“MARUPOK KA RIN. Pinilit ka pala no'ng una pero mukhang enjoy na enjoy ka naman. Alam ba niya na iisa kayo?” tanong ni Jevon kay Alexander.
Natapos na ang pagkukuwento ni Alexander sa dalawa at gusto niyang matawa sa naging reaksiyon ng mga ‘to. Inis na inis si Jevon at si Kleya na hindi maipinta ang mukha.
“I-I really don't know, Jev. H-Hindi ko naman siya narinig magtanong,” kinakabahang saad niya. Sana pala hindi na siya nakipag-s*x sa binatang propesor. Baka malaman pa nito na ang naka-s*x nito sa bar ay siya at natatakot siya sa isiping huhusgahan nito ang kaniyang pagkatao kung malalaman nito ang totoo. He's been keeping it pero ginugulo ng binatang propesor ang utak niya ilang araw na, “naguguluhan din ako, Jev eh. No'ng una ay galit na galit ako sa kaniya pero n-ngayon...”
“Huwag mo sabihing---”
“Mr. Maghirang!” biglang bumukas ang pinto ng clinic at bumungad sa kanila ang hinihingal na propesor, si Sir Cain. Kaagad na dumapo ang tingin nito kay Alexander. Nawala ang kaninang nag-aalalang mukha nito na ipinagtaka niya, “f*ck! I thought something happened to you,” lumapit ito sa kaniya kaya mabilis siyang napatayo sa upuan.
“Wait nga, Sir. Anong ‘something happened to you’? And how did you knew I was here?” naguguluhang tanong niya sa binatang propesor.
“I was looking for you.”
Tinaasan niya ito ng kilay, “at bakit naman, Sir? Kani-kanina lang ay magkasama tayo, grabeng pagka-miss ‘yan ah---”
“I really miss you,” walang halong biro o kahihiyan, seryoso ang pagkakasabi ng binatang propesor na nagpatameme kay Alexander.
Unti-unting nag-init ang kaniyang mukha. Nagtitigan lang ang dalawa ngunit hindi iyon nagtagal dahil magkasabay na tumikhim sina Jevon at Kleya.
“Ganito pala pakiramdam na maging invisible, Kleya ‘no? Medyo masakit. Tapos itong si Sir, kulang na lang eh hahalikan na ang kaibigan namin,” natatawang saad ni Jevon pagkatapos ay pinasadahan sila ng tingin. Napasinghap ito, “woah, can't believe that you're wearing same clothes...”
“You told them?” bulong sa kaniya ng binatang propesor na tila hindi apektado sa panunuya ng kaibigan niya, “I’m not against to it. I'm happy that you told them about us.”
‘Us? Ginag*go ba ako nito? Walang tayo oy’ nasa isip niya. Napatingin siya kay Kleya na nakatingin pala sa kaniya. Sh*t talaga, heto na naman ang konsensya niya.
“Sir.” seryosong nilingon niya ang binatang propesor, “can we talk?”
Nang marinig iyon ni Jevon ay nagsalita ito, “pwede kayong mag-usap dito, Sir. Tara na, Kleya. Hoy, Kleya lutang. Mag-uusap sila oh. Excuse me, Sir”
Hindi na nakaangal si Alexander sa sinabi ni Jevon. Ayaw niya talagang mapag-isa kasama ang binatang propesor at wala rin siyang choice kundi dito na lang mag-usap kaysa sa labas, baka pagtitinginan pa sila ng ibang estudyante.
Nakalabas na ang dalawa at pumasok na naman sa sistema niya ang kaba. Sinusubukan ni Alexander sa sarili na kumalma kaya umupo na lang siya sa higaan.
“What do you want to talk about, Alex?” naupo ito sa kaninang inupuan niya. Natawa pa nga ito dahil sa unan na nilagay niya. Inalis din nito iyon at tinapon sa hinigaan ni Kleya.
Umiwas siya ng tingin sa binatang propesor dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. Seryoso pero may pananabik.
Tumikhim siya, “please, Sir, stop annoying me. You see, I'm your student, you're my professor. You're engaged, I'm your fiance's sister's best friend. W-Why are you doing this?” naguguluhang tanong niya. Marami siyang gustong itanong dito at iisa-isahin niya. Gulong-gulo na kasi ang isipan niya simula ng makita niya ito ulit at ang malala pa ay naulit na naman.
Hindi sumagot ang binatang propesor kaya kinabahan si Alexander. Wala siyang balak na lumingon dito. Baka nandidilim naman ang mukha nito kagaya ng kanina sa Hermosa Hotel... ‘Wait, what? Hermosa Hotel?’
“Look at me, Alex, when you're talking,” bigla nitong salita. Hindi pa rin siya lumingon sa binatang propesor. Nagsalita ulit ito na mas lalong nagpadagdag sa kaba niya. Malakas ang boses nito at nakakatakot na dumagundong sa loob ng clinic, “D*MN, ALEX! I SAID F*CKING LOOK AT ME!”
Nanlalaki ang mga matang napalingon si Alexander sa binatang propesor. Bakas na bakas sa mukha niya ang takot habang nandidilim naman ang mukha nito.
Hindi maipaliwanag ni Alexander ang napapansin niya sa binatang propesor. Kahit pa gaano ka-sweet ang mga salitang lumalabas sa bibig nito, ganoon naman kawalang emosyon ang mga mata nito. Magalit man ito ay ganoon pa rin at tila wala itong takot sa posibleng mangyari dahil sa pakikipaglandi nito sa kaniya ng lantaran. Engaged na nga ito pero kinukulit pa rin siya.
“I-I’m going o-out, Sir. K-Kailangan mo munang kumalma,” tatayo na sana si Alexander nang hinila siya ng binatang propesor. Hindi niya tuloy nabalanse ang sarili kaya saktong natumba siya sa kandungan nito, “S-Sir...”
Malakas na kumabog ang kaniyang dibdib nang ipinulupot nito ang braso sa beywang niya na tila nagbabanta na huwag siyang umalis. Nagbago rin ang ekspresyon nito, hindi na nandidilim.
“I’m sorry,” marahang saad nito. Gusto niya mang huwag tumingin sa mga mata nito ay hindi na niya ginawa. Baka magalit na naman kasi. Napalabi ang binatang propesor, “please, Alex, don’t mentioned it anymore. I just don't want talking about it”
They need to talk about it! Hindi na makatarungan ang ginagawa nila. Ngunit heto siya, natutuliro na naman sa mga titig nito. May mali nga ito ngunit mas malaki ang kamalian niya. Ayaw na niyang ma-involve pa sa binatang propesor.
“I-I don't plan to be your mistress, Sir. A-And...about Kleya. H-Hindi kaya ng konsensya ko ang g-ginagawa natin. W-Why are you being like this, Sir? Kung nagagalit ka p-po dahil sa pang-aasar ko sa'yo kaya ginagawa mo ito---”
“I’m not. You piqued my interest, Alex,” titig na titig na saad ng binatang propesor. Kinuha nito ang kanang kamay niya at hinalikan iyon, “I’m not planning to make you a mistress, that's why, I'm going to end it with her---”
“Sir---”
“Shh!” tinakpan nito ng daliri ang kaniyang mga labi, “whatever you'll say, Alex, still it won't change anything. You've been on my mind and I want you. And your friend ‘Kleya’, she's okay with us. But if you're doubting me, I'll give you three days to think. Hindi ako tatanggap ng ‘no’, better find excuses then. I'm going now, you can stay here. I need you to rest. Hindi kita guguluhin ng tatlong araw, that means, I'm not going to f*ck you so by that day, prepare your hole...”
Hinalikan muna siya nito sa labi at pinahiga sa kama ng clinic, “rest...” bulong nito sa kaniya.
Nang maiwan siyang mag-isa ay doon pa pumasok sa isipan niya ang lahat ng sinabi nito. Kinuha niya ang unan sa tabing higaan at pinagpapalo-palo sa mukha niya.
“F*ck!” he cussed as he bit the inside of his mouth. Inis na inis si Alexander sa sarili dahil wala man lang siyang naging palag sa sinabi ng binatang propesor. Tanging pagtitig lang sa mapang-akit nitong mga mata. Malakas siyang sumigaw, “AAAAARGH! WALA NA TALAGA AKONG MAGANDANG NAGAWA SA BUHAY KO! NAPAKALANDI KONG BAKLA, TITIG PALANG ‘YON AH PERO PARANG NANGHIHINA NA AKO! PA'NO PA KAYA KUNG LABASAN NA AKO NG ARI! EDI SH*T, BAKA ISUBO KO PA---P*TA NAMAN OH! MALANDI NA NGA, MARUPOK PA!”
Pagkatapos ay hinihingal na napatigil siya, “water! I need water---”
“Oh, ano na namang drama mo? Ikaw---”
“AY T*TI! Ano ba, Kleya?! Para ka namang aswang oh!” reklamo niya. Kinuha niya ang hawak nitong baso at ininom ang tubig na nasa loob n’on.
“Heh! Ngayon ka lang makakakita ng magandang aswang. Anyway, nakasalubong ko si Sir. Sabi niya, bantayan daw kita. Feel na feel maging prinsesa ni g*ga oh.”
“Eh ba’t nandito ka?” tinarayan niya ang kaibigan. Gusto niyang mapag-isa para kausapin pa ang sarili niya ngunit mas mabuti na rin ito para may malalabasan siya ng sama ng loob, “you can just leave me here alone. Huwag kang maniwala sa oa na propesor na ‘yon!”
Biglang sumeryoso ang mukha ng kaibigan, “tell me nga, Babe. What do you really feel about Sir Cain?”