Spring

2159 Words

NAGLIWANAG ang buong paligid kasabay ng pagsabog. Isinalba naman sila roon ng kalasag na nagbigay ng proteksyon sa kanila. Nang tuluyang humupa ang liwanag, tumambad sa kanila ang mga tustang katawan ng mga insektong lumusob sa kanila. Malaki rin ang naging pinsala nito sa buong lupain. “Ikaw ang nakita kong may nagliliyab na mga kamay sa aking pangitain,” naibulalas ni Agor habang nakatitig sa anak at mistulang hindi makapaniwala. Ang tinuran niyang pangitain ay hindi niya sinambit kaninuman kaya’t nagdulot ng palaisipan. Nanginginig na ibinalik ni Satur kay Ruru ang kalasag at matamang pinagmasdan ang kaniyang mga kamay. Siya man ay tila hindi makapaniwala sa kaniyang nagawa. Nabaling ang tingin niya sa reyna na nakangiti habang nakatitig sa kaniya. “Paanong hindi napatay ng aking ula

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD