NAGKALAMAT ang mapanganib na harang sa b****a ng kuweba na likha ng kung sinong nangahas na pumasok doon. Mula sa pagkakatarak ng balaraw ay mistula itong salaming nabasag at nagkapira-piraso. Matapos niyon ay nakangiting lumingon si Willar sa reynang nag-aalala para sa kaniya. “Sa susunod h’wag mo na ulit akong tatakutin!” singhal ni Esmeralda sa dayuhan na kaagad niyang nilapitan at niyakap. Maluha-luhang napatingala si Willar sa reyna. “Maliban sa aking ama, ngayon lamang ako nakaramdam ng pagmamahal mula sa iba, mahal na reyna. Maraming salamat, ngunit h’wag kang gaanong mag-aalala sa akin. Alam ko ang aking ginagawa dahil hindi na bago sa akin ito.” Ibinaling ni Willar ang kaniyang tingin sa madilim na b****a ng kuweba, ganoon din ang kaniyang mga kasama. Lahat sila ay nakadama ng

