MALAMLAM ANG LIWANAG ng asul na hiyas sa kaniyang kinalalagakan. Habang mistulang bihag sa loob ng malakuryenteng liwanag na nagbibigay sa kaniya ng proteksyon upang hindi makuha ng iba. Ang mga matang ganoon na lamang ang kasakiman sa kapangyarihan ay nagniningning mula sa pagkakatitig sa hiyas at habang pinapanood ang nangyayaring pagkakatunaw ng mga tipak ng yelo sa kabilang dako. “Sige pa!” mariing naibulalas ni Luzia. “Lamunin n’yo na ang mga lupaing katunggali ng Danaw. Kitilan n’yo sila ng buhay. Hindi maglalaon ay ako na lamang ang nag-iisa at makapangyarihang reyna sa buong sansinukob.” Muling umalingawngaw ang kaniyang halakhak sa buong palasyo. Mula sa pagkakatitig sa hiyas ay nanumbalik sa kaniyang alaala kung paano napunta sa kaniyang mga kamay ang asul na hiyas. Nag-aagaw

