NAGHIHIMUTOK ng labis ang kalooban ng engkantadang ngayon ay tuluyan nang pumalit sa posisyong iniwanan ni Daru—ang pinuno ng mga bandido. Hindi niya lubos maisip na minsan lamang siya natutong umibig, ngunit binawi pa sa kaniya nang ganoon kabilis. Ang buong akala niya’y makakasama niya ito hanggang sa kaniyang pagtatagumpay at siyang kaniyang magiging hari, subalit kahit ang bangkay nito, maging ng mga kasamahan ay hindi na niya nasilayan pa. Nabaling ang kaniyang tingin sa dilaw na bulaklak na minsa’y iinalay sa kaniya ni Daru. Labis ang kaniyang nadaramang lungkot dahil lanta na ito at sa lilipas pang mga araw ay tuluyan itong matutuyo. Makahanap man siya ng bulaklak na katulad niyon, hindi niya na maibabalik ang pagkakataong nawala sa kanila. Hindi niya na maibabalik pa ang buhay ng

