NAPAPATIIM-BAGANG na lamang ang lahat sa pagharang ni Willar sa kawal na sana’y tuluyan nang papaslang sa malupit na reyna. Sina Quintal man at Vidal ay nagulat sa ginawa nitong pagtutol. Napaslang ang kaniyang tunay na mga magulang na kaniyang ikinaulila at ikinasawimpalad nang dahil kay Luzia, subalit hindi iyon naging hadlang sa mistulang paggawad ng kapatawaran at awa. Sa kanang kamay ng paslit na humarang sa espada ay pumatak ang sariwang dugo. Mistulang paglalagda sa kaniyang naging pagpapasya. Dumaloy iyon sa kaniyang braso bago pumatak sa pisngi ni Luzia. Ito man ay nagulat sa nangyari, ngunit hindi na makapagbigay ng kaniyang sariling reaksyon. Kaagad na nilapitan ni Quintal si Willar. Tinanggal niya ang bandanang nakatali sa kaniyang buhok at kaagad na ipinulupot sa nagdurugon

