Heartless

2350 Words

NAGISING si Rufus sa kaniyang sariling ungol. Isang masamang panaginip ang dumalaw sa kaniya na tila ba isang masamang pangitain. Subalit ganoon na lamang ang kaniyang pagtataka kung bakit sa loob ng ilang araw na hindi siya makabangon, ngayon ay naigagalaw niya ang kaniyang katawan. Kaya naman, marahan siyang naupo. Sa katahimikang nakapaligid sa kaniya, ang kaniyang diwa ay tila ba lumilipad sa kung saan. Ibig niya sanang tawagin ang kaniyang mga minamahal subalit hindi niya magawang bumigkas ng kahit na ano. Pinili niya lamang ang manahimik at maghintay. Hindi naglaon, naulinigan niya ang mga yabag na papalapit hanggang sa biglang lumangitngit ang bumukas na pinto. Mula sa labas ay nakangiting tumuloy si Agor, hawak ang kaniyang tungkod. Sa halip na magwika ay napatitig si Rufus sa tu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD