ISANG NATATANGING GABAY. Lakas at inspirasyon. Paano kung ang haligi ng kanilang mga buhay ay unti-unti nang manghina? Paano kung maging ang pinakamahusay na babaylan ng kaniyang henerasyon ay hindi matukoy ang karamdamang tila anay na sumisira sa isang matatag na nagsisilbing haligi ng palasyo? Ang pamilyang muli nilang binuo ay muli rin bang wawasakin ng kapalaran? Nang magdilat ng mga mata si Rufus ay natagpuan niya ang kaniyang sariling napalilibutan ng kaniyang pamilya at mga kaibigan. Ang mga ito ay mataman ang pagkakatitig sa kaniya at mayroong bahid ng luha sa mga mata. Sa kaniya namang tabi ay naulinigan niya ang mga hikbi ni Elenor. “Ano’t tumatangis ka na naman? Hindi ka ba nagsasawa? Tumahan ka na at h’wag nang malungkot,” wika niya. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagka

