In The Brink Of Death

2185 Words

LAKING GULAT ng tatlo nang matuklasan nilang si Suela ang malaking itim na bato roon. Halos hindi makapaniwala si Oruza at ganoon na lamang ang pagsisisi niya sapagkat sinumbatan niya ito at pinagsalitaan ng masasakit nang huli silang magkita. “Sino’ng may gawa nito sa iyo, ina?” maluha-luhang tanong ni Oruza sa inang patuloy sa pagtangis. “Isinumpa ako ni Saffira,” tugon ni Suela sa pagitan ng kaniyang mga hikbi. “Paano pa kita mayayakap ngayon? Paano kita makakasama at mababawi sa mga umangkin sa `yo.” Napakunot ang noo ni Oruza. “Walang umaangkin sa akin, tinanggap lamang nila ako bilang bahagi ng kanilang pamilya, ngunit binigyan ako ni ama ng kalayaang hanapin ka upang magkasama tayo,” salaysay ni Oruza. “Mapagbalatkayo!” asik ni Suela. “Pinayagan ka niya dahil batid niya marahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD