Part 16

1963 Words

“Ang galing mo sigurong writer. Pati damdamin ng lalaki, kayang-kaya mong kapain.”  “Sa edad ko na ito at sa dami ng nakasalamuha ko at naranasan, madami na nga akong pinaghuhugutan.”  Hinintay niyang magkuwento pa si Bettina. Subalit tila itinuon nito ang atensyon sa pag-ubos ng kape nito. Napansin na lang nila na nag-iiba na ang kulay ng kalangitan. Nagsisimula nang gumuhit ang kulay orange sa malawak na kadiliman.  “Malapit na ang sunrise,” sabi ni Bettina.  Habang lumalawak ang kulay orange na nasasalitan ng kulay dilaw ay nararamdaman din nila ang komosyon ng iba pang nag-aabang ng bukang-liwayway. Ang iba ay nagse-set up pa ng tripod habang ang iba ay masaya nang itutok ang cellphone ng mga ito sa inaabangang pagsikat ng araw.  “Hindi ka ba kukuha ng picture?” baling niya sa bab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD