Unleashing Her Prowess

2243 Words

NAGNGANGALIT ang mga balaraw na pinakawalan ng dayuhan bilang pag-atake sa reyna. Ang lahat ay nangamba para kay Esmeralda, lalong-lalo na si Satur at ang kaniyang mga kaibigan. Noong una’y nasasalo ni Esmeralda ang mga ito, nang magsabay-sabay ang pag-atake ay bigla na lamang lumikha ng kalasag ang liwanag na nagmula sa mga palad niya. Maging siya man ay nagulat sa kaniyang nagawa, subalit pinanatili niya ang kaniyang pansin sa kalaban. “Ano’ng kasalanan ko sa `yo, dayuhan?” maluha-luhang tinuran ni Esmeralda sa pagitan ng kanilang pagtutunggali. “Tinulungan kita. Iniligtas ka namin buhat sa posibleng kamatayan, tapos ito pa ang igaganti mo?” Sa kabila ng mga tinuran ng reyna ay nanatili ang pagiging palaban ng umaatakeng dayuhan. Sa kaniyang mga mata ay mababakas ang pagiging determina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD