Simula ng malaman ang lagay ni Diego ay hindi na ako umalis sa tabi nito. Lalo ding lumala ang lagay nya sa paglipas ng ilang araw dahil ayon sa doktor nya ay malala na talaga ang sakit nya at wala ng lunas.
Para nalang kaming tanga na naghihitay sa pagpikit ng mata nya na labis kong ikinaiyak dahil ayaw ko pang mawala sya.
Totoo ang nararamdaman mo kay Diego kahit na kalahati ng edad ko ang edad nya. Hindi naman kase sa edad nasusukat ang pagmamahal ng isang tao lalo na sa mga bagay na ginawa ni Diego sakin lalo na sakin at sa anak noong mga panahon na lugmok at walang wala ako.
Natutunan ko na syang mahalin kahit na isinisigaw parin ng puso ko na si Matt ang laman non.
"Don't cry sweetheart. I'm still here" Biro nitong sabi saka nito pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi ko.
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Hindi nakakatawa" Inis kong sabi dito saka siya inalalayan na maka higa sa kama nya para makapagpahinga na.
Galing kami sa hospital para sa weekly check up nya na pinaki usap ko sakanya. Nung una ay ayaw pa niya ngunit mas makulit ako kaya sa huli ay pumayag na siya.
"Nagka usap na ba kayo ni Matthew?" Pagkuwan ay tanong nya matapos kong maayos ang kumot sa katawan nya.
Pinakatitigan ko muna sya sa mata bago inilingan. Ang totoo ay wala pa akong balak na kausapin ang anak nya tungkol sa nangyari saamin noon at sa rason nya kung bakit hindi na nya ako binalikan at hinanap man lang. Ayaw kong mahati ang atensyon ko para sakanya at kay Matt kaya mas minabuti ko na alagaan na muna siya bago ko kausapin si Matt.
"Give him a chance Mara. You need to know his explanation, para malinawan kayong pareho. I know he have a reason to that to you" Muli ay sabi nito dahil sa pananahimik ko.
Napabuga ako ng hangin bago ako humarap ulit sakanya saka ako umupo sa may kama sa tabi nya saka siya sinagot.
"Kakausapin ko din siya. Pero hindi muna ngayon dahil hindi ko pa kayang balikan ang lahat ng sakit at hirap na dinulot nya sakin noon" Napapatungo kong sagot dito na kina tango nya.
"Alright! I will not force you to talk to him but give him a chance okay?" Muling sabi nito na tinanguan ko nalang saka na sya hinalikan sa pisngi at pinagpahinga na.
Paglabas ko sa kwarto ni Diego ay mabilis akong bumaba para magtungo sa kusina. Lagpas na kase sa tanghalian at baka nagugutom na ang anak kong si Zion. Pala gutumin pa naman iyon.
Natitigilan ako sa paglakad ng makita sina Matt at Zion na masayang nagluluto sa kusina. Si Matt ang nasa tapat ng kalan habang si Zion ang nagbibigay ng mga kailangn nito sa niluluto nya.
"The soysauce" Sabi ni Matt saka inilahad ang palad sa bata na masiglang sinunod naman ng isa.
"Will Mommy like what you've cooking po?" Pagkuwan ay tanong ni Zion kay Matt matapos nitong maiabot ang inutos nito.
"Yes Baby! You're Mom really loves adobo" Sagot naman nito sa bata na kina singhap ko.
Naalala ko noon na palagi ko ito pinagluluto ng adobo noong nakatira pa ito sa apartment nito na naging tirahan ko din noon ng palayasin ako ni Nanay.
"But si Daddy po ang may paborito nyan because he loves Mommy before because of that dish" Sagot muli ni Zion na kina tigil naman ni Matt sa pag hahalo sa niluluto.
"How did you know that?" takang tanong nito sa bata na mabilis na sinagot naman ng isa
"Daddy tell me how they met before. Nagwowork daw po si Mommy sa isang canteen then Daddy came there and order a adobo dish tapos nasarapan daw po kaya everyday na bumabalik si Daddy para maka eat ng luto ni Mommy" Nakangiting kwento ng bata na kina tango nalang ni Matt pero hindi nakatakas sakin ang pagpait ng mukha nya at lungkot.
"Ano pang nalalaman mo about they're relationship?" Muling tanong ni Matt sa bata na animo'y interesadong interesado sa takbo ng usapan nila.
Napahawak si Zion sa baba nito saka tumingala sa may taas na para bang nag iisip bago sinagot ang tanong ni Matt.
"Ah! I know po Daddy introduce Mommy to his birthday before as he's Fiancee because Mommy's pregnant and ako po iyon" Masigla muling sagot ng bata na kina talim ng tingin ni Matt sa Bata saka nalang ito nagbuga ng hangin at nagpatuloy na sa pagluluto.
Hindi na ako nakinig pa sa usapan nila at piniling lumabas ng bahay at nagtungo sa may swimming pool at doon tumambay.
Tirik na tirik ang araw habang pinagmamasdan ko ang paligid na tahimik.
Pag upo ko sa isa sa mga couch na narito ay ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang mga panahon na una kaming nagkita ni Matt.
Kung paano kami magbangayan dahil sa muntikan nyang pagbangga sakin hanggang sa maging magkaibigan kami at mangyari ang pag aminan namin sa isa't isa at ang unang namagitan samin noon.
Napabuga ako ng hangin saka ko binuksan ang mga mata ko.
"What if binalikan kita noon? Ako parin ba ang pipiliin mo?" Bigla ay sabi ng kung sino kaya napa balikwas ako ng upo sa kina uupuan ko at tinignan si Matt na siyang nagsalita at nakatayo sa may tabi ko.
"What are you talking about?" Iwas tingin kong tanong.
Umupo ito sa kaharap kong upuan saka ako pinaka titigan ng maigi.
"Ang dami ng nagbago sayo" Nangingiti nitong puna sa itsura ko.
"Lahat ng tao ay nagbabago sa paglipas ng maraming taon" Mapait kong sagot sakanya na tinanguan nya bilang pag sang ayon.
"A big thank you to my Father who can do all the thinks that i can't do to you and to our child" Mapait nitong sabi na kina iwas ko ng tingin sakanya.
"He's not yours. Anak namin siya ni Diego" Pagtanggi ko sakanya na hindi tumitingin.
Natawa ito sa sinabi ko kaya muli ko siyang binalingan ng tingin na naka ngiti parin habang titig na titig sakin.
"You can fool your self Mara. But not me. Alam kong anak ko si Zion" Seryoso na nitong sabi na kina lunok ko ng laway.
"Sige! Sabihin na nating anak mo nga siya. E ano naman ngayon? Si Diego na ang ama nya mula ng nasa sinapupunan ko palang siya hanggang sa magka isip" Inis kong sabi dito na kina tahimik niya.
nginisihan ko ito ng bigla ay walang masabi sa sinabi ko. Akmang tatayo na ako ng pigilan nya ako sa kamay kaya napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sakin.
"Give me a chance to explain everything and to prove to you that i'm already here for you and for Zion" May lungkot, pag mamakaawa nitong tono na sabi na kina tigil ko.
Kita ko sa mata nito na sinserso siya sa sinasabi nya kaya tinanguan ko nalang siya.
"Prove it only to Zion and don't expect to me anything because i love Diego morethan i love you before" Mapait na sagot ko dito saka ko inagaw ang kamay kong hawak nya saka na siya iniwan doon para puntahan ang anak ko.
Inabutan ko si Zion na palabas ng kusina at madungis dahil sa kinain nitong Adobo. Masaya itong dinaluhan ako at niyakap ang mga kamay nito sa binti ko.
"Mommy! Kuya Dale cook an adobo for us" Masayang sabi nito na kina ngiti ko din dahil ang cute cute nya.
"Are you done eating?" Tanong ko dito saka lumuhod sa harapan nya para magpantay kami.
"Yes po! Ang dami ko pong na eat na chicken, kase po same po ang lasa ng luto ni Kuya sa luto mo" Maligalig nitong sagot na kina tingin ko kay Matt na nakatayo sa may pinto papasok sa bahay.
Kita ko ang lungkot sa mga mata nito dahil sa pagtawag na Kuya sakanya ni Zion imbes na Papa, Tatay o Daddy dahil siya ang totoong Ama nito.
Inakay ko na si Zion paakyat ng hagdan para paliguan na ito at patulugin para lalong lumaki.
Pagkatapos itong mapaligo at magawan ng gatas sa bote nito ay pinahiga ko na sya sa kama nya para patulugin na mabilis namang nakatulog dahil sa vitamins na pinapainom ko sakanya na may halong pampa antok.
Pagkalabas ko ng kwarto ni Zion ay dumeretso ako sa kwarto ni Diego para silipin ito kung gising na ngunit mabilis na natigilan ng makarinig ng boses na nagtatalo.
"Please Dad! Sign it! Don't force me to do harder than this if you still not signing this papers!" Matigas na boses ni Matt sa ama nito na kina kunot ng noo ko.
"Why can i? Hindi kana ba makapag hintay na mamatay ako para mapakasalan si Mara?" Sagot ni Diego dito na kinanlaki ng mga mata ko.
"In the first place ako naman talaga ang dapat na asawa nya! Umepal kalang" Galit ng sigaw ni Matt dito.
"Hindi ako umepal! Kung hindi ko nakilala ang mag ina mo ay napabayahan na sila ng husto ng dahil sa kagaguhan mo" Napapasigaw na ding sagot ni Diego na may kasamang pag ubo.
Kaya sa pag aalala ay nagmamadali akong pumasok at dinaluhan si Diego na nakahawak ng mahigpit sa dibdib nito at namamalipit sa sakit.
"Honey!" Nag aalalang tawag ko dito sala siya binigyan ng maiinom na tubig.
"Ano bang ginagawa mo ah?" Galit kong tanong kay Matt ng mabalingan ito ng tingin.
Nakatanga lang itong nakatitig sakin habang hawak ang mga papel na pilit na pinapa pirma sa Ama nito.
"Ano ang mga iyan at parang atat na atat ka para mapapirma iyan?" Inis, gigil at nanlilisik ang mga mata kong sabi sakanya.
"Its not your business Mara!" Sagot nito saka nag iwas ng tingin.
"It's my business too Matt dahil involve ang asawa ko dito at alam mo naman ang karamdaman niya kaya bakit mo siya sinisigawan! Nagbago ka na talaga!" Galit kong sabi dito saka sya tinalikuran at dinaluhan si Diego para alalayan itong makahiga ulit sa kama nito.
"Sayo na mismo nanggaling na lahat ng tao ay nagbabago kaya bakit gulat na gulat ka?" Pagkuwan ay sabi ni Matt na kina tigil ko saka ko siya iiling iling na tinitigan.
"Oo! Nagbabago ang mga tao pero ang respeto sa tao lalo na sa nakakatanda sayo ay dapat na manatili. Ama mo ang kausap mo! Hindi kung sino lang! Respeto naman kahit kaunti lang" Gigil kong sabi dito na kina tahimik nya kaya binawi ko ulit ang tingin sakanya at binalingan si Diego na humawak sa kamay ko na para bang pinipigilan akong makipag away kay Matt.
Walang salisalitang lumabas si Matt sa silid ng Ama nya kaya napa buga ako ng hangin saka ko tinanguan si Diego na may pag aalala sa mukha.
"Don't worry about me Sweetheart" Tipid na ngiti nitong sabi na inilingan ko.
"How can i? Paano kong napano ka kanina habang sinisigawan ka niya? Hindi ko siya mapapatawad kung may nangyaring masama sayo!" Matigas na sabi ko na kina ngiti nya ng malawak.
"You really love me Isn't ?" Pilyong sabi nito na inirapan ko nalang kaya lalo siyang natawa.
"I love you too sweetheart" Muling sabi nito na may ngisi at kapilyuhan pa sa mukha.
"Wag mo nga akong dinadaan sa ganyan! Ano ba ang pinapapirma nya sayo?" Kunwari ay naiinis parin ako pero hindi naka takas ang ngiti sa labi na dahil sa paglalambing nya.
"Divorce paper. Gusto nyang kunin ang costody ni Zion" Bigla ay sabi nito na kina gulat ko.
"What?" Napapalakas kong tanong dahil sa sinabi nito.
"He wants me to sign that paper para pormal kang suyuin at alukan ng kasal para masunod na sakanya si Zion" Mapait na ngiti nitong sabi na inilingan ko.
"No! Kahit anong gawin nya ay wag mong pipirmahan yon!" Sabi ko na tinanguan nya agad.
"Yes! I will not do that until my last breath" Sagot nito saka ako niyakap at niyakap din siya pabalik.
Sinabihan ko na siyang magpahinga at wag na isipin ang naging sagutan namin nila Matt.
Nang masiguro na nakatulog na ito ay lumabas na ako ng kwarto nya para harapan si Matt at makausap tungkol sa gusto nitong gawin.