BINULABOG ANG BUONG pamayanan ng Safferia ng malakas ng tunog ng batingaw. Ang lahat mula sa kani-kanilang ginagawa ay nabaling ang tingin sa palasyong tila inaagaw ang kanilang pansin. Tila napuno ng kulay at buhay ang palasyo nang araw na iyon. Namangha ang lahat maging sa kalikasan na mistulang nagdiriwang din. Mistulang nagsasayaw ang mga puno sa banayad na ihip ng hanging may marahuyong himig. Hindi naglaon ay nagliparan ang libo-libong ibong naghulog ng mga puting bulaklak sa buong Safferia. Hindi man nila malaman kung saan iyon nagmula, batid nilang nagdiriwang din si Saffira. “Tinatawag na ng palasyo ang pansin ng lahat,” naibulalas ng isa sa mga engkantado sa taniman ng trigo. “Nakatutuwa naman. Ang lahat ng Safferian ay iniimbitahan sa pagtitipon. Tiyak na masasagot na rin ng

