The Bandits

2245 Words

KASALUKUYANG nananaig pa rin ang katahimikan sa buong Safferia sa kabila ng malakas na lindol na naramdaman sa Danaw ilang araw na ang lumipas. Naging palaisipan ito sa lahat, ngunit nang dahil sa wala namang naganap na kakaiba matapos ang pagyanig ay pinili nilang h’wag mabuhay sa takot. Ipinagpatuloy na lamang nila ang pagsasakatuparan ng mga nakabinbin na gawain para sa higit na ikauunlad ng kaharian. Hanggang isang araw, isang engkantado ang humahangos na dumating sa palasyo at hinahanap ang reyna. “Mahal na reyna, may kakaibang nangyayari sa kagubatang malapit sa taniman ng trigo,” pagbabalita nito sa reyna isang umaga. “Ano iyon?” naibulalas ni Esmeralda. “Nang nagdaang mga gabi ay nauulinigan namin ang ingay ng mga hayop na nananahan doon,” salaysay ng engkantado. “Ngayong umaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD