" Ang sakit lang Sofia na mas pinaniwalaan pa ni daddy si ate Mildred, di ba ako yung anak niya? nakakatampo lang diba, parang mas mahal na niya ang babaeng sinungaling na yun, pinapalabas nilang masama ako. " hikbi kung sabi.
" hayaan mo na yun alam naman natin ang totoong nangyari kaya wag mo ng pansinin yun. Maligo kana muna Mia. " Sabi ni Sofia at pumunta nako sa banyo para maligo at inantay nalang ako ni Sofia sa kama ko, humiga muna siya para magpahinga na stress din siya sa nangyari kanina.
Pagkatapos kung naligo ay kinausap ako ni Sofia.
" Mia ayaw mo bang mag stay nalang sa bahay ng Lola mo, mas ok siguro pag dun ka, walang mananakit sayo dun." payo ni Sofia.
" Ayaw kung iwanan si daddy dito na mag isa Sofia, kaya ok lang kahit masaktan ako." Sabi ko.
" Wag ka naman magpa api lumaban ka Mia."
" Pano ako lalaban Sofia, kung tinatakot nila akong alisin nila ang mga gamit ni mommy di ko kakayanin yun. "
" Magpakatatag ka, pag aralan mo ang kilos nila, wag Kang papaapak sa mag inang yun." gigil na sabi ni Sofia.
" Anong balak mo ngayon, tingnan mo nga yang braso mo may pasa na, kahit kailan di ka sinaktan ng magulang mo Mia, kahit kurot man lang di nila ginawa sayo, tapos yung ibang tao ginaganyan ka lang. Nakakagigil sila Mia." dagdag pa nito.
" Di ko pa alam ang gagawin ko, pangalawang araw palang nila dito pero naghahasik na sila ng lagim. " Sabi ko
" Pag isipan mong mabuti ang mga gagawin mong hakbang, kung pwedi ka lang sana sa Bahay inuwi na kita dun, kaso lang may demonyeta din dun. nakakagigil pa naman yung itchura ng madrasta ko, lalayasan ko yun, antayin lang niya talaga at malapit na." Sabi nito
" 1 year nalang matatapos na tayo, pwedi na akong mag work sa manila at pwedi ko nang iwan si papa, total masaya naman siya Kay ate beth, mas pipiliin pa nun makasama ang madrasta ko kaysa sakin, pagod na din kasi ako Mia na labanan ang sarili ko na wag pumalag Kay ate beth. Ang malas natin sa madrasta." mahabang Sabi nito.
" Ako nga Sofia dalawang araw pa lang suko na agad ako, Isang taon pa, pano na kaya
ito. " Sabi ko
" kaya mo yan may choice ka naman eh, pwedi ka sa Lola mo, pwedi ka din umalis nalang kasi diba Sabi mo may savings na iniwan si mommy mo sayo, so di ka mahirapan kahit mamuhay ka mag isa.Ang kailangan mo lang talaga Mia lakas ng loob pag na overcome mo yan, magiging ok ang lahat. " paliwanag nito sakin.
" lakas ng loob." ulit ko sa sinabi nito.
" Ang duwag ko kasi, kaya ko bang mabuhay mag isa Sofia? di ko na alam ang gagawin ko, nakakapagod mag isip. " Sabi ko na litong lito kung anong dapat gawin.
" sanay ka kasi na may nag aalaga sayo, na laging may umaalalay sayo, Yun ang dapat mong matutunan, kailangan mong tumayo sa Sarili mong paa na di na kailangan ang yaya. Ang yaman niyo kasi Mia di rin kita masisi na mamuhay prinsesa ka kasi nga lahat may gumagawa na, at may Yaya ka pa na laging nandyn. " Sabi nito
" dahan dahanin mo lang matutunan mo din ang mga dapat mong matutunan. " dagdag pa nito.
" Akala ko talaga di na mag aasawa pa si daddy, Akala ko si mommy lang ang huli niyang mamahalin. Ang hirap tanggapin yung nangyari Kay mommy, pero ang hirap din tanggapin na nag Asawa pa si daddy ng bago at sobrang sama pa ng ugali. " sabi ko habang di napigilan ang mga luha na nag uunahang bumaba sa pisngi ko.
" tahan na Mia makakayanan at malalagpasan mo din itong lahat ng ito. " Sabi nito na mababakas sa mukha nito na sobrang nag aalala sa sitwasyon ko.
" baka naabala na kita Sofia baka hinanap kana sa Inyo, baka mapagalitan ka dahil sakin. " Sabi ko dito
" Wag Kang mag alala Kay papa ako nagpaalam, sabi ko may project tayong gagawin at kailangan kung pumunta dito sa inyo. "
" Dito ka na din ba matutulog ngayon? tawagan mo si papa mo paalam ka na di na kita pinauwi kasi di pa natin natapos ang project natin baka gabi na natin matatapos. "
" o sigi tawagan ko nalang. " at tinawagan na nga niya agad ang papa niya. Nag ring ito saglit at sinagot na matapos ang ilang ring naka loud speaker ito para daw marinig ko.
" Sofia napatawag ka." bungad nito
" Papa kasi di pa kami tapos sa project namin ni Mia, pwedi bang dito nalang ako matulog linggo naman po bukas eh. " Sabi nito
" oh sigi kung di pa kayo tapos, delikado din kung uuwi kang gabing gabi na mamaya, pero bukas ng umaga agahan mong umuwi mag sisimba tayo. " Sabi ni Tito
" thank you pa. " nakangiting sabi ni Sofia.
" you're welcome anak, ingat ka dyn. ikumusta mo nalang ako Kay Mia. bye anak."
" ok papa bye po. " at pinatay na nito ang tawag.
" Mamaya bababa tayo, oh gusto mo ngayon na. " Sabi ko habang nagpapatuyo na ng buhok sa hair dryer.
" mamaya nalang Mia tapusin mo muna yang pagpapatuyo mo ng buhok. " sagot nito.
Di ko alam pano ko haharapin si ate Mildred at ang anak nito.hahayaan ko nalang ba sila, ang daming tumatakbo sa isip ko.
" ako na magpapatuyo sa likod mo banda Mia para di ka mahirapan. "
" thank you Sofia, sana dito ka nalang tumira samin para may Kasama ako lagi, para may kakampi ako, para pag inaway ako nandyn ka para iligtas ako. Sana Sofia bumalik si Mommy no, sana kasama ko siya ngayon at hindi ang secretary ni daddy na impakta. " mahaba kung sabi.
Hanggang sana nalang talaga Mia, nagpapahinga na ang mommy mo sa heaven, kaya Ikaw magpakatatag ka para sa kanya, at para na din sa daddy mo.