Luzia

2126 Words

NAGNGANGALIT ANG MGA ALON sa karagatan. Malakas ang hampas nito sa dalampasigan. Katulad ng mga sigaw ni Luzia na pinagagalitan ang kaniyang mga utusan at mga kawal. Nanginginig sila sa takot tuwing magwiwika ang kanilang reyna. Maya’t mayang mauulinigan mula sa kaniyang luklukan ang mga pagsabog dahil sa paggamit nito ng kapangyarihan. Ang mga kawal na nakabantay ay nagtatapang-tapangan na lamang at tinitiis ang sakit sa tuwing sila’y masasaktan, sapagkat wala silang boses para pakinggan. Mistula silang mga sunud-sunuran at walang karapatang magsalita. Kaunting pagkakamali, kung hindi latigo ay piitan ang kasasadlakan. “Hanapin ninyo ang paslit na iyon, walang uuwi nang hindi siya kasama! Kung hindi, kayo ang malilintikan sa akin!” sigaw nito. Nanlilisik ang kaniyang mga matang mistulang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD