Forces

2228 Words

SUGATAN man ang mga bandido, nag-iibayo pa rin ang kanilang mga lakas. Ang ilang mga bumagsak ay nagkaroon muli ng malay. Matapang nilang binunot ang mga matatalas na yelong bumaon sa kanilang mga katawan. Imahe sila ng mga nilalang na lalong tumatapang habang nasasaktan. “Mahal na reyna, malakas pa rin ang kanilang puwersa,” wika ni Heleina sa anyo nitong lambana. “Kaunti na lamang ang mga kawal na lumalaban. Ang mga sugatan ay paisa-isa nang naililikas. Hindi magtatagal ay lalong hihina ang ating lakas. Wala na sina Ruru at Oruza para tulungan tayo. Nag-aalala rin ako para sa kanila.” “Hindi sila pababayaan ng babaylan,” mariing tugon ng reyna. “Naniniwala ako roon. Kailangan natin silang bawian. Hindi tayo maaring umatras dahil nandito sila sa ating lupain.” “Ngunit ano’ng gagawin n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD