MAKABULUHAN, MISTERYOSO, nakamamangha at nakaantig ng damdamin. Iyon ang hatid ng mga naganap sa pagtitipong inihanda ng hari para sa buong Safferia na noong una ay ang ianunsyo lamang ang kaniyang pag-alis sa trono at pagkakaroon ng karamdaman ang layunin. Hindi man nila napaghandaan ng lubos ang mga sumunod na naganap ay tiniyak naman ni Saffira na tatatak iyon sa kanilang kasaysayan. At siya namang bumago sa mga buhay ng inaaping mga alipin. Tunay na mayroong mga pangyayaring hindi nila kontrolado sapagkat higit na nalalaman ng bathala ang tamang panahon at kung ano ang nararapat at makabubuti. Kadalasan ay hindi iyon ang kanilang mga pasya. Kadalasan, ang lahat ay taliwas sa kanilang inaasahan. Maliban sa maraming nagbago sa pagsapit ng bukang-liwayway na iyon, kabilang na ang natata

