The Rebellion

2129 Words

MISTULANG binuhusan ng malamig na tubig si Quintal nang mapaghulo na mayroong kasama si Willar at makilala ito. Hindi niya akalaing pagkatapos ng mahabang panahon ay sa ganoong sitwasyon sila muling magkakatagpo ni Vidal. Napatigagal siya. Ang kaniyang mahigpit na pagkakahawak sa kaliwang kamay ni Willar ay unti-unting nawalan ng lakas. Napatungo siya na tila ba napapaso sa mga titig ng salamangkero. “Hindi ko akalaing nandito ka sa Danaw,” kunot-noong naibulalas ni Vidal. “Ano ang kinalaman mo sa mga ito?” Mabigat ang tanong na binitiwan ni Vidal sa kaniyang kaharap. Mababakas ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. Pinanghinaan siya at halos maluha-luha. “Ano’ng ginagawa ninyo rito, guro?” halos pabulong na balik-tanong ni Quintal. Hindi niya pa rin maiangat ang kaniyang mukha upang harap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD