Chapter 9 Maagang nagising si Zawi kinaumagahan. Namamanhid ang kanyang mga binti. Marahil ay dahil ito sa mahabang oras na pagtayo niya kagabi. Impit siyang bumangon dahil sumasakit iyon. Pikit-mata siyang bumuga nang mainit na hangin baho dumilat. Napapikit siya nang paglingon niya ay napansin niya kung gaano karami ang nalagas na buhok na nasa kanyang higaan. Tuluyan siyang nanlumo nang makita ang kanyang hitsura sa salamin. Nakakalbo na siya nang tuluyan. Wala siyang ibang sinisisi kundi ang kanyang sarili dahil sa isang pagkakamaling nagawa niya. "Good morning, Dee!" bati niya sa kanyang pusa na himalang hindi naupo sa kanyang mukha ngayon. "Kamusta ang tulog mo? Maayos ba?" nakangiti niyang tanong rito bagkus bakas sa boses niya ang kalungkutan. "Meow!" sagot nito pabalik. Hini

