" Ma kita mo yung itchura ng prinsesa dito sa bahay, naiiyak na." sabi ni Dina at tawang tawa pa ito.
" Magdusa siya pag wala ang daddy niya dahil siya ay isang katulong lamang. " Sabi ni Mildred.
" Pano pag nagsumbong yan sa tatay niya yari tayo." Sabi ni Dina
" Wag kang mag alala may plano nako, lalayas din yan at ikaw na ang papalit sa kanya, ikaw na anak ang magiging princess ng Dela Cuesta. " sabay ngisi pa ito.
" Wow talaga mama, panigurado sikat ako nito sa school. " Sabi pa ni Dina, si Dina ay 14 years old pa lang pero walang galang at bastos pa magsalita kagaya ng mama nito, palibhasa kasi lumaki sa magulong lugar na akala mo laging may digmaan.
Bigla akong dinalaw ng best friend ko. Pinapasok na ito ng guard dahil kilala naman na siya.
" Best anong ginagawa mo, bat ikaw ang naglilinis dyn, halika ka nga maupo ka muna." pinunasan nito ang luha ko, at tiningnan ang kamay kung namumula kakabuhat sa pang linis ng pool.
" Sinong nagpagawa sayo nito? " galit na tanong ni Sofia.
" Si ate Mildred best Pag di ko siya sinunod tatanggalin niya lahat ng alaala ni mommy. " Sabi ko habang umiiyak.
" Wait dyn ka lang, " Sabi ni Sofia sakin at siya na ang nagtuloy sa ginawa ko kanina sanay kasi ito sa gawaing bahay kaya walang wala ito sa kanya.
Di rin naman kami kita ng mag ina dahil nasa loob ang mga ito. Sabi ko na may something Kay ate Mildred, may balak pala talaga siyang apihin ako.
Ang sarap ng upo nila sa sala habang ako inutusan maglinis ng pool.
" Mia." sigaw na naman ni Mildred.
" Mia wag mong sabihin na nandito ako huh." Sabi ni Sofia.
" Mia ano ba ang tagal mo. " Sabi Mildred sakin at bigla nalang hinablot nito ang buhok ko nung nakalapit nako sa kanila,nasaktan talaga ako ng sobra.
" Ang panget ng lasa ng kape, alam mo ba Yun? tatanga tanga ka talaga Wala ka talagang alam sa buhay. " di pa ito nakontento at tinapon pa sa mukha ko ang kape nito buti nalang at di na gaanong mainit at naharangan ko din ng kamay ko.
" Yung swimming pool baka pumalpak ka pa dun. bweset ka." kinaladkad pa ako nito papunta sa pool, pero di nila alam na andun si Sofia nagtatago lang
" Masakit na ate, aray ko." sigaw ko habang umiiyak.
" Wala ka ng kakampi ngayon kaya wag ka ng mag inarte, kung gusto kitang saktan." bulyaw pa nito.
" di ko na alam kung ano ng itchura ko dahil tinapunan nako ng kape sa katawan ko tas ngayon kinaladkad pa ako.
" Sobrang sakit na po talaga aray ko ate." Yung nails din nito ay nakabaon na sa ulo ko at braso ko din.
Para na itong nasapian ng demonyo, Yung anak din nito tatawa tawa lang.
Di na nakatiis si Sofia at lumabas na ito sa pinagtataguan niya at tinulak nito si Mildred sa pool.
" Halikana Mia." hinatak ako nito at tumakbo kami papasok ng bahay at umakyat sa room ko.
Nag lock na din kami ng pinto.niyakap ako ni Sofia ng mahigpit.
" Mia isumbong mo na sa daddy mo tingnan mo nga yung ginawa sayo." Sabi nito
" Sa palagay mo maniniwala si daddy sakin Sofia? " Tanong ko at humaguhol ako ng sobra sobra.
" Tahan na upo ka muna kuhanan kitang tubig. " kumuha ito sa tubig sa ref at pinainom sakin.
" Alam kung papaniwalaan ka ng daddy mo, kailangan niyang malaman ang pag mamaltrato sayo ng bago niyang girlfriend. Lakasan mo ang loob mo, hindi porket siya na ang bagong jowa eh mananakit na siya." dagdag pa nito.
" Eh Pano yung mga gamit ni mommy baka itapon or sunugin niya. kaya lang naman ako sumusunod para di niya galawin ang mga Alaala ni mommy." Sabi ko habang humihikbi.
" Baka mas paniniwalaan pa siya ni daddy anong gagawin ko? "
" Mahal ka Ng daddy mo Mia kaya imposibling di ka paniniwalaan nun. sigi na maligo ka muna." pero bago pa ako nakatayo ay may tumatawag na sakin at galit ang boses nito.
" Mia." sigaw nito.
" Si daddy yun Sofia, bat galit siya? " Sabi ko at pinagbuksan ko ng pinto si daddy.
Nagtaka ito nung nakita niya ang itchura ko, Magulo kasi ang buhok ko, kita din niya na may luha pa ang mata ko at madumi ang damit ko dahil sa kape na tinapon ng bago nitong girlfriend sakin.
"What happen? Tanong nito sakin.
Di ako umimik at umiyak lang ako.
" Mia Anong ginawa mo sa tita mo? bat mo siya tinulak sa pool? andun siya sa baba iyak ng iyak dahil inaway mo daw siya." Sabi pa nito
Naunahan pa akong magsumbong tas mali mali naman ang mga pinagsasabi nito.
" Wala akong ginawa sa kanya dad, kita mo ba Ang itchura ko she hurt me dad, she even thrown me a coffee on my face. look at me dad do I look ok. Siya ang mapanakit dad hindi ako." iyak kung sabi pero mukhang di na ito naniwala sakin dahil naunahan nako ng impaktang yun.
" Ayusin mo na nag sarili mo, mag usap tayo mamaya." Sabi nalang nito at umalis na, kaya sinara ko na ang pinto, at umiyak nalang pagpasok .
" See that Sofia naunahan nako ng babaeng yun. I hate dad for allowing that woman to stay in our house." himutok ko Kay Sofia, nakikinig lang ito sakin.
" May isesend ako sa messenger mo huh baka makatulong para maniwala ang dad mo. Sigi na maligo kana, di Muna kita iiwan Hanggat di ka ok." Sabi sakin ni Sofia, Buti nalang may kaibigan akong handa akong damayan.
" Malalaman din ni daddy ang katotohanan, malalaman din niya na may sungay ang bago niyang jowa. Malalaman din niya na mapanakit ito at di ito Santa." Sabi ko habang yung luha ko ay ayaw tumigil sa pagtulo.
" Malalampasan mo din itong lahat Mia, pray ka lang at di kita iiwanan promise ko yan sayo. " Sabi ni Sofia n naiiyak na din dahil naawa sa sitwasyon ko.