Chapter 10 "Kamusta ang school? Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ni Nico kay Zawi habang nakaupo sila sa damuhan. Magdidilim na rin ang paligid. "Maayos naman. Day off ko ngayon," sagot niya rito. "That's good!" masayang sambit ng binata. "You can rest," dagdag pa nitong sabi. Ngumiti siya. "Ilang oras na tayong nakaupo rito. Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong niya sa binata. Imbis na sagutin siya nito ay pinanood lamang ng binata ang papalubog na araw. Tumingala ito sa langit at bumuntonghininga. "Ilang beses na kita napapansin noon. Naglalakad sa hallway, sa cafeteria kumakaing mag-isa. Naglalakad sa kalsada pagkatapos ng klase. Nakasuot ng headset at halatang walang pakialam sa paligid. Ngayon alam ko na kung bakit," anito bago nakangising bumaling sa kanya. "Ano ang rason?" intr

