NAGMULAT ng mga mata si Honey sa isang di-pamilyar na lugar. Awtomatiko ang paggapang ng lungkot sa dibdib niya. Nag-iisa lang siya sa silid. Nag-iisa. Mas dama niya ngayon ang kahulugan ng salitang iyon. Piping umiyak ang puso niya. Dinama niya ang tiyan. May pagsuyo na hinaplos iyon. At saka ipinaalala sa sarili na kailangan niyang maging matatag. Mabigat man ang loob ay bumangon siya. Lampas alas singko pa lang nang umaga. Ni wala siyang nauulinigang ingay sa labas. Kungsabagay ay wala namang nakikiramay ng ganoon kaaga. Kinuha niya ang damit na binaon ni Dulce para sa kanya. Kanina ay kinalabit siya ng mga ito para magpaalam na uuwi para pumasok sa trabaho. Nangako ang mga ito na babalik na lang. She started her morning care. Nang matiyak niyang maayos na ang sarili ay lumabas siy

