CHAPTER-15

1825 Words
Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Si Zion pa ang nabungaran ko kaya napangiti ako ng makita itong halik ng halik sa mukha ko. "Mommy are you awake?" Tanong nito kaya napa yakap ako sakanya saka ako tumango tango. "Ikaw kase e" Paninisi kong biro dito sabay kalas sa yakap sakanya at tumayo na. "we're going outside Mommy. Daddy told me earlier" Anito kaya kunot noo ko itong tinignan pero nag pacute lang ito. Akmang pupunta na ako sa banyo ng bigla nanaman itong magsalita na kina tigil ko. "Mommy what's that red mark on your neck?" Tanong nito. Sa gulat ko ay dali dali akong pumasok sa banyo at tinungo agad ang sink at tinignan sa salamin ang tinutukoy nitong redmark. Napa sabunot ako sa sarili kong buhok ng makumpirma nga ang sinasabi ni Zion na redmark. It was a Kissmark or hickey. at alam ko kung sino ang may gawa. Napasigaw ako sa fustration ng maalala pa si Diego kagabi at yung mga ikinilos nya. Ito marahil ang tinitignan nya kagabi saakin kaya nagkaganoon ang ikinilos nya saakin Nagmamadali akong naligo dahil sa kagagahan kong pinag gagagawa. Iniisip kung paano ko ipapaliwanag iyon kay Diego. Nang matapos sa pag ligo at makapag bihis ay hinanap ko agad sa bag ko ang conciler ko para itago ang mga markang inilagay ni Matt saakin. kahit na alam kong nakita na iyon ni Diego ay minabuti ko parin na takpan iyon. Napakarami kase non sa leeg ko. Sabay kaming bumaba ni Zion at nadatnan namin sina Diego at Matt sa may living area na busy nag uusap. Natigilan silang dalawa at sabay na bumaling samin ng sumigaw si Zion ng Daddy. Kumunot ang noo ko ng makita ang reaksyon ni Matt dahil lang sa pagtawag na Daddy ni Zion na alam kong si Diego naman ang tinatawag nito. Nang tuluyan ng makalapit si Zion kay Diego at yumakap ito kay Diego kaya nawala ang ngiti sa labi ni Matt na kanina ay todo lawak. "Daddy! Mommy is awake so we're go na po" Masayang sabi ni Zion kay Diego na kina ngiti naman ng matanda" "Can i come too?" Pagkuwan ay tanong ni Matt sa bata kaya napatingin si Zion dito ng naka kunot ang noo at nagtataka "Dad who is he?" Dinig kong bulong ni Zion sa Ama kaya mapatingin ako kay Matt. Kita ko ang lungkot at pait sa mga mata nito habang tinitignan ang bata. Sa wari ko ay alam na ni Matt na anak nya si Zion base na din sa mga kinikilos at pinapakitang reaksyon ng mukha at katawan nya. "He is your Kuya Matthew. He is my first born child before you" Sagot ni Diego sa bata kaya bumalatay ang tuwa at saya sa mukha ni Zion dahil sa nalaman. Matagal na kasing naghihingi ng kapatid si Zion samin ni Diego. Big boy naman na daw sya kaya, kaya na nyang mag alaga ng baby brother or baby sister na kina ngiwi naming pareho ni Diego noon. Pareho kasi naming alam ni Diego na hindi na nya kayang gumawa ng bata kahit na active na active pa ang matris ko. Gawa nga ng may edad na ito at may nararamdaman na din sya sa katawan dahilan ng pagbilis ng paghina ng katawan nito. "Yey! I have a big brother now!" Masayang sabi ni Zion saka nito dinaluhan si Matt at niyakap sa may braso. Binuhat naman ni Matt si Zion na lalong nagpa hagikhik sa bata dahil gustong gusto nito na binubuhat. Hindi na kase sya nabubuhat ni Diego mula ng mag take ng maintenance meds si Diego at sobra na ito sa laki at taba. Inakay na ni Matt si Zion palabas ng bahay kaya kami nalang dalawa ni Diego ang naiwan dito. Akmang lalapitan kona sana si Diego para makausap ito tungkol sa nangyari kagabi ay bigla itong tumayo at walang pasabi sumunod sa dalawa. Ni hindi man nya ako binalingan ng tingin kaya medyo nakaramdam ako ng kirot dahil sa pambabalewala nya sakin na ngayon nya lang ginawa simula ng magsama kami. Naiintindihan ko naman ang kinagagalit nya. Sino ba naman kase ang hindi magagalit kung makita mo ang asawa mo na may kissmark sa leeg and worst is hindi ikaw ang may gawa. Lalong sino ang hindi magagalit sa dahilan na dumating lang ang anak nitong matagal nawalay sakanya ay bigla nawala sa paningin mo ang asawa mo tapos makikita mo nalang na may kissmark ito sa leeg gayong ikaw at ang bagong dating mo lang na anak ang lalake dito. Matalinong tao si Diego at alam kong alam na nya kung ano ang meron samin ni Matt nung una palang nyang malaman na magkakilala kami nito. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nadito na pala kami sa isang parke na gustong puntahan ni Zion sa Ocean park. Noon pa man ay gusto na nitong pumunta dito ngunit gawa nga ng busy kaming pareho ni Diego ay wala kaming time na dalhin ang bata dito. Masayang pumasok si Zion habang akay ni Matt patungo sa entrance hindi na alintana ni Zion kung nasaan na kami ni Diego basta siya ay masaya at excited na mapuntahan ang lahat ng gustong puntahan. "Hon pwede ba tayong mag usap?" Pagkuwan ay tanong ko kay Diego habang tahimik naming nililibot ang kabuohan ng park. Si Matt na kase ang umako sa pag babantay kay Zion kaya may pagkakataon akong makausap ng sarilinan si Diego ngayon. Tinignan nya ako sa mata na may malungkot na ekspresyon. Kitang kita ko ang sakit na nararamdaman nito at alam kung dumoble pa iyon dahil sa ginawa ko. "He is the father of your Son. Am i right?" Tanong nito saka bumaling sa dalawa na masayang masaya sa ginagawa. Hindi ako naka sagot sa tanong nito kaya napabuntong hininga muna ito bago muling bumaling sakin at magsalita. "I know everything from the very start Mara" Pagkuwan ay pag amin nito. Hindi naman na bago sakin na alam nya ang nakaraan ko pero hindi ko parin maiwasan na magulat kaya nanlalaki ang mata kong tumitig sakanya. "Kelan? Paano?" Sunud sunod kong tanong dito "The first time i saw Zion when you give birth" Sagot nito. "Nung nakita ko si Zion non ay si Matthew na agad ang nakita ko. Imposible naman kase na maging kamukha ko sya kahit walang dugo ko ang dumadaloy sa sakanya kaya pina imbestiga ko ang nakaraan mo and then boom. nalaman ko nga ang nakaraan nyo ng anak ko" Mahabang paliwanag nito na kina bagsak ng mga luha ko. "Nang malaman ko ang pag iwan sayo ni Matthew at ang sakripisyong ginawa mo para maitaguyod mo ng mag isa ang pinagbubuntis mo noon ay pinangako ko sa sarili ko na ako ang babawi sa kagaguhan na ginawa nya sayo. Ibinuhos ko ang lahat ng magagawa ko para mapunan ang pagkukulang ni Matthew sainyo" Pagpapatuloy nitong kwento at ramdam ko doon ang sakit at bigat ng nararamdaman ni Diego ngayon. Napayakap ako sakanya dahil sa sinabi nyang iyon. Lalo tuloy ako nagsisi sa ginawa ko dahil sa kabila ng kabaitan at magagandang ginawa nito saming mag ina ay niloko ko pa din siya. "Last night? When you left in my room, i know Matthew will make a way para makausap ka kaya alam kong magkasama na kayo kagabi sa kwarto nya. Wala talaga akong balak na guluhin kayo kundi ko lang nakita si Zion na umiiyak habang hinahanap ka kaya ang ginawa ko ay nilibang ko nalang siya para mabigyan pa kayo ng oras para mag usap ni Matthew" Muling sabi nito habang nakayakap parin ako sakanya at alam kong umiiyak na din ito dahil sa pag galaw ng mga balikat nya. "I'm sorry... I'm really sorry" Pag hingi ko ng tawad dito saka ko hinagod ang likod nya. "It's okay sweetheart. Don't mind me, As long as you happy, I'm also happy too" Umiiyak nitong sabi saka kumalas sa yakap ko para punasan ang luha kong lumalandas sa pisngi ko "Shh! Don'y cry. You know i don't like seeing you crying" Pag aalo nito sakin kaya pinilit kong tumahan kahit kusang tumutulo ang luha ko. "Anong pwede kong gawin para makabawi sayo?" Pagkuwan ay tanong ko ng makahuma sa pag iyak. "Stay by my side until i'm gone. Thats all and then your free" Sagot nito na kina gulat ko. "What do you mean?" Naguguluhan kong tanong. "I have only 6months left Mara. Sabi ni Doc Guecco ay wala na akong chance. Wala na ding silbi ang mga gamot ko kaya useless na sila" Sagot nito na kinan lumo ko. "No! Thats not true! Mag papasecond opinion tayo baka nagkamali lang si Doc Guecco" Umiiling kong sabi at di mapakali. "Stop it Mara. I already accept it. Infact napa uwi ko na din si Matthew para may makasama kayo ni Zion pag wala na ako" Pagpapakalma nya sakin. Ngunit natitigilan akong napatingin ng deretso sakanya dahil sa huling sinabi nito. "You mean ikaw ang nagpa uwi kay Matt? And He knows already about Me and Zion?" Tanong ko dito na tinanguan nya ng sunod sunod. Oh god! Kaya pala ganon ang mga kinikilos ni Matt pagnakikita nito si Zion. At ngayon todo ang saya nya dahil nakakabonding nya ng solo ang anak nya. Mabilis namin inayos ni Diego ang mga sarili ng makita ang dalawa na papalapit na sa kinaroroonan namin. Priceless ang makikita mo sa mga mukha nila ng tuluyan na silang makalapit samin. Mabilis na yumakap si Zion sa bewang ko kaya agad kong kinapa ang likod nya para tignan kung basa ba iyon ng pawis o ano. Kahit medyo basa lang ay pinunasan ko parin ang likod nito saka ko nilagyan ng bimpo para ito na ang sumipsip ng pawis nya. "Mommy! I'm hungry na po" Pagkuwan ay sabi ni Zion sakin saka din ito bumaling kay Diego "Alright! Lets go to the resto" Ani Diego saka inilahad ang kamay sa bata na agad na tinanggap ni Zion saka na sila sabay na naglakad paalis kaya naiwan kaming dalawa ni Matt. "Can we talk?" Pagkuwan ay tanong ni Matt sakin ng sabay kaming lumakad pasunod kina Diego at Zion. "About what?" Tanong ko naman pero hindi ito binabalingan ng tingin dahil nakanila Diego ang paningin ko "About us and Zion" Sagot nito kaya binalingan ko na sya ng tingan at napatigil sa paglakad kaya ganon din ang ginawa nya. "Wala na tayong dapat pag usapan dahil matagal ng walang tayo" Deretsahan kong sabi dito at akmang maglalakad na muli ng hawakan nya ako sa braso para pigilan kaya napaharap muli ako sakanya. "Please Mara. Let me explain my side first" Pagmamaka awa nito na kina tawa ko. "I don't need it anymore Matt. I'm contented to what i have now WITHOUT YOU!" Mairing sabi ko saka ko pinakadiinan ang huling dalawang salita bago siya tinalikuran at iwan. It's too late Matt... It's too late.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD