Chapter 8 "Grabe ka naman, Lou!" reklamo ni Zawi dahil inubusan siya nito ng pagkain. Kabibili lang nila sa labas kanina at pagbalik niya galing sa kusina ay ubos na ang chichirya. "Sorry! Naaliw ako sa panonood," hinging paumanhin nito. Umismid lang siya. "Labas tayo!" "Ayaw ko nga! Ang init sa labas!" umaayaw nitong sambit. "Tsk!" "Eto, pera!" abit nito ng one-hundred-pesos sa kanya. Tinanggap naman niya iyon. Sanay naman na siya kay Lou. Hindi lang talaga ito palalabas. Sa kanya nga lang ito sumasama. At ngayong wala itong klase ay tumambay ang dalaga sa apartment niya. Sakto namang wala siyang klase kapag hapon ng miyerkules. "Isasama ko muna si Dee sa labas!" sigaw niya nang bago lumabas habang bitbit ang kanyang pusa. "Okay! Ingat kayo!" pasigaw nitong sagot. "Dee. Isasam

