The Union

2091 Words

NAGKAKAISA AT NAGTUTULUNGAN ang mga Safferian. Ang lahat ay abala sa paghahanda sa pinakamalaking selebrasyon na magaganap. Ibig nilang maging espesyal ang pag-iisang-dibdib nina Esmeralda at Satur na siya ring magpapalakas ng bagong pamunuan ng buong lupain. Pinaghati-hatian nila ang mga gawain upang mapadali ang mga ito. Ang ilan ay naghahanda para sa kanilang pagsasaluhan, ang iba naman ay sa pagpapaganda’t paglalagay ng palamuti sa palasyo, higit na sa gaganapan ng ritwal at ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak naman ay sa kanilang mga kasuotan. Ang mga kawal naman ay pinag-igting ang pagbabantay sa buong palasyo, bukas man sila sa mga panauhing dayuhan. Mula sa nakabukas na tarangkahan ng palasyo—namumutiktik ang mga bulaklak sa daan, hanggang sa loob ng bulwagan at higit sa l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD