanong na okay na ba si Alexander na ipinagtaka ni Alexander ngunit sinagot niya pa rin ito. Sunod na pumasok si Jevon na inaya sila na mag-bar, kasama nito si Leeram.
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na kumibit-balikat. Dumiretso silang apat sa parking lot habang akbay-akbay ni Jevon ang kaklase nilang si Leeram.
“Ano bang nagustuhan mo sa kaniya, Leeram? Alam mo bang kahit sino-sino na pinapatulan niya?” pinanlakihan ni Jevon ng mga mata si Alexander na tumawa lang, “kung ako sa'yo, huwag kang jumowa ng tulad niya. Mapanakit ang gan’yang mga tao,” nakangising saad ni Alexander at inayos ang suot na seatbelt.
Nakasakay sila ngayon sa kotse ni Jevon at katabi nito si Leeram na nasa front seat habang silang dalawa ni Kleya sa back seat.
“F*ck---oh sorry, love. Nadulas lang, hindi na mauulit---”
“Love? Sinagot mo ba ang g*gong ‘yan, Lee?” namula ng husto si Leeram. Napailing si Alexander nang makita ‘yon. Masyadong inosente ang lalaking ‘to para sa kaibigan niyang f*ckboy lalo pa’t cheater ang g*go. Minsan nga eh iyon ang kadalasang rason ng pag-aaway nila. Alexander won't tolerate cheating in his friends. Hinila niya ang buhok ni Jevon na napadaing sa ginawa niya, “sinagot ka niya kasi pinilit mo. ‘Wag na ‘wag mo lang sasaktan, lagot ka sa’kin---”
“A-Actually, h-he didn't f-force me, I-I...o-oh, s-sorry for...c-cutting you o-off, M-Mr. President...” nahihiyang lumihis ng tingin si Leeram kay Alexander.
Nagkatinginan si Alexander at Kleya. He's right, Leeram’s too adorable for Jevon. A pure little rabbit and Jevon’s the wolf ready to eat its prey who is Leeram.
“You’re so cute, love, when you're talking,” Jevon said chuckling. Pinisil nito ang pisngi ni Leeram.
Tumikhim si Alexander, “drop the formalities, Leeram. Just call me Alex, kaibigan ako ng siraulong jowa mo,” nahihiyang tumango ang lalaki. Hindi na ito nagsalita at naintindihan niya ‘yon. Leeram’s afraid to be judge because of his problem when talking. He has an autism.
NARATING nila ang bar at mula sa labas ay maaamoy na ang pinaghalong amoy ng sigarilyo at alak. Napansin ni Alexander ang mahigpit na kapit ni Leeram sa kaibigan niya habang si Kleya naman ay klarong-klaro ang pananabik sa mukha.
“Don’t be afraid, love. I'm here,” narinig niyang bulong ni Jevon kay Leeram.
Napairap si Alexander nang marinig ‘yon. ‘He’s sure persistent on getting Leeram enter his world. Sa pagpipilit niya, baka bumigay si Leeram at makipag-break sa kaniya. Hay naku, Jev...’ Alexander thought.
Nang makapasok sila, bumungad ang mga taong nagsasayawan, nag-iinuman o ang iba’y halos mag-s*x na. Umupo sila sa bakanteng lamesa na malapit sa bar counter.
Sa paglingon ni Alexander sa kaliwa, hindi gaanong malayo sa puwesto nila, sumalubong sa kaniya ang apat na lalaking may suot na mask habang kaliwa’t kanan ang mga babaeng kasama nila. Ang dalawang lalaki na medyo malalaki ang katawan ay nakasuot ng puting maskara habang sa kabilang upuan naman ay itim ang maskarang suot. Masinsinan ang mga ‘tong nag-uusap.
Napakunot-noo si Alexander. May mask party ba na hindi niya alam? Natarantang napaiwas siya ng tingin nang mapatingin ang lalaking nakaputing maskara sa puwesto nila.
‘Naramdaman niya ba na nakatingin ako sa kaniya?’ sa hindi malamang dahilan ay kinabahan si Alexander.
Nang tumagal sila sa bar, mas dumoble ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib nang makarinig siya ng malakas na putok ng baril at dahil doon, natigil ang kasiyahan ng mga tao. Nagsimulang maghiyawan, magkagulo at ang iba ay nag-uunahan sa paglabas ng bar.